#9.1

159 0 0
                                    

=Peyton's POV=

Malapit na kami sa Barangay Onse at mga 2 oras na akong nagmamaneho. Mga 9 na ng gabi kami nakaalis dahil may pinuntahan pa yung mga girls at tinagal kami sa pag-aayos ng gamit namin. Nasa kalagitnaan pa lang kami ng biyahe lahat sila tinulugan nanaman ako. Inaantok na rin ako kaya na isipan ko nalang buksan yung radyo. Ganun pa rin naman ayos namin sa van kaya ang katabi ko ni Naomi pa rin. Hininaan ko lang yung radyo para hindi siya magising. Mamaya kasi magising sigawan nanaman niya ko ulet.

"Kung sino pa malabo mata siya pa ang magmamaneho. Tsk~" sabi ko nalang sa sarili ko. Buti pa sila ang sarap ng tulog samantalang ako eto pinipilit maging gising para lang magmaneho. Kung hindi lang malandi ang budhi ko at hindi ko katabi ung magandang babaeng to edi sana umangal na ko dito. Ang sarap pa naman matulog anong oras na tapos ang tahimik may sounds pa ng radyo tas ang dilim pa. Yun lang nakakatakot kasi ang daming puno. Malamang gubat yan kaya madaming puno tanga lang Peyt? =_=*

*ruffles*

*oink~*

*ruffles~ ruffles~*

*oink! oink!*

Mula sa malayo may nakita akong gumalaw sa gilid ng kalsada. "Ano yun?" Sabi ko sa sarili ko. Gabi na tas malabo pa mata ko parang makikita ko yan =_= nako Peyt kausapin mo pa sarili mo kaya mo yan kanina ka pa. Binabagal ko ang pagmamaneho ko baka mamaya may madaanan ako magising pa yung iba.

*screetchhhhhh~*

Agad kong pinahinto ang sasakyan ng may nakita akong lumabas mula sa gubat. Akala ko namamalikmata lang ako pero sigurado ako sa nakita ko. Yung Kalabaw! yung Kalabaw na nakita ko nung unang punta namin! Pero teka? Bat tumakabo siya? Dahan-dahan akong bumaba ng kotse para tignan kung anong nangyare. Lumapit ako dun sa may gubat para makita ko kung anong meron. Sakto naman may lumabas ulet na galing sa gubat.

"B-baboy r-ramo?!" sabi ko nalang. Kinalubutan ako ng makita ko itong tumingin sakin. Nagulat ako ng bigla ulet itong tumakbo. Napamura naman ako ng maisip ko na sakin pala papunta yun! Tumakbo ako pabalik ng sasakyan at mabilis iyon na pinaharurot. Muntik na ko dun!

.

.

.

.

.

=Naomi's POV=

Nagising nalang ako na nasa kwarto na ako. Nakarating na pala kami? Hindi ko man lang naramdaman na binuhat niya ko. Tumayo ako at kinusot-kusot ko mata ko. Ako lang ba or talagang madilim pa? Tumayo ako at pumunta ako sa may Asotea at sumilip ako sa labas. Gabi pa? Ang aga ko naman nagising. Bumalik ako sa kama ko at inayos yun tapos ay iniwan kong bukas ang mga bintana para pumasok yung sariwang hangin. Inayos ko na rin ang gamit ko at naligo na rin ako. Bat ba kasi ang aga ko nagising? 4 pa lang ng umaga.

Dahil wala akong magawa dito sa kwarto at nagugutom ako napagpasyahan kong lumabas. Ang lamig pala ngayon ko lang naramdaman. Napayakap tuloy ako sa sarli ko. Buti nalang nagdala ako ng Milo para pampainit. Dumiretso ako ng kusina at muntik na kong himatayin sa gulat pagbukas ko ng ilaw.

"Magandang Umaga" sabi sakin ni Winston habang nakangiti. Sa harap niya ay isang tasa ng kape, isang plato na may itlog at isang plato na may mga pandesal. Ang bango~ lalo tuloy ako nagutom.

"Good Morning din" bati ko na nakangiti. Bago ako umupo sa harap niya ay pumunta muna ako sa kusina at kumuha ng mainit ng isang tasang may mainit na tubig tsaka ako bumalik sa dinning table. Umupo sa harap niya. Habang nagtitimpla ako ng milo napag-isipan ko sirain yung katahimikan.

