#1

546 2 0
                                    

THE CLOCK IS TICKING.....

= Third Person's POV =

"ANO BA YAN PEYT!" reklamo ni Naomi ng biglang tumigil ang kotseng sinasakyan nila. Si peyton kasi ang nagmamaneho nito at si Naomi naman ay nakaupo sa passenger's seat. Naiines siya dahil kamuntik ng sumubsob ang kanyang pinagmamalaking napakagandang mukha sa harap dahil na rin ay siya ay natutulog. Sino ba naman hindi magagalit kapag inistorbo sa tulog di ba?

"Anong nangyare? Bat tumigil tayo?" tanong ni Desirae. naalimpungatan ata eh. Natutulog kasi siya sa dibdib ni Quinton at si Quinton naman ay nakaakbay sa kanya dahilan kung bat nagising din si Quinton nung gumalaw si Desirae. Light sleeper lang kasi siya pati na rin ang kapatid niyang si Quinn kaya pati siya nagising din. Ang dahilan nga lang ng pagkagising niya ay yung pagsigaw ni Naomi biglaan.

"ANO BA?! ANG AGA PA OH! MAY NATUTULOG PA!" reklamo naman ni Devin na kasalukuyang nakahiga sa 3rd row ng van at tila ginagawang unan ang hita ni Janelle na siyang kasama niya sa likod. Nagtakip na ulet ito ng unan at pinilit matulog ulet. Nagpaikot-ikot naman siya para makahanap ng kumportableng puwesto sa pagtulog. Ngunit sa kakulitan niyang galaw ng galaw ay nagising na rin si Janelle. Umunat-unat muna siya bago niya na realize na may nakahiga sa kanya. Nagulat naman siya kung sino yun at agad na nang init ang dugo niya.

"AT SINONG MAY SABI NA GAWIN MO KONG UNAN ABER?! TABI DYAN!" Ines na sigaw naman ni Janelle kay Devin at pilit na tinutulak ito ngunit hindi niya magawa dahil sa bigat nito kaya wala siyang nagawa kundi ang sumuko nalang. Si Devin naman na nakatakip ng unan ang mukha ay napangiti. Sinasadya niya kasing magpabigat lalo dahil alam niyang papaalisin siya ni Janelle. Alam rin kasi niya titigil din naman agad ito dahil bagong gising lang ang dalaga. Nung naramdaman niyang sumuko agad si Janelle ay mas napangiti siya lalo at lalong pinilit matulog. Gutom na kasi siya kaya ayaw niyang gumising hanggat di pa sila dumadating sa bahay na pansamantalang pagbabakasyunan nila.

"Pumutok ata yung isang gulong nung may nadaanan akong bato" Paliwanag ni Peyton

"T@ng* ka pala eh! Alam mo palang may bato bat mo dinaanan? kung di ka ba naman shunga eh!" Ines na sagot ni Naomi. Sa totoo lang pagkaalis pa lang nila naiines na siya. Dahil kanina pa siya tinatawag ng kalikasan. Ang sabi kasi kanina ng kanyang ina ay magCR na sila bago umalis para walang stop over sa biyahe. Ngunit nakailang inom na siya ng juice at tubig hindi talaga siya maihi kaya siya lang sa kanila ang hindi gumamit ng CR bago umalis. Wrong timing naman at kung kelan nakaalis na sila tsaka naman dumating ang tawag ni kalikasan. Kaya wala siyang magawa kundi idaan nalang sa tulog para hindi maramdaman ang tawag ni kalikasan. Kaso nga lang nagising siya at naalala niyang naiihi na siya.

"Nakita mo ng madilim pa yung dinadaanan natin kung makareklamo ka akala mo may night vision ka.Palibhasa malinaw mata mo eh! Wanna switch? you drive i'll sleep" sagot naman ni Peyton. Tinignan naman siya ng masama ni Naomi at ilang sandali ay sumuko na siya at tinawag na si Quinn at Quinton para tulungan siya palitan yung gulong. Si Devin sana ang tatawagin niya kaso malamang hindi yun papayag at mag-iinarte pa bago sumunod. Ayaw niya sanang tawagin si Quinn dahil nakasandal ang ulo ng kapatid ni Desirae na si Desiree sa balikat nito. Naunang lumabas ng van si Peyton at Quinton dahil dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkasandal ni Desiree sa balikat niya at dahan-dahan din itong ihiniga sa kapatid niyang si Desirae bago bumaba ng tuluyan at tumulong sa pag-ayos ng gulong ng van nila.

Nakalipas ang ilang minuto naisipan ni Naomi na lumabas muna at buksan lahat ng pinto ng van. Kinailangan kasi patayin yung makina ng kotse pati aircon para hindi daw masayang ang gas nila kaya init na init sila sa loob dahil hindi bukas ang mga pintuan nito. Nang mabuksan ni Naomi lahat ng pinto ng van ay tumayo siya sa harap ni Desirae na hinihimas ang buhok ni Desiree habang siya ay nagpapaypay gamit ng kanyang kamay. Pawis na pawis na siya dahil una sa init at pangalawa ay iniisip niya kung aabot pa siya sa CR dahil tinatawag na talaga siya ni kalikasan at feeling niya anytime sasagutin na niya ang tawag na yun.

Clandestine MysteriesWhere stories live. Discover now