Chapter 17: Our First Date

86 2 0
                                    

Chapter  17: Our First Date

[A/N: Pasensya na po sa napakatagal na update. Masyadong hectic ang sched. Hell week is coming, siningit ko lang ang paga-update. Hope you’ll like this chapter.]

------

PAULINA’S POV

Saturday morning. What a great day to relax. =)

Andito ako sa secret place ko. Alam ko may daan din dito para makapunta sa kabilang village e.

Na-discover ko ‘to 1styear high school, bagong lipat pa lang kami dito.

Buo pa kami.

Haay, I mi--. No way. Don’t you dare reminisce the past, Pau. Masasaktan ka lang.

Masasaktan ka lang ulit…

Stop mind.

Anyway, andito ko para magala-painter. Hilig ko talaga ‘to e. Pumupunta ako sa mga peaceful places tapos ipi-paint ko sila. This is one of my ways to reduce stress. Painting beautiful sceneries just make me happy.

Ni ready ko na yung easel ko then yung canvass. Nilagayan ko na rin ng paint yung palette ko.

I started painting nang… “Arf! Arf!” I turned a little and saw a cute dog running towards me.

“Jeez. Your such an awesome dog. Your owner must be lucky.” Hinimas himas ko pa yung aso. Actually, hindi talaga ako mahilig sa mga dogs, but this one is so cute that I couldn’t help but to be amazed.

Nakita ko yung dog collar niya..

“Spidy”

HAHA! Funny. Aso siya tapos naging gagamba yung name? Ang weird naman ng amo niya!

****

SHONE’S POV

Kanina ko pa hinahanap si Es-Pi-Di. Naikot ko na nga buong subdivision namin e. Tinakas kasi niya palabas yung earphones ko. Ang kulet talaga ng babaeng yun!

Nawawalan na talaga ako ng pag-asa na mahahanap ko pa si SPD.

Hindi kaya nagpunta siya sa…

Nagmadali ako magtungo sa boundary ng subdivision namin at sa subdivision nila Diana.

“Teka? B-bakit bukas yung gate ngayon? Iniwan ko yan na nakasara last time ah?”

Nakita ko yung earphones ko sa sahig, mukhang dito nga nagpunta yung babae na yun. Hay! Ang kulet talaga niya!

****

PAULINA’S POV

Si Spidy naman naisipan kong i-paint ngayon. Just to have a remembrance before I find and return her to her owner.

Behave naman si Spidy e, naka-pose pa nga siya e. She’s so cute. I feel attached, para tuloy ayaw ko na siya ibalik.

Nagulat ako nang.. “Arf! Arf!” Then, tumakbo siya papunta sa likod ko. I turn around para makita kung sinong kinahulan niya.

And I saw the most unexpected person.. Shone.

“Pinahirapan mo naman akong babae ka! Kanina pa kita hinahanap ah!”

“Ikaw may-ari kay Spidy?” I asked.

“HAHAHAHAHAHAHAHA!”

Teka bakit niya ako tinatawanan? “What’s funny?”

“Ah kasi.. HAHAHAHA!”

Ohwem. He’s gettin’ into my nerves.

Makaalis na nga. Inayos ko na yung mga art materials ko, paints, brushes, easel, canvass , palette, etc. Mabilis kong nilagay sa bag tapos binitbit ko na lang yung easel para makaalis na ako.

Love at Square OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon