"Weeeh?"

"Oo nga," seryosong sagot niya.

"So, bakit mo nga ako nilalandi?"

"Hindi ko alam," he paused, "Hindi ko talaga alam eh."

Natawa ako sa kanya, "Ang labo mo."

"Hindi ba mas mabuti nga 'yon?" tinitigan niya ako.

"At paano naging mas mabuti yung pagiging Malabo mo?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Kasi, hindi ako magkakaroon ng rason para mawala ang pagkagusto ko sayo. Paano kung nagustuhan lang kita dahil maganda ka? Edi kapag matanda kana hindi na kita gusto kasi kulubot na mukha mo?"

I smirked, "Good point. So gusto mo ako?"

"Hindi pa ba obvious?" he arched a brow.

"Hindi mo naman sinabi. Nilandi mo lang ako."

Natawa siya pero naging seryoso rin ang mukha niya, "Right. So yeah, gusto kita."

And then my heart started to beat abnormally. Pakiramdam ko tuloy para akong teenager ulit ako. Hoy, Penny, sumagot ka! Gusto ka raw niya!

"Gusto rin naman kita, ah," tumaas ang kabilang sulok ng labi niya. Putcha, kahit ako, nagulat ako sa lumabas na salita sa bibig ko.

"Really?" he asked in amusement.

I just smiled.




****

Nagluluto na si Paul nang bigla parang maiihi kao.

"Hey, can I use your bathroom?"

"Sure," sagot niya, "You can use mine or you can use the common. Nasa pinadulo ng hallway."

Hindi na ako sumagot at lumakad na lang.

Pero bago ako nakarating, may napansin akong isang pinto ng isang kuwarto na nakabukas. Kaninong kuwarto kaya 'to? Papasok na sana ako pero ihing-ihi na ako kaya dumirtso nalang muna ako sa banyo.

Pagkalabas ko sa banyo, pinasok ko yung nakabukas na pinto. Wow. Akala ko kuwarto, pero parang mini library pala 'to. Teka, sino namang pumupunta dito? Nilapitan ko yung shelves. Medyo marami-rami rin ang mga librong nandito. Kay Paul 'to? Bakit parang puro yata about literatures ang mga nandito. I thought he's into business.

I let my eyes roam the room and scanned the books. May isang librong umagaw ng pansin ko. Shakespeare's Sonnets. Wait, Sonnets? Kinuha ko 'yon at tiningnan. Medyo luma na at may initials na PFG sa first page. Kay Paul 'to. First edition variant? Luma na nga! May nabibili pa bang ganito ngayon?

Naalala ko tuloy 'yung hacker. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong nag-udyok sa akin na tingnan ang nasa loob ng libro. Tiningnan ko kung anong page yung Sonnet 121.

Parang nanlamig ang katawan ko nang nakita ko ang nasa pahina na binuklat ko. Naka-highlight last line nung Sonnet 121. Naka-highlight! Bakit? Hindi ba ito yung...? What. The. Hell.

Naalala ko rin yung encrypted message na pinadala niya bago ako na-trap sa blackhole niya. Ano ba 'yon? Titingnan ko kung nandito din sa isa mga libro niya. Putangina. Kinakabahan ako. Siya ba 'yung hacker?

I came like water. And like wind I go.

Naalala ko, pero hindi ko maalala yung author. Shit.

Nanginginig ang mga kamay ko habang isinisuli sa shelf yung libro at habang naghahanap ng isa pang libro. Kapag nakita ko dito yun, sigurado ako, siya yung hacker.

"Penelope?" shit.

Dali-dali akong lumabas at sinara yung pinto. Kinalma ko ang sarili ko bago bumalik sa kusina.

"What took you so long?" tanong niya.

ilang Segundo ko rin siyang tinitigan.

"Hey, you okay?"

Hindi naman, nagdududa lang ako sa'yo, gusto kong sabihin sa kanya. "Yeah, I'm fine."

"Okay," hindi siya kumbinsido sa sagot ko, "Let's eat. You must be hungry." Ngumiti siya sa akin.

Pilit akong ngumiti sa kanya. Ayokong makahala siya. Habang kumakain kami, nag-iisip ako ng paraan kung paano ko mako-confirm kung siya ba talaga.




****

Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na akong umuwi. Ewan, pero nawala bigla ang mood ko eh. Bakit ganun? Imposible namang coincidence lang yon.

Alam kong nagtataka siya dahil bigla tumamlay ako, pero bahala na.

Nang naihatid ako ni Paul sa apartment ko, hinalikan pa niya ako sa pisngi. Tipid ko lang siyang nginitian at pumasok na ako. Hindi ko maiwasang isipin na kung siya ang hacker, ang kapal ng mukha niya. Pinaglalaruan niya ako!

Pagpasok ko, kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Hadji.

"Penny? Gabi na, ah? What's up?" sagot niya.

"I need you to go undercover," I said in a low voice, "The three of you." 

Hacker Vs. HackerWhere stories live. Discover now