5. SPOILED

1.3K 64 1
                                    

At bilang ganti sa lahat ng sakripisyo ng ina ay puspusan ang pagsusunog ng kilay ni Mayet na nagbubunga naman. Consistent siyang nasa top one ng klase magmula elementary at high school. Gusto niyang maging doktor balang araw. Gagalingan niya. Magiging tanyag siya. Kaya niya iyon at kakayanin niya. Ipakikita niya sa buong angkan na makakarating siya sa itaas ng wala ang mga ito.

Aaminin ni Mayet na ma-pride siya. Iyon na lang ang mayroon sila at hinding-hindi niya iyon lulunukin.

Kaya sa lahat ng iyon, bawal ang ligaw-ligaw. Istorbo lang ang ligaw sa buhay, sa pagaaral, sa pagyaman, sa pagiging tanyag na doktor. Sopla ang inaabot ng kunsinumang magtatangkang sungkitin ang matamis niyang oo.

“I thought you want to go to all boy’s school?” naiinis na tanong ng ina nito.

“I changed my mind. I want to go to ate’s school so I can see her,” tahasang sagot ni Devon saka itinuro si Mayet. Diretsaha talaga. Walang preno-preno!

Napasinghap silang tatlo sa pagiging direkta ng binatilyong matabil. Bigla niyang naalala ang mga batang laking ‘tate’, wika nga. Agresibo at liberated. Gustong sumakit ng ulo ni Mayet. Mukhang ganoon ang batang ito at isang malaking problema kung papaano ito sosoplahin.

Kapatid pa rin ito ni Rosie. Anak ito ni tita Rosalie. Paano ba soplahin ang taong alam niyang mayroong sasama ang loob sa kanya? Biglang-bigla, gusto niyang sipain pabalik ng New Jersey ang bata!

“You will go to Don Bosco and that’s final! Get inside!” gigil na tukoy ng ina nito sa all boys school sa kanilang bayan at pinapasok ang bata.

Tumalima naman si Devon pero bago nito isara ang gate ay kumaway pa ito kay Mayet at kumindat. Nagpa-cute pa talaga! Nagiinit ang mukhang napabuga ng hangin si Mayet! Hindi makapaniwalang napatingin kina Rosie na mukhang hiyang-hiya sa inasal sa kapatid.

“Pasensya ka na talaga kay Devon. Naku! Sakit ng ulo ng daddy niya kaya inuwi dito. May ginawang kalokohan iyon sa New Jersey at na-kick out. Sukat ba namang lagyan ng palakang dina-disect ang upuan ng teacher nila? Na-kick out dahil ilang beses na niyang ginawa iyon!” gigil na saad ni tita Rosalie at napahagod sa noo.

“Walang oras ang daddy niya sa kanya kaya hayan ang nangyari. Lumaking napakatigas ng ulo. Diyos ko…” angal nito saka siya hinawakan sa magkabilang balikat.

“Huwag kang magalala. Hindi iyon mag-aaral sa school ninyo ni Rosie. Mukhang kukulitin ka noon kaya ipapasok ko siya sa Don Bosco. Aba’y nakakahiya kay Lucille kapag nangyari iyon,” tukoy nito sa kanyang ina.

Batid ng lahat kung gaano kataas ang pangarap ng kanyang ina. Maging siya naman ay ganoon at dala iyon ng matinding hinanakit nilang magina sa kanyang ama.

Napatango siya at nakahinga ng maluwag. Gayunman, nakaramdam siya ng awa kay Devon. Doon niya naunawaan ang personalidad nito. Sa tingin din niya ay mas maiging doon nga ito kina Rosie dahil matitingnan ito ng ina nito.

“Mommy, aalis na kami,” untag ni Rosie at agad na nitong pinara ang tricycle. Pagkasakay nila ay agad itong napabuntong hininga. “Pasensya ka na talaga,” nahihiyang saad nito.

Tumango siya rito. “Bakit hindi mo nakwento sa akin ang tungkol kay Devon?” usisa niya rito. Ang tagal na nila nitong magkaibigan at magkapitbahay. Hindi ito nag-open ng tungkol doon.

Tumingin ito sa malayo at muling napahinga ng malalim. “Nahihiya kasi ako. Hindi ko alam kung papaano sasabihin ang ganoong bagay hanggang sa hindi ko na nagawa. Naiinis din ako sa ginawa ng tatay ni Devon kay mommy!” biglang sabog nito at napailing. “Nalaman lang niya na may anak si mommy sa pagkadalaga, inayawan na.”

Biglang nakaramdam ng awa sa kaibigan si Mayet at marahang napatango. Doon niya naunawaan ang lahat. Nakaka-relate siya kahit papaano. Hindi pinanagutan ang tita Rosalie niya ng mabuntis ito kay Rosie. Ang pinagkaiba lang nila ay kilala niya ang ama samantalang ito ay hindi. Ni minsan ay hindi iyon sinabi ni tita Rosalie kay Rosie.

Sa kabilang dako, kampante na siya na hindi makakasama sa school si Devon. Nagtitiwala siya sa pangako ng ina ni Devon. Ayaw niya ng istorbo. Period!

MY HANDSOME LITTLE DEVON (PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now