#14

191 0 0
                                    

=Winston's POV=

Madaling araw na ng magising ako marahil sa sigaw ng aking kapatid na si Annabelle. Inaantok man ako at gusto ko man ipagpatuloy ang aking pagtulog ay pinili kong tumayo na at puntahan ang aking kapatid sa kanyang kwarto. Nakita ko siya umiiyak habang nakaupo sa kanyang kama. Sinira ko ang pinto ng kanyang kwarto bago pa man lumapit sa kanya. Hinawi ko ang nakaharang na buhok sa kanyang mukha at tsaka pinunasan ang umaagos na luha sa kanyang mga mata ng aking palad.

"Kuya *sniff* Kuya ang dami nila, Kuya! Kukunin nila ko Kuya! *Sniff Sniff*" naiiyak na sabi ng aking kapatid. Tumabi ako sa kama niya at niyakap siya.

"Sino? Pro-protektahan ka ni kuya. Sabihin mo sakin sino?" Tanong ko habang pinapatahaan ko siya sa aking bisig.

"Hindi ko po alam! Kuya!!!! Kukunin nila ako! Ayaw ko sumama sa kanila Kuya! Bad sila Kuya! Bad!" Naiiyak pa na sambit nito.

"Ano itsura nila?" Tanong ko at iniharap siya sakin.

"*Sniff sniff* n-nakas-suot s-sila ng *Sniff* ng u-unipo-porme kuya! Nakakatakot sila! M-may ba-baril sila K-kuya!" Natatakot na sambit nito na ang kasabay ay isang mahigpit na yakap. Itinaas baba ko ang aking kamay sa kanyang likod upang patahin siya.

"Shhhhh.... Tahan na..... Hindi ka nila kukunin okay? Nandito lang si kuya. Tatabihan kita sa pagtulog okay lang?" Tanong ko.

"O-Opo Kuya" sabi niya. Nginitian ko siya at humiga na ulet ng maayos. Buong pagtulog niya ay nakayakap lang ako sa kanya. Nakakangalay pero ok lang. Hindi tuloy ako makakasama sa pagplano mamaya.

---------------------------------------------

èr ....

=Third Person's POV=

Kasulukuyang magkakahiwalay ngayon magkakabarkada. Ang nakaassign ngayon na kumuha ng impormasyon ay ni Desirae, habang ang iba naman ay nagsisimula ng maghanap. Ang kasama ni Rae ngayon ay si Mrs. Benild at kasulukuyan silang nagtatanim sa hardin. Naiines man siya dahil sa init na nararamdaman niyang nagsusunog ng balat niya ay hindi niya ito mailabas. Napilitan lang naman siyang tumulong dahil kailangan niyang makasagap ng impormasyon patungkol sa nangyari sa nakaraan. Kung hindi man iyon ang malaman ay mas okay ng may nalaman siyang higit pa doon.

"Naku hija! Salamat at tinulungan mo ko rito ah? Jusko! Pinagpawisan ka tuloy!" Untag ni Mrs. Benild.

"Hindi po ok lang po sakin. Ayaw naman po kasi namin maging pabigat kahit papaano po." Sabi niya sabay punas ng pawis sa twalyang nakasabit sa balikat niya. Nakasumbrero na siya't sa lahat pati sando tas ang hangin pa pero patuloy sa pagpatak ang pawis niya.

"Nakakatuwa namang isipin." Biglang sabi nito kaya napatingin siya sa gawi nito. Nakangiti ito tila may naalalang magandang pangyayari sa nakaraan.

"Ano po yun Tita?" Pakikiusyoso nito. Baka sakaling may malaman siyang impormasyon.

"May kasintahan dati si Winston, siya lagi yung tumutulong sakin dito sa hacienda tuwing pumupunta si kumare para asikasuhin yung mga hindi ko maasikaso tuwing tinutulungan ko yung mga magsasaka dito. Pero hindi lang si Lanie ang tumutulong sakin. May kakambal siya si Lysa." Kwento nito.

"Ganon po ba? Pano niyo po nalalaman kung sino sa kanila si sino?" Tanong pabalik ng dalaga.

"May kwintas silang suot lagi para malaman mo pagkakaiba nila. Sobra silang magkamukha kaya mahirap malaman kung ano pinagkaiba nila. Tulad niyong dalawa ni Ree. Kung pagmamasdan ng mabuti malalaman agad kung sino sa inyo ikaw. Ikaw kasi napansin ko mahilig ka sa mga burloloy hindi tulad ni Rae simple lang din tulad mo pero hindi mahilig sa ganun. Sa kambal naman na sila Quinn at Quinton mas madali ang kanila dahil nakasalamin si Quinn." Paliwanag nito.

"Ganun po ba? Pero Tita paumanhin po pero ano po yung Burloloy?" Tanong niya. Natawa naman si Mrs. Benild

"Burloloy kasi ang tawag namin dyan dito sa probinsya. Mga alahas ibig kong sabihin, hija"

"Ahhh... Nasaan na po sila ngayon? Ano pong nangyare?" Tanong niya ulet. Kating-kati na kasi siya malaman lahat ng kung anong meron dito at isa pa nilalamok na rin siya kaya gusto na niyang bumalik sa bahay. Nakita niyan nagbago ang ekspersyon nito kaya lalo siyang nagtaka.

"Pasensya na hija pero pumanaw na sila. Hindi lang sila pero buong pamilya nila" malungkot na saad nito.

"Ganun po ba? Condolence po. Sorry po kung nagtanong pa ko." Sagot niya.

"Pero alam mo ba hija hanggang ngayon misteryo para samin kung bakit namatay ang pamilya nila. Maraming nagsasabi na may kabit daw si balae. Natawa nalang ako tuwing mababanggit nila."dagdag pa nito. Magsasalita pa sana si Desirae ng may marinig silang sigaw na galing sa bahay.

"Wow. Ang layo na namin dun rinig pa rin dito? Tibay ng lalamunan ng babaeng un ah!" Sabi niya sa sarili niya at natawa pa. Sigaw ni Naomi kasi ang narinig nila kaya bumalik rin sila sa bahay. Pagbalik nila nakita nilang maraming tao na nagkakagulo sa labas ng pinto. Nauna pumasok sa loob si Mrs.Clandestine dahil may napansin siyang dugo sa may gilid ng pinto. Pero ang pinagtataka niya ay saan nanggaling ang kalmot na nakabakas doon. Hindi magagawa yun ng tao dahil masyadong malaki iyon.

"KYAHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!" Sigaw ulet ni Naomi kaya napatakbo na siya papunta sa loob. Narinig niyang galing sa ito sa may bandang kusina. Pagdating niya roon ay nakita niyang nagkakagulo sila sa may kwarto ng mga lalagyanan ng panlinis sa bahay. Nakasalubong pa niya si Janelle na inaalalayan si Naomi papunta sa kwarto nito. "Ganun ba kalala yun para mapasigaw yung bruha na yun?" Tanong niya sa isipan niya. Lumapit siya doon at nanlaki ang mata niya sa nakita. Kaso mas naramdaman niya ang pagbaliktad ng sikmura niya sa nakita.

Nakita niyang may katawan doon ng dalawang magsasaka na nakabaliktad habang nakatali patiwarik sa kisame. At ang mga katawan nito ay hati sa dalawa sa gitna. Sa may semento ay may nakita siyang chainsaw na puro dugo. Marahil iyon ang ginamit panghati ng mga katawan nito. Para silang baboy na nakasabit sa palengke. Kagaya ng baboy na nakasabit ang katawan sa palengke ay hiwalay ang ulo nito. Napansin niya na wala rin sa silid na yun ang mga ulo.

"Paano nakapasok ang nampapatay sa bahay na ito na walang nakakakita? Mas lalo na walang nakakarinig?" rinig niya tanong ni Quinton.

"Masyado siya maparaan dahil walang nakahuli sa kanya dito" sabi naman ni Ree.

"AHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!/KYAHHHHHHHH!!!!!" Rinig nila ulet na sigaw. Pero sa pagkakataon ito ay sigaw naman ni Janelle ang narinig nila pati na rin ang kay Naomi. Lahat sila napatakbo papunta sa kwarto ni Naomi. Nakita nilang nahimatay na ng tuluyan si Naomi habang hirap na hirap akayin ni Janelle ang dalaga sa bigat. Tinulungan niya si Janelle sa pag-akay kay Naomi. Noong lalapit na si Peyton sa kanila ay inakala niyang tutulungan sila nito pero nilagpasan lang sila nito. Aangal sana siya pero nakita niyang palapit ito sa kama. Nabitawan niya si Naomi at tumakbo papunta sa banyo saka sumuka sa lababo.

Nandun sa kama ni Naomi yung dalawang ulo ng magsasakang patay na nakita nila sa baba. Ang malala pa doon ay biyak din iyon sa dalawa at may stick pa na nakatusok sa mata nito habang ang mga bibig ay nakatahi.

Clandestine MysteriesWhere stories live. Discover now