#15.1

150 1 0
                                    

Liù....

=Quinn'sPOV=

"One thing lead to another" ika nga. Matapos matagpuan ng patay yung dalawang magsasaka sa loob ng maid's cleaning tools room ay sumunod naman namatay ngayon ay isang buong pamilya ng Suarez. Sikat ang mga ito sa Barangay Onse dahil sa pagiging matulungin sa mga Clandestine kapag kailangan ng tulong sa hacienda.

Magkaibigan ang dalawang pamilya pero hindi magkasosyo sa negosyo. Kaya laking pagtataka lang namin kung bakit ito pinatay. Hapon namin nalaman ang balitang patay na ang buong pamilya nila.

Inabutan namin doon ang pulisya na nagtitingin kung anong pwedeng dahilan ng pangyayari. Dahil abg mga Clandestine ang Mayor nila dito sa kanila ay sa kanila kami humingi ng tulong para makapasok sa loob at makatulong sa mga pulis.

"Ang lansa ng amoy!" Pag-iinarte ni Rae. Ang kulit kasi! Sinabihan na ni Quinton na wag sumama hala pagpupumilit! Tas mag-iinarte! Tsk!

"Nasaan po ang nga bangkay ng pamilyang Suarez?" Tanong ni Peyton sa isa sa mga pulisya. Tinuro ng pulis na nasa likod ito ng bahay dahil hindi pa kinukuha ng ambulasya para dalhin sa morgue.

"Paalala lang na wag kayong humawak ng kahit ano para hindi kayo masama sa imbestigasyon" Paalala samin ni Manong bago kami pumunta sa likod ng bahay.

"OH.MY." Gulat na sabi ni Rae at napatakip agad sa bibig.

Anim na miyembro ang pamilyang Suarez. Kaya laking gulat namin na lahat sila ay namatay. Akala pa naman namin na may natirang buhay.

"Hindi ko akalaing mas may isasaklap pa ang pagkamatay ng dalawang magsasaka." Sambit naman ni Ree.

Kung ang dalawang magsasaka ay namatay dahil sa pagpugot ng ulo at paghiwa sa katawan ng dalawa ay ang pamilyang Suarez naman lahat. Nakabilog sila sa isang mesa na animo'y nagkakaroon ng pagsasalu-salo. Ang parte ng katawan nila ay halata namang hindi kanila at tinahi lang iyon. Kumbaga hiniwa ang mga braso, hita, ulo at iba pang parte ng katawan nila at tsaka tinahi sa ibang katawan ng miyembro ng kanilang pamilya. Iisipin niyong isang bata lang na nasira ang kamay ng barbie doll at at paa nito at napagpalit kung saan dapat dapat nakalagay.

"Akala ko ba anim sila? Bat lima-" Natigil ang tanong ni Naomi ng itaas ni Peyton ang isang plato na may nakalagay na daliring hiniwa-hiwa.

"Yuck! Kung yan lang ulam hindi na ko kakain!" Kumento ni Janelle.

"Talagang tea party pa gusto mangyari nung mamatay tao na yun ah? Kahit inumin gusto dugo eh." Saad naman ni Devin sabay pakita nung mga basong may laman ng dugo.

"He/She is playing dirty tricks. Gusto niyang imbestigahan natin kung paano namamatay yung mga pinapatay niya na walang nakakaalam para hindi tayo makapagfocus para sa kanya." Sabi ko.

"Guys! Tignan niyo main course!" Sabi ni Rae sabay pakita ng plato na may Puso.

"Yuck! Nevermind!" Sigaw ni Naomi. Sus! Mas nakakadiri yung ngayon pero sa kahapon siya sinikmura?

"Teka." Sabi ni Quinton at lumapit dun sa platong may puso. Gusto ko siya hampasin ng bigla niyang lamutakin yun.

"Ano ba yan! Kadiri ka!" Pag-iinarte ni Rae habang pilit na nilalayo sa mukha niya yung plato na hawak niya. Mas kadiri kung wala siyang gloves.

"Ayun!" Sabi niya sabay hila dun sa nakuha niya.

"Cresent moon?" Sabi ni Rae ng ipakita samin ni Ton yung hinahahalungkat niya dun sa puso kanina.

"Guys, sa tingin ko yan yung pinapahanap satin. Remember the riddle?" Sabi ni Ree. Kung ganun nga? Simula na to ng paghahanap namin sa natitira pa?

"Nasaan yung stick? Dapat ngayon pa lang mahanap na natin yun." Sabi naman ni Peyton. Tumango kami at umalis na doon para bumalik sa mansyon. Walang tulugan ata kami ngayon.

A/N:

Sorry po kung short lang to! Tinatapos ko na po kasi yung 1st book ko 😁 Abangan nalang po next update! 😊✌️ THANK YOU!!!!!! 😍❤️ Dahil 2k na po to! Hindi ko akalain na marami rin pala magbabasa ng story ko na to 😭 Thank you po talaga! 😊😁❤️👏👍✌️

Clandestine MysteriesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora