21. SLOWLY BREAKING

1.1K 59 3
                                    

Napaigtad si Mayet nang makarinig nang katok sa pinto. Nagwawalis siya sa loob ng bahay. Iniwan niya muna iyon at nang sinuhin ang kumakatok ay napasinghap siya.

Nabungaran niya si Devon na seryosong nakatayo habang hawak ang isang mangkok na mayroong takip.

Nahigit ni Mayet ang hininga. Kahit simpleng pambahay ang suot ni Devon ay guwapo pa rin ito. Umaapaw ang karisma. Gayunman, ganoon pa rin ang hilatsa ng mukha nito. Mukhang hindi natutuwa sa tuwing nakikita siya.

Hindi siya nito pinagpapansin kapag nagkikita sila kahit saan. Ang dalawang assitant din nito ay obvious ang disgusto. Iniirapan siya at sinusungitan.

Kakausapin lang ni Devon si Mayet kapag kailangan. Sibil naman at hindi niya mapigilan ang makaramdam ng tampo.

Dahil doon napagtanto ni Mayet na hindi magaan sa kalooban niyang balewala na siya ngayon dito. Pero ano ba ang aasahan niya? Ang isang batang Devon? Lumipas na ang kabanatang iyon ng buhay nito at nalulungkot siya.



"It's dinner," anito saka iniabot ang dala. "Pinabibigay ni ate,"



"S-Salamat," aniya at nginitian ito. Kinuha na niya iyon at nagtungo sa kusina.

"Sana, inutos mo na lang para hindi ka naabala." Komento ni Mayet habang naglalakad.

"Mou and Mariz are busy. I am busy too. I just can't say no to ate." Malamig na sagot ni Devon.

Muntik nang mapalabi si Mayet. Pakiramdam niya ay pasaring iyon. Gayunman, inintindi na lang niya.

Agad isinalin ni Mayet ang ulam at pagpihit niya ay nabangga siya sa dibdib ni Devon. Nabitawan niya ang mangkok at nabasag iyon.

Dahil sa pagkatuliro ay humakbang siya paurong at napa-aray siya dahil may natapakan siyang bubog.

Nakayapak lang siya ng sandaling iyon kaya malayang nakatagos ang bubog sa talampakan niya. Natulala siya ng umagos ang dugo sa semento.

"Shit! Don't move, okay?" mahigpit na bilin nito.



"M-Masakit..." angal ni Mayet.

Napahawak siya sa balikat ni Devon nang maupo ito sa harapan niya. Marahan nitong itinaas ang paa niya at nahigit niya ang hininga ng makita ang dugong umaagos doon.



Dahan-dahan nitong inalis ang nakabaong bubog. Mabilis itong naghanap nang malinis na towel at maingat nitong ibinalot sa paa niya. Agad siya nitong binuhat at napasinghap siya ng madama ang init ng katawan nito.



"Let's go to hospital, okay?" pigil hiningang saad nito. Nawala ang sibil na pagtrato nito at nagkaroon iyon ng bahid na pagaalala.



Tumango siya at sumandig sa dibdib nito. Doon niya napagtantong napakasarap manatili doon. Damang-dama niya ang seguridad. Pakiramdam niya ay hindi na siya nagiisa.

Bumilis ang tibok ng puso niya ng hinigit pa siya nito papalapit. Lalo tuloy siyang nangarap manatili doon.


Agad na siya nitong isinakay gamit ang sasakyang binili nito.

Nakaramdam siya nang panghihinayang nangg pakawalan siya nito. Lihim siyang napailing sa sarili. Nananakit na ang paa niya pero hinahanap pa rin niya ang yakap ni Devon.

Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa ospital. Agad siyang nilapatan ng lunas at dahil sa lalim nang pagkakabubog niya ay kailangang tahiin iyon. Inindyeksyunan din siya ng anti-tetanus.

Halos manghina na siya sa lahat ng procedure na ginawa sa kanya. Kaya nang matapos iyon, pagkauwi nila ay binuhat pa rin siya ni Devon hanggang sa silid niya.

Walang kibong inasikaso siya nito. Pinakain din siya para makainom ng gamot. Nang matapos siya ay inalalayan siya nitong makahiga. Doon ito napahinga ng malalim saka napailing. "Clumsy,"

"I know and thank you," sinserong saad niya at hinawakan ang kamay nito.

Nakagat niya ng mariin ang ibabang labi ng ikuyom nito iyon saka umiwas. Pakiramdam niya, mayroong sumuntok sa dibdib niya. Sobrang nasaktan siya sa ginawi nito. Pero ano ba ang aasahan niya?

Oo. Nandoon ang concern ni Devon pero hindi ibig sabihin noon ay napatawad na siya nito. Kahit naman sino ay tutulungan siya. Ito ang kasama niya ng oras na iyon at natural na tulungan siya nito. Hindi niya iyon dapat na binibigyan ng meaning.

"Masakit pa ba ang paa mo?" malamig na tanong nito.

"H-Hindi na," aniya saka pilit na ngumiti.

Napahinga ito nang malalim at inilagay ang mga gamot sa side table niya. Naglagay din ito ng tubig doon.

"Every four hours ang paginom nitong pain reliever. You should drink it, okay? Mawawala na ang bisa ng anesthesia noon. Sasakit 'yan kapag hindi ka nakainom sa oras," bilin nito ngunit hindi siya nito tinitingnan.



Parang piniga ang puso niya ng i-set pa nito ang alarm clock. Muli, siniguro nito ang lahat. Habang tinitingnan ito ay doon niya napagtanto kung gaano niya kagustong bumawi dito. Gusto niyang alisin ang panlalamig nito sa kanya. Gusto niyang siya mismo ang gumamot sa pusong dinurog niya...

Pero papaano? Ni hindi siya nito tinitingnan at nakakasama iyon ng loob.

Nagpakawala ito ng isang malalim na hininga ng matapos ito. "I have to go now. Take care, okay?"

Tumango na siya at lumabas na ito. Nang mapagisa siya ay namasa ang mga mata niya. Hungkag na hungkag ang pakiramdam. Damang-dama niyang nagiisa siya dahil wala na ang init ng presensya ni Devon.

Napahinga na lang siya nang malalim at pilit na nagpahinga.


MY HANDSOME LITTLE DEVON (PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now