#4

233 5 0
                                    

=Janelle's POV=

"AHHHHHHHHHHH!!!!!" malakas ng sigaw ko matapos makita yung manika na nakaupo sa mga maleta ko. Nagmamadali akong buksan ulet yung pinto kaso ayaw bumukas. Napatingin ulet ako dun sa manika at nakita ko iyon sa sahig. Napasigaw pa ko ng mas malakas ng makitang dahan-dahan nitong paglapit sakin.

"AHHHHHH!!!! TULONG!!!! " sigaw ko habang pilit na binubuksan ang pinto at pinaghahampas. Malapit na yung manika sakin ng maramdaman kong bumukas ang pinto. Nang bumukas iyon aya agad akong napayakap kay Devin at umiyak sa dibdib niya.

"Anong nangyare?! Bat nagsisisigaw ka?!" tanong nito sakin. Tinignan ko siya at sinikmuraan

"Hayup ka! *sniff sniff* sabi mo joke lang! bat mo tinotoo?!" galet na sigaw ko sa kanya. Ang laki ng galit ko ngayon sa kanya sa paglagay ng manikang yung sa kwarto ko. Kaso mas nangibabaw yung takot ko kaya hindi ako makabitaw sa yakap ko sa kanya. Napadaing siya nung sinuntok ko kay nakayakap ako kaya hindi niya mahilot yung tiyan niyang sinikmuraan ko. Lalo akong napaiyak ng maalala ko yung manika sa kwarto ko.

"Ano? Ang alin?!" gulat na tanong ni Devin. Sakto naman dumating yung iba

"Anong nangyare? Ikaw ba yung humihiy-Teka! bat umiiyak ka?! Devin! ano nanaman ginawa mo?!" sabi ni Naomi kay Devin at tinignan ito ng masama

"I didn't do anything! I just heared her screaming then she burst out in tears when she saw me after opening the door" paliwanag niya.

"Sinungaling! Nilagay mo sa loob ng kwarto koyung manika ni Annabelle!" sigaw ko sa kanya

"Pre naman bat mo ginawa yun? alam kong malakas ka mantrip pero wag naman yung sobra na" sabi naman ni Quinn.

"Sinabi ng wala nga akong ginawa" sabi pa niya. Sakto naman dumating si Winston

"May problema po ba?" Tanong nito

"Ah... w-wala Winston nagbibiruan lang sila Vin at Elle" Ngiting-ngiti at tila nag-aalalang sagot ni Naomi sa binata. Nakita ko naman na "tssss~" si Peyton

"Anong wala?! Yung manika ng kapatid mo nagsasalita!" Sagot ko

"Po?/Ano?!" gulat na sabi ni Winston at ng iba

"Ikaw naman kasi eh! Nakita mo ng takot ako ginawa mo pa rin!" sigaw ko kay Devin

"Hindi nga kasi ako naglagay nun dun! ang kulet niyo ah!" sagot niya

"Anong hindi?! eh ikaw nga yung unang umakyat satin dito sa mga kwarto eh! malamang bago pa ko makaakyat malamang nilagay mo na yung manika na yun!"

"Patunayan mo nga! Syempre hindi mo magagawa kasi hindi ko naman talaga ginawa!" sabi ni Devin

"Hindi binibitawan ng aking kapatid ang kanyang manika kaya posibleng totoo po ang sinasabi ni Vin" singit ni Winston

"Oh! di ba?! Ang kulet niyo eh! Nasaan si Annabelle? tanong niyo kung nasaan yung manika niya" Sabi ni Devin at ines na pumasok sa kwarto niya

"Baka naman nagsasabi ng totoo si Vin. Tama nga naman siya bat hindi nalang natin si Annabelle" sabi ni Desirae. Tumungo kasi sa garden kung nasaan si Annabelle naglalaro ng tea party niya. Nakita namin siya dun na masayang naglalaro mag-isa katapat ang iba pa niyang mga manika habang nagsasalin ng kunyring kape sa mga laruang baso nito. Lumapit si Winston sa kanyang kapatid at umupo sa harapan nito

"Annabelle where's your doll?" tanong nito sa bata

"Yun naman pala eh marunong sa english si brad. Pinagtagalog pa tayo ng malalim eh. Tsk!" rinig kong sabi ni Quinton

"You mean Aiea? She said she needs to go to the bathroom so I excused her" sagot ng bata. Putcha marunong din pala mag-english tong isang to eh =_= mas pipiliing kong ma-nosebleed sa english kaysa sumakit ang ulo sa lalim ng pagtatagalog nila =0=

Clandestine MysteriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon