26. HIS LOVE

1.5K 67 4
                                    

“What?” painosenteng tanong ni Devon.

“Ganyan na ba kalaki ang galit mo kay Mayet? Hindi ka na naawa sa tao. Nag-tricycle papuntang clinic. Aalisin ang tahi noon. Mahihirapan iyong sumakay sa tricycle. Akala ko ba, okay ka na?” sermon nito sa kanya.

Naginit ang ulo ni Devon pero nagpakatimpi siya. “I am okay. It’s just that I’m busy,” malamig niyang sagot.

Napabuntong hininga ang ate niya at inis na iniwanan si Devon. Doon bumalik ang dalawang empleyado na todo siyang inasikaso. Mou gave him coffee and Mariz gave him water.

Si Devon naman ay hindi mapakali dahil inuusig siya ng pagaalala. Hindi niya mapigilan ang sarili.

That’s what he hated the moment he saw Mayet after thirteen years. Sa airport pa lang, gusto na niyang bumalik agad sa New Jersey.

Gusto niyang magpakalayo-layong muli rito dahil nang makita niya ito ay dahan-dahang nagbabalik ang lahat sa kanya. Ligaya, pait at galit…

He thought he was okay. He thought he was ready facing her. He thought he could ignore her. But it was so sad that his heart was saying otherwise every time he caught her looking at him… his heart starts going crazy again every time he saw her smile…

Nagkaroon lang ito ng minor accident, bumalik muli ang pagaalala niya rito. Kaya sa halip na isang linggo lang ang bakasyon niya dahil sa kahilingan ni Rosie ay na-extend pa.

Pinipigilan niya ang sarili pero hayun siya, hindi maitatangging hindi niya ito matiis.

At tuluyang bumigay ang matigas niyang puso nang makita ang matinding pagsisisi nito at pagiyak. Nakita niya kung papaano ito nasaktan… nahirapan… nagdusa… Papaanong hindi matutunaw ang puso niya?

Ngunit ayaw na niyang bumalik pa sa dati. Iba na rin ang mga priorities niya ngayon at oras na pinakinggan niya ang puso, siguradong masisira ang mga plano nila ni Texo sa England.

Balak pa nilang palakihin ang business nila at pasukin ang ibang negosyo. Ang pangarap niyang makapasok sa kumpanya nito na sa tingin niyang makakatulong din sa kumpanya nila at mauunsyami iyon oras na si Mayet ang piliin niya.

Desperadong napahagod siya sa mukha. Pakiramdam niya ay ipit na ipit siya sa damdamin at sa pangarap niya.

“Ah, shit!” gigil na ungol niya saka kinuha ang susi ng sasakyan sa mesa.

"Sir! Where are you going?" Naaalarmang habol ni Mou. Hindi niya ito sinagot. Para siya hangin sa bilis makasakay at mapaharurot ang sasakyan.

“I am just going to fetch her then that’s it. I am going back to New Jersey. Fixed some stuff there and then go to England. That’s my plan. That’s what I need to do,” kausap niya sa sarili at binilisan pa ang patakbo.

Ilang beses niya pang kinumbinsi ang sarili para ipagdiinang iyon ang kanyang dapat na gawin.

Ilang sandali pa ay nakarating na siya sa ospital at bigla siyang nagalala ng sabihin ng nurse na nakaalis na ito.

“Papaanong aalis ‘yon? Hindi naman siya makalakad,” takang tanong niya sa nurse. Nagalala na siya at luminga. Nagbakasakali lang siyang nasa paligid lamang si Mayet o ano.

“Hinatid po siya ng transport aid hanggang exit, sir. Heto na sir ang naghatid sa kanya,” tukoy nito sa kadadating na lalaking may dadala-dalang wheel chair ngunit wala na iyong sakay.

Agad niyang nilapitan ito. “Where’s the patient?”

“Nagpahatid lang sa exit, sir. Nakita kong naupo sa may flower box at may tinatawagan,”

“Okay. Thanks,” aniya saka dali-daling nagtungo sa itinuro nitong exit.

Paglabas doon ay agad siyang luminga at gusto niyang mapamura ng hindi ito makita!

Napakaraming estudyante at intern na papasok ng sandaling iyon. Halos mahilo na siya kakalinga.

Papaano kung nakasakay na ito? Sino ang umalalay dito? Baka nananakit na ang paa nito o ano…

“Shit! Where the hell she is…” nagaalalang bulong niya. Napahagod pa siya sa noong pinagpapawisan na.

“Devon? Ano’ng ginagawa mo dito?”

Tumalon ang puso niya ng marinig ang tinig ni Mayet. Paglingon niya ay gayun na lamang ang pagluwag ng kanyang dibdib nang makitang maayos ito at hindi kababakasan ng sakit ang mukha.

Sa katunayan, prente itong nakaupo sa isang flower box at kumakain ng ice cream. Natakpan lang ito ng mga estudyante. Nakasuot din ito ng puting damit kaya hindi niya ito agad napansin.

“Gusto mo? Masarap siya. Tinda noong mama at lumapit naman kaninang tinawag ko para bumili.” takang alok nito sa ice cream.

Mukhang ang buong akala nito ay iyon ang tinitingnan niya. She didn’t have any idea how worried he was and couldn’t just say any words…

Natigilan ito nang mabilis siyang lumapit dito at walang sabing binuhat ito. Mukhang nabigla ito sa ginawa niya. Dama niyang bahagyang tumigas pa ang katawan nito ngunit lumambot din pagkalipas ng ilang sandali.

Sumandig ito sa kanya at naginit ang kanyang puso. God… he realized right at that moment how he missed Mayet. Ni ayaw na niya itong bitawan. He wanted her to stay in his arms forever…

He loved how Mayet changed. Hindi na niya ito kinababakasan ng pagiging supladita. In fact, she changed a lot. Tumaas ito at nagkaroon ng magandang korte ang katawan. Her beauty enchanced too. She became more captivating, mesmerizing and amazing… the girl he used to adore became a woman now.

Shit… here we go again

Natutunaw na naman siya. Hayun na naman ang puso niyang mabilis napupukaw ni Mayet. Still melting everytime he looked at her. Ilang araw na siyang hindi nagpakita rito para ibalik ang nagibang disposisyon ngunit ngayon ay muli na naman natitibag iyon.

And the realization hitted him, he needed to stay away from Mayet. Kung magtatagal pa siya roon ay tuluyan na nitong mahahawakan ang damdamin niya maging ang isip niya.

MY HANDSOME LITTLE DEVON (PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now