I just rolled my eyes to hide the euphoric feelings that starting to build up inside. Hell, why am I even feeling this?
Nang nakasakay na kami sa sasakyan niya, inilabas ko yung kikay kit ko mula sa sling bag ko. I started to apply lipstick.
"What's that?"
"What's what?" naguguluhang tanong ko.
"That thing you're holding," tinuro niya yung lipstick na hawak ko.
"Matte lipstick."
"Matte—what?" tanong niya.
"Lipstick."
"Bakit may Matte sa pangalan?"
I laughed; he's cute asking questions like that. "Matte because it's matte. Like, it's not sticky and its transfer proof."
Tinitigan niya ako, "So, it's okay if I kiss you right now?"
Uh-oh.
NAG-LUNCH muna kami pagdating namin sa mall.
Pagkatapos naming kumain, pumila kami para bumili ng movie ticket. Ako yung pinapili niya kaya IT Chapter two ang pinili ko. Yeah, I love horror movies.
Habang nakapila ako, umalis siya para bumili ng popcorn at drinks namen.
Pagbalik niya, may dala siyang XL... na drinks at popcorn. Ang lapad ng ngiti ko. Alam niyo girls, food is better than flowers. Aanhin niyo yung bulaklak? Hindi nakakain yon! Tapos ang mahal pa. So, be practical.
Napansin kong parang tutulo laway nung kasunod ko sa pila habang nakatingin kay Paul. Tangina, ang landi. Ako lang puwede lumandi diyan. Sinimangutan ko yung babae.
"What?" tanong ni Paul nung mapansin niyang nakasimangot ako.
Ngumiti ako, "Wala naman. Nakaka-heart lang sa mata yang dala mo." Pati ikaw. Ayiiieh.
"Bakit ka nakasimangot kanina?"
****
Pagkatapos nung movie, lumabas kami. Medyo maaga pa. napansin ko nung nanonood kami, panay buntong-hininga si Paul. Hindi niya yata type yung movie?
Hawak niya yung kamay ko nung lumabas kami pero biglang nag-ring yung phone niya kaya lumayo siya saglit. Sino yon? Bakit kailangan lumayo?
Pagkatapos niyang sagutin yung tawag, lumapit siya ulit sa akin. Inakbayan ako at hinalikan niya ako sa noo.
"Who's that?" hindi ko mapigilang hindi magtanong.
"Friend. Ihahatid na kita. Something came up and I'm needed," he explained gently.
"Okay," madali ako kausap.
PAGDATING namin sa apartment ko, bumaba si Paul at pinagbuksan ako. Ayan na naman yang mga pa-full moves niya. Naku, mukhang wala yata akong goodbye kiss---
Bigla niya akong hinalikan. Akala ko wala na. hehe.
"See you when I see, Penelope," then he smiled. I swear, I melted when he smiled.
"Okay," I swear, parang teenager na infatuated yung hitsura ko.
Hindi ko na hinintay na makaalis pa siya at pumasok na ako.
****
It's already Sunday night, and I since he dropped me yesterday, Paul haven't showed himself. Ang OA ko, isang araw pa lang kaya. Malay mo baka busy lang, 'di ba?
Walang naman akong ibang magawa kaya napunta ako sa computer ko. Natawa ako sa sarili ko, masyado yata akong na-distract kay Paul at nakalimutan kong na-hack nga pala ako. Shit. Pero ilang araw na ring hindi nangungulit yung gagong 'yon, ah? What is he up to this time?
Bigla kong naalala yung sinabi sa akin ni Kylie nung nagka-usap kami. Ano kaya kong subukan ko 'yon? Pero dapat mag-iingat ako. That motherfucker has all my personal data and he has access to my computer.
Kinuha ko yung isang laptop ko. I tried getting access to my computer system. And yeah, Kylie was right, nahirapan akong i-access yon. Sarili kong computer, nahirapan akong i-access. Funny.
I started with my spare laptop. Pinalitan ko ang operating system ko. From Microsoft, I installed Linux. I also installed a Wireshark. Pagkatapos ko sa laptop ko, bumaling ako sa computer ko. I need to be careful. One wrong move, he could trace me and what I'm doing. Ginawa ko rin sa computer ko yung ginawa ko sa laptop. In short, I did some system purification.
After what felt like forever, natapos ako. Then I tried accessing my computer system, hoping to find some digital footprints of that hacker. After hours of doing that, I got something interesting.
YOU ARE READING
Hacker Vs. Hacker
General Fiction"All men are bad, And in their badness reign." Ano 'to? Nagkasalubong ang kilay ko nang magawa kong i-crack mensaheng nakuha ko sa servers ng dalawang bangko ng nabiktima ng hacker. Paano niya napapasok ang bangko? They are using RSA security for pe...
Chapter 8
Start from the beginning
