#Special 2

144 0 0
                                    

Hindi lang hanggang linggo ang ginagawa ng kanyang ama sa kanya. Sapagkat umabot ito ng ilang buwan. Sobrang laki na ng takot na namumuo sa kanyang dibdib. Takot na baka mahuli sila ng kanyang ina at itaboy siya. Tulad ngayon ay katatapos lang nila gawin ng paulet-ulet 'yun' at mas lalo niyang ikinahiya ang kanyang sarili. "Ang dumi-dumi ko na!" sabi niya sa kanyang sarili.

Gusto niyang magalit sa sarili niya dahil alam niyang mali ang ginagawa nila ng kanyang ama. Ilang beses na rin niya pinagtangkaan patayin ang sarili ngunit hindi niya magawa. Mahal niya ang sarili niya at ayaw niyang iwanan ang kanyang kasintahan pati na rin ang kanyang ina.

Inayos niya muna ang kanyang mga kalat na damit pati na rin ang sarili at ang kanyang kama bago lumabas ng kwarto. Ngunit pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya ay ang kanyang kakambal na nanliliksik ang mga mata. Napaatras siya dahil naglakad ito papalapit sa kanya. Sinara nito ang pinto ng kwarto niya at matalim siyang tinignan.

Hindi niya alam kung saan man nanggagaking ang kabang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Nagulat nalang siya ng maramdaman niya na tumama ang kanyang likod sa may railings ng asotea ng kwarto niya. Napatingin siya sa baba nun at nakita niya kung gaano kataas ang huhulugan niya kung hindi siya tumigil sa pag-atras.

"Alam ko kung anong meron sa inyo ni Tatay." Matalim at seryosong sabi sa kanya ng kakambal. Sa mga salitang iyon tila naging isang granada ang kanyang puso na sumabog sa sandaling iyon. Ngunit hindi siya nagpatalo. Tumayo siya ng tuwid at tinaasan niya ng kilay ang kanyang kapatid.

"Malamang alam mo 'di ba? syempre kapatid kita kaya malamang alam mong anak lang tayo ni tatay. Anong pinagsasabi mo na alam mo kung anong meron samin? wala naman hindi ba? Anak lang ang relasyon ko kay Tatay" gusto niyang matawa sa mga salitang lumabas sa kanyang labi. Dahil sa oras na iyon ay nagawa pa niyang mamilosopo.

Lalong tumalim ang tingin ng kanyang kapatid sa kanya. Kung kutsilyo lang ang mata nito panigurado simula harap niya ay tumagos na ito sa likod sa sobrang lalim ng pagkasaksak nito.

"Hindi ako Tanga Ate. Bumalik ako kanina sa bahay para kunin ang naiwan ni Nanay na pera na pangsweldo sa mga trabahador. Narinig kita sumisigaw sa kwarto mo kaya naisipan kong puntahan ka. Kaso paakyat pa lang ako ng hagdan naalala ko na nandito rin si Tay kaya pwedeng siya nalang ang tumingin sayo. Kaso nagpatuloy ka pa rin sa pagsigaw kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumilip sa kwarto mo sa sobrang pag-aalala. Pagsilip ko sa kwarto mo nakita kitang nakapikit at naghuhumaling sa halik ni Tatay sayo habang nasa ibabaw mo siya. Ngayon sabihin mo sakin. Isang Ama at Anak lang ba ang relasyon niyo ni Tatay O higit pa doon?" sabi nito. Nanlaki ang mata niya mula sa narinig at natahimik sa kanyang kinatatayuan.

"Paano mo nagawa kay Nanay yun Ate? Wala naman siyang ginawang mali para gawin mo to sa kanya" Dagdag pa nito. Unti-unti na siyang nilalamon ng kanyang konsensya sa mga narinig. Alam na niyang mali pero pinagpatuloy niya pa rin.

"H-Hindi t-totoo yan! H-Hindi k-ko y-yun magagawa k-kay Inay!" lakas loob na sabi niya. Alam niyang nahuli na siya pero kailangan niyang ipagtanggol ang sarili kaya wala siyang magawa kundi itanggi nalang ang nakita ng kapatid.

"Ate! Hindi ako bulag at mas lalong hindi ako Tanga! Alam ko ang nakita ko! Noong una hindi ako naniwala pero noong nakita ko na hindi ko na alam ang iisipin ko! Hindi ko masikmuraan makita kayong dalawa ni Tatay! Nasusuka ako tuwing naiisip ko kung anong ginagawa niyo tuwing wala kaming dalawa ni Nanay!" Sigaw nito sa kanya. Tinignan niya ito ng diretso sa mata at kitang-kita dito na may umaaligid ng mga luha sa gilid nito na nagbabadya ng umagos.

"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong nito. Nung marinig niyang ang mga katagang 'Noong una hindi ako naniwala pero noong nakita ko na hindi ko na alam ang iisipin ko!' sa kanyang kapatid ay agad siyang napaisip.

"Natatandaan mo ba noong tinutulungan natin si Nanay maglaba? Hindi ba't naglaro tayo ng basaan noon? Nagtataguan pa tayo noon at nawala ang kwintas sa mga halamanan nung nagtago ako doon. Hindi ko yon napansin hanggang sa pagligo ko tsaka ko nalaman na nawawala. Pagtapos ko maligo ay pinuntahan kita sa kwarto mo para itanong kung nakita mo ba. Pero pagpasok ko nakita kong naliligo ka rin kaya naisipan kong hanapin nalang sa labas. Saktong paglabas ko ng kwarto mo nakasalubong ko si Tatay. Kinabahan agad ako ng bigyan ako nito ng makabuluhang ngiti. Kaso napapitlag ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko at binulungan." Kwento nito.

"Tinaasan ako ng balahibo nung sinabi niya na gagawin niyo daw ulet 'yun' kapag tulog na kami ni Nanay. Ngayon Ate sabihin mo sakin. Bakit sa lahat ng tao pa bakit si Nanay pa?" paghahamon nito. Sobrang ines niya sa kapatid ay iba ang lumabas sa labi niya ng hindi niya inaasahan.

"Ano naman sayo? Inggit ka ba?" Natahimik siya.

"Uulitin ko. Naiinggit ka ba?" Mapaglaro nitong tanong. Ilang minuto ang lumipas bago siya nakasagot.

"Hindi ako tulad mo Ate" pag-iiba niya ng usapan.

"Oo o Hinde lang ang isasagot mo. Wag mo ibahin at ibalik sakin ang usapan." Sagot ko.

"OO! Laging si Tatay nalang ang kasama mo! Laging ikaw ang paborito niya! Ni minsan hindi kami nagsama dahil ikaw lagi niyang nakikita!" Sigaw niya sakin at nanlaki ang mata ko.

"Yun naman pala! Bakit sa tingin mo hindi rin ganun nararamdaman ko?! Kayo nalang ni Nanay ang laging magkasama! Pero sa nararamdaman kong to hindi lang ako ng apektado! Tignan mo si Tatay! Tingin mo hindi siya magkakaganyan kung nandito lagi si Nanay sa bahay?! Ang kapal ng mukha mong sabihin sakin yan! Unang-una hindi ko to ginust-" naputol ang sasabihin ko.

"Ate ginusto mo yun! Dahil ang tagal niyo ng niloloko si Nanay! Alam mong mali pero patuloy mo pa rin ginagawa!" Sabi niya

"Anong bang alam mo sa nararamdaman ko ha?! Alam kong alam mo na si Winston ang mahal ko!"

"Hindi mo siya mahal Ate! Dahil mas pinili mo siyang lokohin pati si Nanay!"

*PAK!*

"Wag mo kong pagsalitaan ng ganyan! Ate mo pa rin ako! Wag ka rin nagmamagaling dahil wala kang alam!"

"Hindi kita Ate! Unang-una Ate lang kita dahil ikaw ang unang lumabas sating dalawa! Pero kung babasihan mo ang edad patas lang tayo! Kung maging Ate man kita ngayon pa lang ipagtatabuyan na kita! Dahil hindi magagawa ng Ate ko lokohin ang sarili naming Nanay!" Sigaw niya sakin. Kasabay nun ay ang pagpasok ni Nanay sa kwarto.

"Anong nangyayare dito? Kakain na tayo sa baba. Bat nagsisigawan kayo ng Ate Lanie mo?" Nag-aalalang tanong ni Nanay.

"Tanong mo si Ate, Nay. Mauna na ko sa kainan." sabi niya at binigyan ako ng masamang tingin bago ko talikuran.

"Anong nangyare Lanie? Bat nagsisigawan kayo ni Lysa?" Tanong ni Nanay sakin.

"W-wala yun, Nay. Akala niya kasi na sakin yung mga pendant niya."

"Ganun ba? Osiya halika na sa baba at kakain na tayo." Sabi ni Nay. Tumango ako at lumabas na kami sa kwarto. Naglalakad kami pababa ng hagdan ng bigla ko maalala.

"Nay, puwede po ba ako naman sumama sa hacienda ng Clandestine? Namimiss ko na po kasi si Winston." Sabi ko.

"Oo naman anak! Naku! Panigurado ako na matutuwa ang iyong kasintahan! Matagal din kayong hindi nagkita!" Tuwang-tuwa na sabi ni Nanay kaya napakagat ako sa ibabang labi ko.

"Sige po Nay. Salamat po!" sagot ko. "Inggit lang pala pinuutok ng butchi mo eh. Sige pagbibigyan kita." bulong niya sa sarili.

Clandestine MysteriesWhere stories live. Discover now