9. LETTER TO MAYET

1.2K 65 2
                                    

Dear Mayet,

                    This is the first time I wrote a letter. I have weird feelings while writing this. I felt happy, excited and shaky. The idea that you might not read this letter makes me scared too because you would never know what I really feel for you.

                      Yes, it was obvious that I like you. But no one knows why and how. I couldn’t even explain it. It was so extraordinary and so new to me that I couldn’t put a name on it. But one thing I’m really sure of: seeing you makes me happy.
                                  Devon

“Ano ba naman ‘yan… Paano na ‘to?” ungol ni Mayet matapos basahin ang liham na iyon ni Devon. Dalawang linggo muna ang lumipas bago niya binasa iyon dahil naduduwag siya sa maaari niyang madama.

Ngayon ay nangyari ang kinatatakutan niya. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya. Tunaw na tunaw din sa sinserong liham nito.

Aaminin niyang matinding tadyak ang hatid noon sa puso niya. Damang-dama niya ang damdamin nito sa kanya. Habang binabasa iyon ay naiisip niya ang cute na mukha ni Devon na masuyong nakatitig sa kanya.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pilit na pinagana ang isip. Ilang linggong ganoon ang kanyang ginagawa. Maging si Rosie ay halos hindi makahuma sa kapangahasan ng kapatid.

Matapos ang insidente sa canteen ay pinagsabihan daw nito si Devon. Naging tahimik daw ito at pansin nga niyang magmula noon ay patingin-tingin na lamang ito sa kanya.

Hinahanap-hanap tuloy niya ang magandang ngiti nito sa umaga. Magmula noon ay nasa tricycle na lamang ito naghihintay. Gayunman, kapag may pagkakataon ito ay kukumustahin siya nito. Kapag pupunta siya sa CR ay bigla na lamang itong susulpot sa labas ng pinto at kakausapin siya.

Bagaman saglit lang ay naghahatid pa rin iyon ng tuwa sa kanya na sa huli’y sinusupil niya. Sa huli’y sinasabihan din niya ito at pinangangaralan na nauuwi kalimitan sa tampo nito.

Napabuntong hininga siya at bumangon. Nagtungo siya sa kusina para uminom ng tubig ng makarinig ng katok.

Napakunot ang noo niya. Alas nuwebe na ng gabi at wala silang inaasahang bisita. Tulog na ang ina niya dahil napagod ito sa trabaho. Sisila lamang sa bahay na iyon.

Nagpatuloy ang pagkatok at nagpasya siyang silipin iyon. Napasinghap na lamang siya ng makitang si Devon iyon! Agad niyang binuksan ang pinto at nabigla siya ng makitang pawis na pawis ito!

“Papaano ka nakapasok? Naka-lock ang gate namin!” gulat na tanong niya rito. Pawis na pawis pa ito. Kabadong-kabado. Hula niya’y namumutla na ito.

“D-Dito tayo,” anas nito saka hinila ang kamay niya. Agad siyang nakaramdam ng boltahe sa pagdadaiti ng mga balat nila. Kakalas sana siya ngunit hinigpitan lamang nito ang hawak.

“S-Saan tayo pupunta?” anas din niya. Kinakabahan na rin siya dahil baka magising ang mommy niya. Sinabihan na rin siya nito tungkol kay Devon. Nagkwento na rin ang tita Rosalie niya rito at hindi na ito kumportableng nagpupunta doon si Devon.

“Doon lang naman tayo sa swing. Sige na. Matagal ko ng gustong pumunta doon,” ungot nito.

Napamulagat siya. Sa plaza pa iyon! Agad siyang umiling dito. “Gabi na! Hindi p’wede!” aniya saka pilit na hinila ang kamay.

Napabuntong hininga ito. Napalunok siya ng makita ang malamlam nitong mga mata. “Sige, dito na lang tayo pero next time, samahan mo ako doon, ha? Please?”

Napabuntong hininga siya ng makita ang pagsusumamo nito. Nako-corner siya kapag ganoon ito. Hindi niya matiis kaya minabuti niyang umiwas ng tingin.

MY HANDSOME LITTLE DEVON (PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now