31. HE'S BACK

1.5K 55 2
                                    

"Devon!" sigaw ni Mayet saka sinugod ng yakap ang lalaki. Hindi na niya ininda ang pagod sa biyahe dahil mas mahalaga sa kanyang mayakap si Devon. Tama ang daddy niya. Nasa bahay niya si Devon. Gamit nito ang spare key niya na hindi na nito naibalik sa kanya.

Napahagulgol na lamang siya ng madama ang pamilyar nitong init. Sa eroplano palang ay hindi na siya mapakali. Agad silang umuwi ni Rosie matapos makausap ang ama. Halos hilahin na niya ang oras para marating agad ng Pilipinas. Labis siyang nilulukob ng kakaibang antisipasyon at pananabik kay Devon!

"What happened?" umiiyak na tanong niya at hinawakan ang magkabilang pisngi nito.

Lumambot ang mga mata nito. Lumambot din ang puso niya dahil sa nakikitang pamilyar na emosyon sa mga mata nito. Her Devon was back... her handsome little Devon came back...

"Two days na ako dito bago kami nagkita ng daddy mo. I was trying to call my sister pero hindi ko siya ma-contact. Babalik sana ako sa England kaso mahigpit ang bilin ng abogado ko na sa hearing na lang ako magpakita. It wasn't wise to show my face there. Matindi ang galit ni Texo noong hindi natuloy ang kasal. Nagbilin ako sa isang tao ko na kausapin ang isa sa inyo pero hindi daw siya makagawa ng hakbang. Texo was watching their every move. Believe me, I am thinking any possible way I can hanggang sa nagkita kami ng daddy mo dito," paliwanag nito saka napahinga ng malalim. "I explain everything. I call off the wedding and this is the outcome." Dagdag nito.

Napamaang siya rito at biglang nalito. "B-Bakit naghihintay pa rin si Laize sa'yo?" takang tanong niya rito.

Nagkaroon ng lamlam ang mga mata nito. "I talked to Texo and Laize that I will call off the wedding after I came back. Nakiusap sila na huwag akong magpadalos-dalos. Alam kong kailangan din nila ako sa negosyo nila. They still continue preparing for the wedding. Then a week before wedding day, I talked to them again that my decision is final. They got mad. Binantaan nila ako na sisirain ang pangalan ko sa England kaya ganoon ang ginawa ni Laize. Pati lahat ng mga taong wala sa England na gusto nilang tawagin, pinadalhan pa rin pala nila ng ticket para masira ako ng todo. Hindi ko alam na pati si ate pinadalhan pa. Or maybe because they were still hoping that would change my mind." Anito saka napailing.

Napabuntong hininga ito. "Laize will announce my infidelity to ruin my name. Sa paraang iyon ay mahihirapan na akong makahanap ng ibang kumpanyang tutulong sa akin sa England. Pati ang mga convenience stores doon sinimulan ng ipasara. I filed a case against them. Iyon ang ginawa ko kaya bigla akong nawala. I made it sure that the case would flow smoothly. After that, I went here to talked to you. Hindi ko alam na sumunod ka doon," paliwanag nito.

Napabuga siya ng hangin at nainis na naman sa babaeng iyon. "But that's not true! Sinabi ko sa kanila doon na hindi ka ganoong klaseng lalaki,"

Napangisi ito. "I know. I watched that on TV last night. Trending pa rin ang announcement mo hanggang ngayon,"

Nagkatunog ang ngisi nito ng mamula siya hanggang leeg. Hindi na siya magtataka pa kung bakit naipalabas iyon dahil kilalang personalidad ang pamilya ng babae. Panay ang tikhim niya hanggang sa napabuga ng hangin. Inis na kinurot niya ito sa tagiliran. "Kahit kailan... ugali mo talagang hindi magpasabi kung nasaan ka. Halos mamatay na sa pagaalala si Rosie sa'yo," sermon niya rito.

"I need to be discreet. Kilalang kumpanya ang Texo. Maling hakbang ang gawin ko, hindi ko mababawi ang mga negosyong naitayo ko doon. I'm sorry... please... I mean it," masuyong saad nito.

Napabuntong hininga siya at naunawaan ito. Napahagod siya sa sentido hanggang sa hawakan nito ang palad niya at pinisil. Napatingala siya rito. Bumilis ang tibok ng puso niya ng makita ang masuyong pagtingin nito sa kanya.