"Ang bata mo pa umiinom ka na ng kape" kumento ko. Muntik pa siya masamid pagtapos kong sabihin yun.

"Hahahaha... Hindi to kape Binibini tsokolate ito" sabi niya na natatawa. Ok medyo pahiya ka dun Naomi =_=

"Ganun ba? Akala ko kasi kape hehe" nahihiyang sabi ko. Kumuha ako ng pandesal at hiniwa ko. Kumuha naman ako ng itlog at pinalaman ito. Nawala naman yung awkwardness sa hangin nung kausapin ako ni Winston. Kinamusta niya kami tungkol sa pag-uwi namin. Tinanong rin niya kung anong sabi ng prof namin. Dahil ako'y dakilang sinungaling ay iba ang sinabi ko. Kung pinapunta kami ni Prof Angel- prof ang tawag ko hindi Ma'am kasi hindi ko siya feel at hindi ko siya gusto kaya Prof lang ang tawag ko. Kumabaga sa estudyante sa ibang level ay parang MAPEH lang yung teacher na yun. Hindi importante pero un lang ang makapagpapakumpleto sayo. Sinabi ko lang na retreat to ng teacher namin kaya kami pinapatuluy dito. Sabi kasi ni Prof Angel para masagot ang misteryoso sa bayan dito. Madami daw estudyante na napunta sa lugar na ito ang hindi napasa dahil hindi naman nagawa ang pinapagawa sa kanila. Willing naman kaming lahat na masagot yun para na rin makakuha ng mataas na marka dahil kami naman ang unang nakaalam. Mukhang naniwala naman siya dahil hindi na siya nagtanong.

Pumunta kami sa hardin nila sa likod ng bahay upang doon ipagpatuloy ang usapan at para na rin makalanghap ng sariwang hangin.

"Teka? Duyan ba yun?" Sabi ko ng may makita akong duyan ng bata.

"Oo. Upo tayo dun gusto mo?" Tanong ni Winston.

"Sige! Nakakamiss umupo sa ganun!" Maligayang sabi ko bago siya hilain papunta sa duyan at paupuin siya dun. Tumabi naman ako sa kanya. Wala namang malisya eh. Isa pa kumportable na kami sa isa't isa kaya ok lang magtabi kami. Kaibigan ko naman siya eh. Katahimikan at malakas na simoy ng hangin ang lumibot samin. Ang sarap talaga sa probinsya! Sariwang hangin at tahimik na paligid. Ngunit kahit ganun pa man ay may mga hiwaga at mga alamat ang mga probinsya at isa na roon ang Barangay Onse.... Napapikit ako ng lumakas ang simoy ng hangin dahil dinaramdam ko iyon. Hindi ko talaga magets kung anong gusto ko. Gusto kong umuwi para graduate na kami. Pero parang ayaw ko pa kahit 1 buwan pa kami dito bago umalis dahil gusto ko nakatira sa tahimik at magandang lugar tulad dito. Sa sobrang lalim ng iniisip ko nakalimutan kong kasama ko si Winston. Nabalik ako sa realidad ng magsalita siya sa tabi ko. Nawala man ako sa sarili maayos pa rin naman ang panrinig ko kaya pinagtaka ko kung bat biglaan ang tanong niya.

"Magkasintahan ba kayo ni Peyton?" Tanong niya na may nahihiyang boses.

"Hindi pa naman. Hindi ko alam kung kelan ko siya sasagutin" sagot ko naman. Tinanong ko rin siya kung bakit ang sabi niya hindi daw kasi halata kung kami nga. Out of curiosity bigla ko nalang ito natanong

"Bat wala kang kasintahan? Kahit nililigawan? Or nanliligaw sayo?" Tanong ko. Pansin ko kasi talagang lagi siyang nasa bahay lang at bukid wala ng ibang lugar siyang pinuntahan kundi mga yun.

.

.

.

.

.

A/N:

PABITIN!!! 😊 sorry sa typos! Antok na me nung ginawa ko to! Sana nagustuhan niyo! Habaan ko next chap don't worry~ love ko naman kayo!

THANKS FOR 900+reads!!!!!❤️❤️❤️

Vote. Comment. Follow. Share

Clandestine MysteriesWhere stories live. Discover now