28. IT HURTS HER STILL

1.3K 61 2
                                    

"Are you sure about renting this place?" alanganing tanong ni Rosie kay Mayet. Pinunasan muna niya ang noo bago ito hinarap. Kasalukuyan siyang naglalagay ng stock sa cooler ng mga vaccines.

Tuluyan na siyang nag-resign sa RPG Laboratories. Napagisip niyang mas maiging magtayo na siya ng sariling negosyo kaysa ang mamasukan. Since nawalan na siya ng drive sa career na iyon ay nagdesisyon siyang iyon na lamang ang gawin.

Nilakasan niyang muli ang loob na lumapit sa ama. Sa pagkakataong iyon ay hinarap na siya nito at nakapagusap na sila ng masinsinan. Namatay na rin ang asawa at ang tatay nito na kumokontrol ng kilos nito kaya hindi sila nito hinarap noon.

Humingi ito ng paumanhin at binigyan naman niya ito ng pagkakataon. Matanda na rin ito. Ang kung anumang galit niya noon ay tuluyan na ring nabura dahil sa sinsero nitong paghingi ng kapatawaran sa naging kahinaan nito.

Balak na rin daw siya nitong hanapin, dangat lamang ay naunahan niya ito. Matapos ng masinsinan nilang paguusap ay sinabi niya ang plano dito. Inalok siya nito ng posisyon sa kumpanya pero tumanggi na siya dahil nais niyang magtayo na lamang ng sariling negosyo. Umayon naman ito at pinahiram siya ng puhunan para maging sub-distributor ng bakuna sa buong San Antonio. Nakita niyang may market doon at hindi masyadong napupuntahan ng mga medical representatives dahil sa layo.

Dahil marami siyang connections sa vaccines ay hindi siya nahirapang makakuha ng supply. Agad niyang inayos ang mga papeles at nakahanap ng pwesto sa katabing building ng salon ni Rosie. Kaya hayun ito, nangingiwi dahil hindi pa naayos ang lugar.

"Ito naman. Kulang lang sa pintura kaya lumang tingnan." Natatawang sagot niya rito. "Malapit ito sa mga clinics at ospital. Mas convenient dito. Kaunting linis lang naman ang kailangan,"

Napahinga ito ng malalim at tumulong na lamang. Wala pa siyang kasama dahil kasisimula pa lamang niya. Gayunman, kukuha siya makalipas ang isang linggong pagaayos noon para makasama niya sa pagdi-distribute sa buong San Antonio.

"Ikakasal na si Devon next week. Dumating na rin 'yong ticket ko. Sa linggo ang alis ko," marahang saad nito.

Natigilan siya sa paglalagay ng bakuna sa cooler. Napahinga siya ng malalim. Ilang buwan na ba noong huling nakausap niya ng masinsinan si Devon? Ah mahigit isang buwan na rin.Matapos iyon ay umalis na ito kasama ang dalawang empleyada.

At hanggang ngayon ay hindi na humupa pa ang lungkot sa kanyang puso. Gayunman, sa kabilang panig ng dibdib niya ay natutuwa siyang makitang hindi na ito galit sa kanya. Sa katunayan, noong bago ito umalis ay pinuntahan pa siya nito at sinabihang hindi na ito galit saka siya pinag-ingat muli.

Sapat na iyon sa kanya. Tingin din niya ay nagbago na rin ang bukas ng mukha nito. Nandoon na ang lambot noon at masaya na siya doon.

"Pakisabi congrats, ha." Tanging nasabi na lamang niya.

"Napakaimpokrita mo talaga kahit kailan. Nakakainis ang ugali mong 'yan, sa totoo lang,"

Bigla siyang napalingon sa kaibigan. Napaawang ang bibig niya sa nakikitang inis nito. Naniningkit ang mga mata nito at naiiling sa kanya. Bigla siyang natawa rito at napailing. "Ano bang drama 'yan?" aniya saka napabuntong hininga. Nararamdaman niya ang gusto nitong ipahiwatig pero nagiwas siya ng tingin.

"Noon pa, alam ko na may gusto ka sa kapatid ko. Hindi mo lang inaamin at hinayaan lang kita. Alangan naman ibuyo ko kayo sa isa't isa? Alam ko namang marami kayong plano ng nanay mo at ayokong maipit si Devon doon," anito saka napabuga ng hangin. "Nakita ko kayo sa plaza noon. Sinundan ko si Devon dahil nagpipilit na umalis noong birthday niya. Hindi ka pupunta doon kundi mahalaga ang kapatid ko sa'yo,"

Biglang-bigla siya sa mga pinagsasabi nito. Namula ang mukha niya at saglit siyang hindi nakapagsalita. Ilang sandaling hindi siya nakahuma hanggang sa napabuntong hinga. "Ano ba ang gusto mong sabihin?"

"Bakit ba napakahirap para sa'yong umamin sa nararamdaman mo? Dumating ang kapatid ko dito. Bakit hindi mo ginamit ang pagkakataong iyon para magkaayos kayo?" tanong nito saka napabuntong hinga.

"Ano ba'ng gusto mong gawin ko? Puntahan ko siya sa England at pigilan ang kasal?" aniya saka natawa ng bahaw. Bumigat ang dibdib niya. The idea of Devon getting married hurts her still. And now she realizes, it will always hurt her...

"Sabi mo nga... desisyon niya iyon at w-wala ako sa posisyong pigilan siya sa pangarap niya. N-Noon... hindi niya ako pinigilan. Sinuportahan niya ako. Ganoon din ang gagawin ko ngayon," mapait niyang saad saka napatingin dito.

Lumambot ang mukha nito. "Mayet..." anas ng kaibigan niya at namasa ang mga mata nito. "Umasa kasi ako na magbabago ang isip niya dahil sa'yo kaya hindi ko siya pinigilan at para ikaw ang gumawa ng aksyon... akala ko magiging maayos ang lahat... Papaano ka na nito?"

Natawa siya ng bahaw. Doon niya naunawaan kung bakit pumayag na lamang ito basta sa kapatid. "Ano'ng papaano ako? Kaya ko ito... nakaya ni Devon noon. Makakaya ko rin ngayon," aniya saka nagiwas ng tingin. Itinuon na niya ang sarili sa paglalagay ng stock sa cooler hanggang sa magulat na lamang siya ng mayroong pumatak na tubig sa kanyang kamay.

Napahawak siya sa pisngi. She smiled bitterly. Ni hindi niya napansing naiyak siya ng sandaling iyon. Ah, kailan ba niya naisip si Devon na hindi siya naiiyak? Madalas na ring nauuwi sa pagiyak niya iyon tuwing gabi kapag naiisip niya ito.

Lumbay na lumbay na siya sa pagkawala ni Devon. Habang tumatagal, lalo iyong lumalalim. Sa kalungkutang iyon siya nabubuhay ngayon at sa tingin niya ay doon na rin siya mamatay. Napangiti siya ng mapakla sa naisip.

MY HANDSOME LITTLE DEVON (PUBLISHED UNDER PHR)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora