#11

158 0 0
                                    

=Desirae's POV=

Well as of now kami ni Quinton ang nakaassign na magbantay kay Annabelle since ayaw iwanan ni Devin si Janelle kahit medyo magaling na yung bruha. Hanggang ngayon hindi namin alam kung bakit siya sa balon napunta at mas lalo na hindi namin yun malalaman kung siya rin mismo hindi alam kung pano nakarating dun. Kahit nga yung pag-iba niya ng damit hindi niya alam kasi hindi naman daw siya nagpalit nung pagdating namin dahil diretso siya sa tulog. Balita nga rin samin ni Peyton na totoo daw sinasabi ni Janelle na baka nagsasalita daw talaga yung Aiea doll ni Anna. Kasi kagabi nakita daw niya yun naglalakad. Hindi ko alam kung talagang maniniwala na talaga ko kasi kahit si Naomi nakita rin daw na naglalakad yung pesteng doll na yun. Sabi nga sa St. Thomas "too see is to believe" kaya bahala sila dyan hanggat hindi ako mismo nakakakita. Pero alam ko naman na hindi mga baliw mga kaibigan ko.

"Babes ikaw muna magbantay kay Anna. Punta lang akong CR! Tinatawagan ako ni kalikasan emergency daw!" Bulong sakin ni Quinton. Nandito kasi kami sa kwarto ni Annabelle at nagtea party kami =_= kahit naiines na ko dahil hindi ko trip ung ganto simula bata ko eh tiniis ko nalang since kailangan.

*PAK!*

"Kadiri ka! Ok na nung sinabi mo pupunta ka sa CR eh! Di mo naman kailangan sabihin kung bakit! Lumayas ka nga dito! Mamaya magpasabog ka pa ng bomba! Mahiya ka sa bata!" Sigaw ko sa kanya matapos hampasin ng malakas sa braso. Tinulak ko siya patayo at tumatawa naman siyang lumabas ng kwarto ni Annabelle. Sa totoo lang kaya lang ako pumayag na mag-alaga sa bata na to kasi hindi lang naman kailngan eh. Gusto ko lang kasi talaga bantayan yung manika kaya simula nung maglaro kami dun lang ako mostly sa manika nakatingin. Kung totoo siguro yong tao? For sure tunaw na to sa kakatitig ko at ba creeped out na sa pagtitig ko.

"Ate Rae saan po pupunta si Kuya Ton-ton?" Tanong sakin ni Anna habang nagpour ng kunyaring tea sa teacup ni Aiea.

"Pumunta lang sa banyo babalik din siya" sagot ko naman.

"Ganon po ba? Ate gusto niyo pa po ba ng tsa-ah?" Ngiting tanong niya ulet sakin. Hindi naman na ako sumagot pero inilahad ko pa rin sa kanya yung kunyaring teacup ko na wala ng laman- which is wala naman talaga dahil fake lang to 😒. Habang sinasalinan niya ko ng fake pretend tea sa teacup eh nagulat ako sa sinabi niya.

"Oh! We have a someone new joining in with us! Taka lang po kukuha ko lang po kayo ng mauupuan!" Sabi ni Anna pagkatapos ay inilapag ang laruan sa mesa. Tumayo siya at kumuha ng panibagong upuan at inilagay sa tabi nung Aiea doll niya. Nagkunwari pa siya na inaassist niya sa pag-upo yung pretend friend niya bago siya umupo ulet.

"Isn't she beautiful Ate? But hindi ko alam kung bakit lang po siya umiiyak" Tanong niya sakin. Ok? Anong isasagot ko dun?

"I don't know? Medyo malabo kasi mata ni Ate Rae eh. Pero can you tell me nalang kung ano itsura niya? And why is she/he crying?" Tanong ko sa kanya.

"Ate marunong ka po ba magbraid ng buhok kagaya po ng ginagawa sakin ni Mama?" Tanong niya. Juskong bata may tinatanong ako eh! Di bale na nga~

"Oo naman! Come here! Marami akong alam na braid styles dahil ako nag-aayos ng buhok ni Ree lagi dati" sabi ko. Nagsmile naman siya at lumapit dakin sabay tanggal ng ipit niya sa buhok at tumalikod sakin at umupo sa harap ko.

"Ate I want yung simple braid" sabi niya. Sinunod ko naman. Nakakamiss tuloy yung pagganto ko kay Ree. Tanda na kasi namin eh kaya hindi ko na naayusan ng buhok yun baka maines pa.

"Done" sabi ko. Tumayo naman siya at pumunta sa harap ng salamin habang tinitignan yung ginawa kong braid. Napangiti naman ako at tumayo. Sumilip ako sa labas ng pinto at sakto naman nakita ko si Quinton pabalik na ulet habang nakahawak sa tiyan.

"Success ba?" Pangangasar ko. Natawa naman siya at sinabing oo. Pumasok naman kaming sabay ni Quinton sa kwarto at muntik na kong mapasigaw.

"Anna! Bumaba ka dyan baka mahulog ka! Naku ako pa mapapagalitan ng wala sa oras! Anong ginawa mo sa hair mo? Inayos na niAte Rae yan di ba?" Nagmamadali akong lumapit sa kanya at binaba siya sa upuan. Nakatungtong kasi siya sa upuan at yung buhok niyang ginawa kong braid nakatali sa leeg niya. Mahaba pa naman buhok nitong batang to! Mas mahaba pa sa hair ko!

"Gusto ko lang naman po kasi siya gayahin Ate eh. It looks fun!" Sabi niya na ipinagtaka ko naman. Umupo ako sa harapan niya at lumapit naman si Quinton sa likod ko.

"What?" Tanong ko ulet. Gayahin? Sino?

"Anna what are you talking about baby? Can you tell it to Kuya Ton-ton?" Tanong naman ni Quinton.

"Her! Gusto ko gayahin yung braid niya! It looks cute! Also it looks fun! Kasi we both have po the same hair length and I also want to wrap it around my neck like hers!" Sabi niya pa. Nung tinuro niya kung saan tinuro niya yung taas na ceiling fan? Teka? 'Hers' sabi niya right?

"Tell kuya what she looks like" sabi naman ni Quinton ba mukhang sumeryoso ang boses.

"Yung braid niya po sa hair is around her neck and she's swinging left to right! But hindi ko po alam why she's crying." Sabi ni Anna. Dahil dun agad akong napatayo at napahawak ng mahigpit kay Quinton.

"B-Babes a-alis na t-tayo ... Please..." Sabi ko habang mahigpit na nakahawak sa braso niya.

"Ganun ba? Don't follow her ok? It's bad. We'll just go outside ok? I'll be back Ate Rae need air." Paliwanag ni Quinton. Tumango naman si Anna bilang pagsagot ng Oo at tinanggal na rin niya yung braid ko sa kanya. Paglabas namin ni Quinton ng kwarto ni Anna napakayap ako ng mahigpit sa kanya at napahagulgol.

"Ayaw ko na dito!" Umiiyak na sabi ko. Pilit naman niya akong pinapatahan.

"Shhhhhhh..... Maybe she's just lying" sabi sakin ni Quinton.

"No! Quinton nasa probinsya tayo at alam ko na alam natin na kapag bata pa hindi nagsisinungaling!" Sabi ko habang pinupunasan na ang mga luha ko. Inabot naman niya sakin yung panyo niya at iyon pinamunas ko.

"Coincidence lang naman siguro yun Rae. Wag kang paranoid" sabi niya sakin na kinaines ko naman

"I'm not paranoid! Napaniginipan ko yun Ton kaya natatakot ako na baka totoo yun." Sabi ko naman at nakaramdam nanaman ulet ako ng kaba sa dibdib.

"Ikaw na mismo nagsabi 'Baka' lang yun Rae. Hindi magiging totoo yun. Isa pa...  panaginip lang yun" sabi niya. Sana nga panaginip lang talaga. Sana lang talaga dahil..... Ayaw ko na makita yung babaeng umiiyak na magbigte sa harap ko na humihingi ng tulong.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

A/N:

Panaginip? Sino nga ba yung babaeng napaniginipan niya?

Bat humihingi ng tulong?

At hanggang ngayon nandyan pa rin ang katanungan kun bakit nasa balon si Janelle kasi si Aiea at iba na ang suot?

ABANGAN!!!!!~ THANK YOU PO NG SOBRA SOBRA sa reads guys! 😊 sana abangan niyo sunod na mangyayare at maenjoy niyo pagbabasa ng story ko 😃

Short ba? Next time habaan ko 😉

Sorry po sa typos paki comment nalang po if ever may makita kayo! Ask din kayo questions ok lang! Sagutin ko! 😁

Vote. Comment. Follow. Share ❤️👌

Clandestine MysteriesWhere stories live. Discover now