#3

284 2 0
                                    

A/N:

Typos? Let it be po muna~ Kapag tapos ko na yung story tsaka ko aayusin ^_^

Napaaga update ko kasi i-UD ko pa po yung fanfic kong story :D

=Janelle's POV=

"KYAHHHHHHHHHH!!!!!" takot na takot na sigaw ko ng malamang kong hindi ako namamalikmata sa nakita ko at nagtago agad sa likod ni Devin. Hindi ako matatakutin pero I swear that I'll live in hell if what I saw wasn't true! Alam kong hindi na ako namamalikmata sa nakita ko! Tumatakbo at may nag-aalalang mukha si Naomi ng dumating siya kasama si Quinn at Winston.

"Ano problema?!" nag-aalalang tanong nito ng makita ako na nakatago sa likod ni Devin. Nagrereklamo na si Devin na umalis ako sa likuran niya pero hindi ko siya pinansin.

"Y-yu-YUNG M-MANIKA!" sabi ko habang tinuturo yung manikang hawak ni Annabelle. Napatingin sila kay Annabelle na nakayakap na maigi sa kanyang manika. Tinignan ako ng masama ni Devin at tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kanya tapos nun ay huminga siya ng malalim at sabay na ngumiti at lumapit kay Annabelle. Ako naman biglang nagtago sa likod naman ni Peyton kasi siya pinakamalapit sakin.

"Anna pahiram muna si Kuya Vin ah?" sabi ni Devin sa bata habang nakangiti at nakaupo sa harap nito. Tumango naman na nakangiti si Annabelle at inabot ito sa kanya. Pagkaabot ni Annabelle kay Devin ng manika ay tumayo na siya at lumapit sakin kaya lalo naman ako nagtago sa likod ni Peyton.

"Ano ba! malulukot damit ko eh!" reklamo niya.

"Ako pa magplantsya niyan mamaya kung gusto mo eh! wag ka lang aalis!" sigaw ko sa kanya. Sinenyasan naman siya ni Devin na hawakan ako at i-harap sa kanya. Tumango naman si Peyton at hinila ako sa harap niya at hinawakan sa magkabilang balikat. Lumapit sakin si Devin at itinapat sa mukha ko yung manika T^T

"Elle tignan mong mabuti yung manika ah? Nakangiti siya oh. NAKASMILE SIYA ELLE" sabi niya sakin at inilapit niya lalo yung manika sa mukha ko. Naduduling na ko kaya napapikit naman ako. TORTURE!!!! >>0<<

"Idilat mo mata mo Elle" utos niya sakin. Umiling ako habang nakapikit pa rin.

"AYOKO!" sigaw ko

"Ayaw mo? Sigurado ka?" tanong niya sakin. Ramdam ko na hanggang ngayon nakalapit pa rin sa mukha ko yung manika TT_TT

"Oo! Basta ilayo mo na yung manika Vin!" sabi ko na halos maiyak-iyak na

"Talaga lang ah? Sige itatabi ko to sayo pagtulog mo" sabi niya at naramdaman kong wala na yung manika sa harap ko kaya napadilat na ako. Nakita kong binalik na niya ito kay Annabelle. Nakahinga naman ako ng maluwag. Lumapit ulet sakin si Devin at inakbayan ako at hinimas-himas niya ang balikat ko at may biglang binulong sakin.

"Joke lang yun ah? baka seryosohin mo eh. Don't worry as long as I'm here you won't fear anythin

g" bulong niya kaya medyo nawala onti ang takot ko.

"Itutuloy pa po ba natin ang paglilibot binibini?" tanong ni Winston sakin. Tumango naman ako bilang pagsagot ng Oo. Sunod na dinala niya kami sa likod ng bahay nila. Akala ko nga yung garden na ang likod ng bahay nila hindi pa pala. Sa lkod ng bahay nila ay isang malawak na lupain at maraming mga nakatanim dito. Yung totoo? Hacienda to eh! Pero kung may taniman sila bat walang laman yung refrigerator nila? =_= Oo na ako na pakielamera~ nung tinuro niya samin yung kitchen naghanap agad ako ng pwedeng makain. Kaso pagbukas ko walang laman yung ref nila maliban sa tubig =0=. Sabi kasi nila pagtapos namin maglibot tsaka daw kami kakain. Ano akainin namin kung wala naman mapapakain?!

"UI! spaceout ka?" siko sakin ni Devin

"Gutom na kasi ako eh" mahinang sabi ko para hindi marinig ng iba. Baka kasi ihinti nila yung paglilibot dahil sa kagutuman ko ayaw ko naman nun~ mamaya maligaw kami sa laki ng bahay na to!

Clandestine MysteriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon