#2

305 1 3
                                    

(SHORT UPDATE SORRY^_^V Busy sa school <3 )

=Naomi's POV=

Omg~ sana walang nakahalata kung saan ako nawala T-T jusko mapapahiya ako kay Winston kung nagkataon! TT0TT Di ko na talaga kaya eh! sakto pa na dun kami napunta edi tinakasan ko sila. Hindi ko kasalanan na kailangan ko sagutin ang tawag ni kalikasan! :'(

*10 minutes earlier*

pagtapos ipakita ni Peyton ang kabaliwan niya sa 'nakita' DAW niyang ghost na kalabaw eh pumasok na kami sa loob. Sakto naman na pinag-uusapan nila na i-tour muna kami ni Winston at ng bunso niyang kapatid na si Annabelle sa mansion nila. Pumayag naman kami sa offer nilang tour since malaki talaga bahay nila at baka maligaw pa kami kung sakali. Una nila kaming dinala sa dinning room. Then sa kitchen para daw kapag gutom kami free kaming pumunta dun. Di halatang pinamumukha nila kaming PG noh? =_= Tsaka maganda naman dinning room at kitchen nila kaso makalumang panahon yung style. Yung dinning room nila may chandelier ito sa ceiling tas isang mahabang mesa na I think can consists of 12 persons? tas may 3 candle holders syempre with candle na kasama ito sa gitna ng table. Yung kitchen naman parang kumpleto na nila mga gamit pangluto at sa itsura pa lang ng refrigerator nila halatang hindi ito nauubusan ng laman kahit mukhang luma na ang itsura nito. Next destination naman namin yung mga kwarto namin. Nung tinuro samin ni Winston kung saan ang kwarto namin ay pinatong na namin muna ang mga gamit namin sa may kama at pinagpatuloy yung paglilibot sa bahay. Kaya pala lumaki yung bahay nila sa dami ng kwarto nila dito. Nasa second floor ang mga kwarto kaya malaki talaga ang bahay nila. Sunod ay tinuro namin kung saan ang papunta palabas ng garden at taniman ng mga gulay nila kaya bumaba ulet kami. Oh di ba? sila na sosyal! Nung pupunta na kami sa sabi niyang mini museum nila ay may nadaanan kaming pinto.

"Yung mini museum na yun ginawa ng mga ninuno namin kaya halatang luma na talaga ang mga bagay dito sa bahay namin. Ginawa nila ang museum na yun para maalala pa rin namin ang family tree namin" paliwanag ni Winston habang naglalakad kami

"Ah excuse me" sabi ko at nagtaas pa ng kamay na parang estudyante na magrerecite sa recitation

"Bakit po binibining Naomi?" tanong niya with matching smile pa *u* naku tsong! magtago ka mamayang gabi kung gusto mong maligtas sakin! Tinuro mo pa naman kung saan mga kwarto niyo *w*

"Tsss.. Binibini ba yan? mukha nga yang binababae" rinig kong kumento pabulong ni Peyton sa tabi ko kaya nawala ang pagpapantasya ko kay Winston at nilingon ko siya. Naramdaman niya atang tinitignan ko siyang masama kaya simipol nalang siya at nagkunwaring walang sinabi. Binalik ko naman ang atensyon ko kay Winston matandaan kong tinawag ko nga pala siya

"Matanong ko lang. Ano yung pinto doon?" sabi ko sabay turo sa pinto na medyo malapit sa dinning room nila. Nilingon naman niya kung ano yung tinuturo ko

"Ayun? Kubeta po yan ngunit kasambahayan lang namin ang gumagamit niyan. Mayroon kasi ang bawat kwarto namin kaya sila lang ang nagamit dyan" sagot niya. Nung marinig ko yun tila napuntang langit ang pandinig ko at naalala ko na kailangan kong sagutin ang tawag ni kalikasan

"Ahhhh ganum ba. Sige tuloy na tayo" ngiting-ngiti na sabi ko. Tumango naman siya at naglakad na ulet kami. Binagalan ko lang ang lakad ko hanggang sa mapunta ang sa pinakalikuran nila dahil busy sila makinig sa mga pinagsasabi ni Winston ay palihim akong bumalik dun sa CR at sinagot na ang tawag ni kalikasan.

-End-

Maghuhugas na sana ako ng kamay kaso nung pagpihit ko ng gripo walang lumabas na tubig. Tsk! buhay probinsya nga naman minsan nawawalan ng tubig =0=. Mamaya na nga lang pagbalik sa kwarto magalcohol nalang ako. Paglabas ko naalala kong patayin yung ilaw. Nasa loob kasi ito at hinihila lang to para bumukas at mamatay. Pagkahila ko nun ay nagulat ako sa nakita ko kaya sinarado ko agad yung pinto ng CR at hinawakan yun para hindi bumukas

"Anong ginagawa mo dyan? Bigla ka nalang nawala" nagulat ako at napasigaw ng onti ng may biglang may magsalita sa likod ko

"Ano ba! kailangan ba na lagi kayong nanggugulat sa likod ko?!" ines na sabi ko. Kinabahan ako eh!

"Sa susunod kasi magsabi ka kung saan ka pupunta hindi yung bigla kang nawawala. Ano bang ginagawa mo at parang nakakita kang multo dyan?" sabi ni Quinn. Sakto naman dumating ulet si Winston.

"Narinig kong may sumigaw at parang may nag-aaway kaya bumalik ako. May problema po ba binibining Naomi?" tanong niya sakin. Ayie~ :"> ang gentleman at ang caring naman niya! nakakainlove tuloy lalo! ^3^

"Ah? nako wala! Matanong ko lang may multo ba dito?" diretsong tanong ko sa kanya. Ngunit kumunot naman ang noo niya at tila nagtataka sa tinanong ko.

"Sa lahat ng taong pumunta sa bahay namin binibining Naomi ikaw lang ang nagtanong sa akin ng ganyan. Ngunit sa aking pagkakaalam walang multo sa aming bahay dahil kahit ako mismo ay wala pang nakikita. Meron ka po ba nakita?" tanong niya sakin. Siya na pormal magsalita =_=

"Naomi nalang tawag mo sakin naiilang ako kapag tinatawag mo kong binibini" sabi ko sa kanya at tumango naman siya

"Ano kasi.... ah.. pano ko ba to sasabihin?...." sabi ko. Baka kasi isipin niyang baliw ako eh!

"Edi gamitin mo bibig mo at magsalita ka para masabi mo" singit ni Quinn

"Kung ikaw kaya manahimik nalang kasi hindi ikaw kausap" ganti ko naman at bumaling na ulet kay Winston

"A-Ano kasi yung pagpatay ko ng ilaw sa banyo parang may nakita akong w-white l-lady" sabi ko na parang nagaalinlangan pa kung itutuloy ko ba sabihin or hindi. Kaso wala na eh nasabi ko na

"What? Hahahahahahahaha!!!! Like seriously Mimi? Stop joking around! Hahahahahahahahaha!!!!" tawa sakin ni Quinn. G@go talaga tong hayop na to kahit kelan kaya nga bespren ko to eh =_=

"Po? Napakaimposible naman po yan bini-este- Naomi. Kahit mismo ako ay wala pa po nakikitang mga ligaw na kaluluwa sa bahay na ito" paliwanag ni Winston

"P-pero ano y-yung nakita k-ko sa banyo?" nanginginig na tanong ko

"Edi tignan natin kung ano nakita mo. Problema ba yun? tabi nga dyan" sabi ni Quinn at pinaalis ako sa harap ng pinto ng banyo. Hinawakan niya ang doorknob at binuksan ang pinto ng banyo. Kaso pagbukas niya nagtakip agad ako ng mata ko dahil natatakot ako makita kung yun talaga nakita ko.

0_0

>w<

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!" malakas na tawa ni Quinn. Maubusan sana siya ng hininga =_=

"Ano? meron di ba! Naniniwala ka na?"Sabi ko habang tinatakpan ko pa rin ang mata ko

"upagpaumanhin mo Naomi ngunit sanay akong tumawag ng binibini sa lahat ng babae dito sa aming barangay at pamamahay. Paumanhin na rin po at mali po ang pagkakalagay ng salamin namin sa banyo. Nagulat siguro po kayo sa sarili niyong repleksyon ng patayin mo po ang ilaw kaya inakala mo itong isang ligaw na kaluluwa" pagkasabi nun ni Winston ay napatingin agad ako sa banyo. Tama siya na mali talaga ang puwesto ng salamin dahil pagbukas mo pa lang ng pinto ng banyo ay repleksyon mo agad ang makikita mo dahil ito ang unang makikita mo dito. Nang taas ang balahibo ko ng may maalala ako

"Sabi sayo kung gusto mo may makitang nakakatakot tumingin ka lang sa salamin siguradong matatakot ka na. Hahahahahahahahahahahaha!!!!!!" tawang-tawa na sabi ni Quinn. Inapakan ko naman ang paa niya sa pagpapahiya sakin sa harap ni Winston. Napahawak agad siya sa paa niyang inapakan ko na with full strenght ko na ginawa at akmang sisigaw

"KYAHHHHHHHHHH!!!!!" rinig naming sigaw ng babae

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!! Yuck! so girly Quinn! Sabihin ko kay Desiree bakla ka! Bwahahahahahahahahaha!!!!" sabi ko naman

"Ulol! di ako yung sumigaw!" sabi niya habang hinihimas ang paa niya. Teka? kung hindi siya ang sumigaw sino yun? dahilan kung bakit ako napatigil sa pagtawa at kunot noong nakatingin sa kanila. Tumakbo agad kamo kung saan galing yung sigaw at naabutan namin si Janelle na nakatago sa likod ni Devin.

"Ano problema?!" nag-aalalang tanong ko

"Y-yu-YUNG M-MANIKA!" pasigaw habang tinuturo yung manikang hawak ni Annabelle....

Clandestine MysteriesWhere stories live. Discover now