"I'm sorry kung natagalan ako. After I came back to England... I realized, I can't marry any other woman. Right there, I already made my decision. I gave up my plans. At kailangan kong linisin ang lahat ng ginawa ko kaya umabot pa sa ganito. I'm sorry kung pinagalala kita," Masuyong saad nito.

Nanikip ang dibdib niya. Nalula siya sa binitawan nito para sa kanya. Halos lumobo na ang puso niya sa sobrang saya ng sandaling iyon. "P-Papaano ang pangarap mo?"

"My dreams are meaningless if you're not there, Mayet." Anitong puno ng lambong ang mga mata. "Ayokong nasa likod lang kita at pinanonood akong tinutupad iyon. Gusto ko..." anas nito at hinawakan ang kamay niya saka siya masuyong tinitigan. "Nasa tabi kita."

Napaiyak na siya ng sandaling iyon. Niyakap niya ito ng mahigpit. Lalo siyang naiyak ng maramdam ang pagtugon nito. Mahigpit din siya nitong niyakap. Like he didn't want to let her go.

"I love you," anas nito saka kinintalan ng halik sa noo. Napapikit siya sa ligaya at napangiti habang tumutulo ang luha niya.

"Hindi lang pisngi ko ang abot mo ngayon. Pati ulo ko na," nakangiting saad niya habang umaagos ang mga luha.

Natawa ito at hinawakan ang magkabilang pisngi niya habang pinapahid ang luha niya. He was looking at her lovingly. "I missed you. I missed what we used to have. Pero gaya ng sinabi ko, hindi na tayo mga bata. So... let me marry you this time."

Napasinghap siya ng ilabas nito ang isang kahita at lumuhod ito sa harapan niya. Nang buksan nito iyon ay namangha siya sa nakitang eleganteng platinum engagement ring. Malaki ang bato noon at halatadong mamahalin.

"If you love me, you will marry me. You will let me change your last name. You will let me take good care of you and love you forever," masuyong tanong nito sa kanya.

Napahagikgik siya kahit lumuluha pa rin. Gayunman, inilahad niya ang kamay dito saka buong pagsuyo itong pinagmasdan. "I love you and I will marry you. I will let you do what you want with all my heart, my handsome little Devon,"

His eyes beamed in happiness. Unti-unting sumilay ang guwapo at simpatiko nitong ngiti. Agad na nitong isinuot iyon sa daliri niya saka hinalikan ang palad niya. She was indeed glad right that time. Halos walang pagsidlan iyon kaya lalo pa siyang naluha sa sobrang saya.

Niyakap niya ito ng mahigpit at ilang sandali pa ay muli siya nitong pinagmasdan. Napakunot na lamang ang noo niya ng makita ang kislap sa mga mata nito na tila mayroon itong naiisip.

"Wait!" awat ni Mayet.

"What?"

"Sina Mou at Mariz?"

"Yes? What about them?"

"May gusto sila sa'yo." ani Mayet at napangiwi.

Ngumisi si Devon. "You're jealous."

Umingos si Mayet at natawa si Devon. Pabirong inirapan niya ito. Tatawa-twanag tumigil naman si Devon. "Dont' worry. Para sa ikatatahimik ng kalooban mo, ililipat ko sila ng department. Happy now?"

"Okay lang ba iyon?" tanong ni Mayet.

"Of course. They excel anywhere I assign them. Don't think too much. It's you that I love."

Niyakap na siya ni Devon at hinalikan sa ulo. Tuluyang nabura ang mga negatibo sa kanyang puso.

"Ang tapang mo talaga," hindi nito napigilang komento. "I watched the entire news. Declaring who you are in my life made you so amazing. Thank you for letting the whole world knows who owned me. God... I love you."

"I love you too," masuyo niyang sagot dito. Sa kabila ng pamumula ng pisngi dahil sa sinabi nito ay nilakasan pa rin niya ang loob para sabihin ang nilalaman ng puso niya. Ipinaliwanag niya ang lahat ng naging dilemma dito. "Hindi na kita panonooring tuparin ang pangarap mo kundi kasama mo ako. Just tell me which planet you want to penetrate, I'm here. I always be at your side,"

"Lucky..." nakangiting anas nito saka siniil siya nito ng halik.

Agad siyang natunaw sa bisig nito at ang kung anumang negatibong damdamin ay naglaho na dahil sa tamis ng halik ni Devon. Wala ng siyang ibang mahihiling pa sa diyos ng sandaling iyon.

Because she finally had what shewanted: her Devon...

MY HANDSOME LITTLE DEVON (PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now