#12

174 1 0
                                    

=Janelle's POV=

"Nasaan si Devin?" Sabi ko pagkagising ko. Natutulog kasi siya sa tabi ko kaso paggising ko wala na siya. Umupo ako sa kama at pinakiramdaman ko muna sarili ko bago tumayo. Wala na pala akong lagnat. Loko un naisahan ako sa pagtabi sa kama 😑. Nagpalit ako ng damit bago lumabas ng kwarto. Agad naman akong dumiretso sa kainan. Hindi pa ko kumakain ng lunch kasi napahaba pala tulog ko.

Naabutan ko naman sila Naomi at Desiree sa hapag kainan na nag-uusap ng seryoso.

"Ok ka na?" tanong sakin ni Desiree pagkakita niya. Tumabi naman ako kay Naomi.

"Oo. Hindi naman kasi ako matagal nilalagnat." Sagot ko. Inabot sakin ni Desiree ung kape na iniinom niya. Habang nakangiti. Bat feeling ko may kakaiba? Tumingin naman ako sunod kay Naomi pagkaines nakita ko. Ok? Anong meron?. Creepy nila ah?

"Thanks" sabi ko kahit iba talaga pakiramdam ko. Iinom pa lang sana ako pero nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa leeg. Akala ko titignan niya kung nagsisinungaling ako para tignan kung mainit pa ko. Pero bigla akong natakot ng bigla niyang hinigpitan pagkahawak niya sa leeg ko. Nabitawan ko yung baso ng kape at nabasag yun sa sahig. Dahan-dahan naman akong tinayo ni Naomi habang mahigpit na nakahawak sa leeg ko. Pinipilit ko pa rin kumalma at makakuha ng hangin kasi hirap na ko huminga.

"M-mi...a-ano-anong... G-ginaga-wa m-mo" sabi ko habang pinipilit inaalis yung pakahawak niya sakin. Susubukan ko sana na humingi ng tulong kay Desiree pero nung nakita ko siya nakangiti at parang walang balak na tulungan ako hindi na ko nagtangka humingi ng tulong.

"N-naomi! H-hindi na ko m-maka-hi-hinga!" Sabi ko. Hindi ko na kaya.....

"Dapat lang sayo yan! Hindi pwedeng may malaman kayo! Mas lalo ka na!" Pagkasabi nun ni Naomi biglang nantaas mga balahibo ko. Biglang nag-iba boses niya.... Hindi siya si Naomi...

"Hin-hindi k-ko alam si-sinasabi m-mo!" Sagot ko. Napakapit naman ako ng mahigpit sa kamay niya ng maramdaman kong humigpit pagkakakapit niya sa leeg ko.

"Wag kang magsinungaling! Dapat sayo pinapatay! Ako lang pwede! Ako lang!" Sabi niya at mas lalong hinigpitan ang kapit niya sakin habang tuwang-tuwa. Please..... Tulungan niyo ko....

=Devin's POV=

"Guys! Good news!" Sigaw ko pagbalik ko. Galing ako sa bukid at nakipagkaibigan ako sa mga nagsasaka dun. Nakipagkwentuhan na rin ako at tama ang hinala ko. May makukuha akong impormasyon sa kanila. Iniwan ko muna si Janelle sandali kasi alam ko babatukan ako nun paggising kapag napansin niyang nanchansing ako sa pagtabi sa kanya kagabi.

"Ano yun?" Tanong sakin ni Peyton na naabutan kong inaayos yung antena nung tv. Masyadong old school talaga tong bahay na to. Tsk!

"May nakuha akong history background ng bahay!" Sagot ko. Napatingin naman sakin si Quinn na naglilipat ng Chanel sa tv. Naghahanap siguro ng maayos na mapapanood.

"Tawagin natin yung iba tsaka natin pag-usapan yan." Sabi ni Quinn. Tumango naman ako at sinamahan niya ko tawagin yung iba. Habang papaakyat kami sa taas ay kinamusta ko si Janelle sa kanya.

"Ok na siya. Medyo bumaba na yung lagnat. Ewan ko lang kung tulog pa." Sagot niya

"Sige. Ikaw na sa iba ako na gigising kay janelle." Sabi ko. Tumungo ako sa kwarto ni janelle at napansin kong wala siya sa kama niya. Gising na nga siguro siya. Dumiretso ako sa may CR ng kwarto niya. Kumatok ako bago pumasok nung walang sumagot. Pagbukas ko ng ilaw nagulat ako ng makita ko yung manika na nakaupo sa inidoro.

"Tang*na. Aatakihin ako sa puso sa manika na to eh! Tsk!" Sabi ko nalang. Kung tao lang tong manika na to pasalamat siya at buhay pa siya! Kung sino man kumuha sa kanya dahil nung nakita ko to sa balon wala talaga akog balak iligtas to!

Clandestine MysteriesWhere stories live. Discover now