#6.2

220 2 0
                                    

=Third Person's POV=

Kasalukuyang nasa Kusina ngayon sila Desirae at Quinton. Tinutulungan nila si Mrs. Benild sa pagluluto ng hapunan mamaya. Pista ngayon sa Barangay Onse kaya sila ay magkakaroon ng magarbong handaan. Mamayang gabi ay sabay-sabay silang lahat kakain kasama ang mga trabahador ng pamilyang Clandestine at kasama na rin ang kanilang mga kasambahayan sa bahay. Malapit ng matapos ang sinigang na baboy na niluluto nila Mrs.Benild, Desirae, at Quinton ng biglang may dumating na isang lalake. Nagmamadali itong maglagay ng apron at agad-agad na lumapit kay Mrs. Clandestine. Nagtaka naman si Desirae dahil mukhang pagod ito at parang kinakabahan.

"Paumanhin po at ako po ay late na dumating" sabi ng lalake at nagbow pa kay Mrs.Clandestine na kasalukuyang hinahalo ang sinigang mix sa sinigang na baboy na niluluto nila. Napangiti naman ng onti si Mrs.Clandestine at pinipigilan matawa sa inaakto ng binata.

"Ano ka ba namang bata ka! ok lang naman iyon dahil alam kong madami kang inaasikaso sa inyo. O sya ikaw na ang tumulong dito sa kusina ah? Magpapalit kasi ako ng sapin ng mga kama sa kwarto" sabi ni Mrs.Clandestine. Medyo nagulat naman si Desirae dahil onti pa lamang ang na itatanong niya sa kanya at wala pa silang nalalaman na sikreto mula sa kanya. Gusto niya sana na sabhin na tulungan niya ito ngunit naisip nya na baka mahalata na sila kaya hindi nalang siya umangal.

"Oh sige maiwan ko muna kayo dyan ah? Kailangan ko kasi pumunta sa bahay ng mga kapitbahay para sa hapunan na magaganap mamayang hapon" sabi ni Mrs.Benild sabay tanggal ng apron niya bago umalis sa kusina. Tahimik lang na nagluluto sila Desirae at Quinton dahil naiilang ata sila sa presensya ng binata. Nagtitinginan nalang sila ni Quinton dahil nagsesenyasan sila kung sino ang unang magpapakilala at magtatanong. Nahulog ni Desirae ang hawak niyang strainer at napaso naman ang dila ni Quinton dahil tinitikman niya kung tama lang ang timpla ng Curry na niluluto niya. Napapitlag sila parehas dahil biglang nagsalita ang binata.

"Ako nga po pala si Charles Fuentarivas" pagpapakilala ng binata habang ito ay naghihiwa ng patatas. Nakangiti ito kaya nagtaka ang dalawa. Natatawa kasi ang binata sa inaasal ng dalawa marahil napansin nito ang pagpapalitan ng tingin ng dalawa. Naisip niya siguro na nahihiya ang mga ito at nagtuturuan kung sino unang magpapakilala o magsasalita kaya inunahan na niya ang mga ito.

"Ah... eh...Desirae Macy" pagpapakilala ni Rae na medyo nahihiya pa dahil napansin niyang natatawa ang binata. Alam niya tuloy na napansin sila na nagbabatuhan ng tingin.

"Quinton Amarion" pagpapakilala naman ni Ton. Hindi siya nahihiya sadyang hindi niya gusto ang pagala-galang presensya ng lalaki sa kusina. Yun kasi ang first impression niya dito. Kahit siya mismo ay hindi alam kung bakit galit siya sa binata. Pero kahit papaano ay pinilit niya maging pormal at makipagkamayan sa binata. Maya-maya ay balik na ulet sila sa dati.

Katahimikan muli ang umalingawngaw sa paligid dahil walang gusto magsalita. Hindi alam ni Desirae kung bakit nakakaramdam siya ng tensyion sa loob ng kusina kaya nagpasya siya na tanungin si Charles upang mabasag ang katahimikan na bumabalot sa kanila. Isa pa ay nagbabakasakali siya na baka may makuha silang impormasyon mula sa kanya. Kung mahalata man nito ay gagawa nalang siya ng paraan upang hindi mabuko ang ginagawang pagtatanong na tila nag-iimbestiga na pulis.

"Ikaw yung bagong punong tagapagluto dito sa mansion ng mga Clandestine kung tama ako hindi ba?" tanong niya habang nagtitimpla ng palamig para mamaya.

"Opo. Ako nga po. Nakakahiya nga po eh. Kasi bago lang po ako ngayon kaso po late na po ako nakarating dito" pagpapaliwanag ng binata. Medyo napatawa naman si Rae dahil ang akala niya isang 'yes' or 'no' na sagot lang ang makukuha niya. Ngunit nagpaliwanag pa ito kung ano ang dahilan ng kanyang late na pagdating.

"Ayos lang iyon. Mukhang hindi naman galit sayo si Mrs. Benild natawa pa nga di ba? Pero matanong ko lang bat parang kabisado mo ang bahay na ito at hindi ka naligaw?" dagdag na tanong no Desirae.

Clandestine MysteriesWhere stories live. Discover now