30. WHERE ARE YOU, DEVON?

1.3K 64 1
                                    

"Rosie? What do you mean? Nasaan si Devon?" halos sigawan na niya ang kaibigan sa kabilang linya. Kadadating lang ni Mayet sa airport at agad na tinawagan ito para ipaalam ang pagdating niya. Hindi pa siya nakakabuwelo ng paliwanag, inunahan na siya nitong ilang araw ng hindi nagpapakita si Devon! 

Hindi lang daw nito nagawang ibalita iyon sa kanya dahil inuna daw nitong hagilapin ang kapatid. Marahil, sa sobrang pagaalala ay hindi na nito naisipang tawagan pa siya at nauunawaan naman niya. Kasal na nito ng araw na iyon. Ni hindi daw nito sinasagot ang mga tawag.

"I don't have any idea!" nagaalalang sagot nito. "Si Laize at Texo... diyos ko! Nakakainis ang magkapatid na iyon! Ang sabi ni Devon, beautiful and kind si Laize pero grabe! Hindi siya kind! Napakataray at walang pakialam kay Devon! Mas nagaalala siya sa kahihiyan kaysa sa kaligtasan ng kapatid ko! Si Texo naman ay ubod ng yabang! Naku! Huwag na nga talaga sanang sumulpot si Devon pero sana naman... malaman ko kung nasaan siya..." umiiyak na sumbong nito.

"I'm coming over. Ano'ng pangalan ng hotel?" pigil hiningang tanong niya. Nagiinit na rin ang ulo niya. Ano'ng klase iyon? Kahit walang pagmamahalang nagbubuklod sa dalawa, hindi pa rin ito worried? Doon palang ay nabubuwisit na siya!

Agad na siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa hotel na sinabi ni Rosie. Napansin niyang mahigpit ang seguridad doon kaya minabuti niya munang mag-check in. The moment she got the chance, agad niyang hinanap kung saan dadausin ang kasal.

Halos hindi na siya makahinga nang makarating sa corridor noon. Punong-puno ng tao, napakaraming mga reporters at doon niya napagtanto kung gaano kabigat ang taong pakakasalan ni Devon.

Gayunman, mahigpit man ang seguridad ay nagawa niyang makapuslit at nakarating kay Rosie. Agad niya itong niyakap ng makitang umiiyak pa rin ito sa labis na pagaalala.

"I wanted to announce that my groom... he... he eloped with my maid of honor... I'm sorry..."

Napalingon silang lahat sa nagsalita. Nakita niya ang isang napakagandang babaeng nakasuot ng pangkasal. Kamukha nito ni Cameron Diaz at kasing tangkad pa. Gayunman, sa kabila ng magandang mukha nito ay batid niyang hindi ito nagsasabi ng totoo.

Peke ang luhang ipinakikita nito. Pupunas-punas kuno ito ng luhang tingin niya'y wala naman talagang lumalabas sa tear ducts nito. At ang katabi naman nitong guwapong lalaki na kahawig ni Kellan Klutz na mukhang si Texo ay panay naman ang pagpapakalma kuno sa kapatid.

Taas baba ang dibdib niya sa sobrang galit! Kilala niya si Devon at hindi nito gagawin ang sinasabi nito.

"What do you mean he eloped? Devon wasn't like that!" buong tapang niyang kontra dito. Tumayo pa siya para makita nito dahil hinagilap siya ng tingin nito.

Nagkislapan ang mga camera at halos masilaw na siya. Gayunman, buong tapang pa rin niyang hinarap si Laize. Naglakad pa siya papalapit dito hanggang sa harangan siya ng ibang security guards doon.

"If he didn't attend his own wedding, I'm very sure that he has a sane and decent explanation. Don't just stand there and declaring lies. I'm not going to believe that." matapang niyang sagot dito.

"And who do you think you are? You're not a guess here. You're not even invited. You're clearly a gatecrasher," nangiinsultong saad ni Laize.

"I am not a gatecrasher. I am Devon's first love," taas noong sagot niya rito.

Napasinghap ang lahat ng tao sa loob ng silid na iyon. Muling nagkislapan ang mga camera. Maging ang mga personal assistant ni Devon na sina Mariz at Mou ay napatanga sa katapangan niya. Gayunman, hindi siya nakaramdam ng hiya ng sandaling iyon bagkus, kakaibang pagluwag ng dibdib. Damn! She was so proud of what she did! Hindi niya akalaing masasabi iyon sa harap ng maraming tao at ang sarap pala sa pakiramdam na ipagsigawan iyon.

"Still a pathetic outsider," mayabang na asta ni Texo. Tiningnan muna siya nito ng nakakainsultong tingin mula ulo hanggang paa hanggang sa napailing. Agad nitong sinenyasan ang mga guards doon at hinawakan siya sa magkabilang braso.

Pumiglas siya at tiningnan ng masama ang mga iyon. "We're leaving, okay? No need to do that," asik niya sa mga ito at agad hinila si Rosie.

Pagdating sa loob ng silid ng hotel kung saan siya nag-check in ay pinagpahinga na muna niya si Rosie. Siya ang tumawag kay Devon at hindi siya magkanda-ugaga sa paghahanap dito. Lahat ng maaaring makaalam kung nasaan ito ay tinawagan niya pero nanlumo siya ng hindi ito mahanap.

"Dad... Devon... he's not here," nagaalalang tawag niya sa ama.

Napaiyak na siya ng sandaling iyon. Labis na siyang nagaalala. Halos masiraan na siya ng ulo. Hindi na niya alam kung ano ang iisipin hanggang sa nagpakawala ng mahabang hininga ang ama niya.

"Give me some time, iha. Ipapahanap ko siya, okay? Don't think too much." Ayo nito sa kanya.

Wala siyang ibang magawa kundi sundin ang ama. Sa loob ng ilang araw ay iyon ang ginawa nila ni Rosie. Nanatili sila sa silid na iyon at hinihintay ang balita ng kanyang ama. Inabot sila ng halos isang linggo doon hanggang sa muli niyang nakausap ang ama.

"Bumalik na kayo sa Pilipinas. I found him,"

Tumalon ang puso niya. Humigpit ang hawak niya sa telepono ng sandaling iyon. Halos sumabog na ang puso niya kakahintay sa sasabihin ngunit napaungol nalamang siya ng hindi ito sumagot.

"Dad... please tell me. Is he okay? Where is he?" naiiyak na tanong niya.

Napabuntong hininga ito. "He is okay. He's... in your house, iha. I am looking at him right now,"

Nabitawan niya ang telepono sapagkabigla.

MY HANDSOME LITTLE DEVON (PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now