18. WHO ARE YOU?

1.3K 63 6
                                    

“It’s not what you think. I will marry Laize, Texo’s sister so I can finally have a share at Texo. There’s no need for ate to meet her. Laize’s just like… a business partner.”

Napanganga si Mayet. Hindi niya alam kung mabibilib dito o madi-disappoint. Biglang-bigla, tila nawalang tuluyan ang Devon na nakilala niya.

Sa paningin niya ay isa na lamang itong matinik at mautak na negosyanteng walang pakialam kahit isangkalan ang sarili para makamit ang pangarap nito…

Parang nakikita niya ang sarili dito labing tatlong taon ng nakararaan. Punong-puno siya ng pangarap at nagaalala siya. Batid niyang ang ganoon kaugalian ay walang patutunguhan.

Nanggaling na siya doon: sobrang tayog ng pangarap niya kaya ubod sakit ng naging pagbagsak niya ng hindi iyon natupad.

“H-Hindi mo siya mahal?” takang tanong niya rito ng makabawi.

Tumaas ang isang sulok ng labi nito. “Mahal? This is business, Mayet. Love isn’t involve. Besides… love was just a big sham.” Anito saka napailing pa. Tila nainis pang marinig ang bagay na iyon. “It was just overrated.” Dagdag pa nito.

And her heart suddenly broke for this man. She can finally see what she’d done to Devon. He became opinionated and cynical. Lalong nakadagdag iyon sa guilt niya. Yes, she was happy about his achievement but… he just lost his heart.

“D-Devon… a-ano’ng nangyari sa’yo?” hindi mapigilang anas niya rito.

Hindi makapaniwalang napatitig ito sa kanya. Bahagyang kumunot ang noo nito, tila nagtaka sa tanong niya. “What do you mean what happened to me?”

“Bakit ka nagkaganyan? I’m sorry about what happened—”

“Whoa… whoa… easy…” nabibiglang awat nito sa kanya at agad na itinaas ang dalawang kamay. “That was what? Thirteen years ago? Ang tagal na noon. Come on. Honestly, you did the right thing. Dahil kundi mo ginawa iyon, siguradong hanggang ngayon ay para pa rin akong asong buntot nang buntot sa’yo. Thanks for that really.”

Hindi niya mapigilang makaramdam ng pagkapahiya sa sinabi nito. Kung gusto siya nitong saktan ay nagtatagumpay ito. Because seeing Devon that way upset her. Muli siya nitong inawat nang magtangka siya magsalita.

“What I am today is what I chose to be. Hindi ito dahil sa nangyari noon, Mayet. I even forget about my stupidity. I was just a kid then,” anito saka natawang napailing.

She felt disappointed more. How dare him to say it was all his stupidity? Ang stupidity nito ay happy memory para sa kanyang iningatan niya sa loob ng maraming taon.

Batid niyang wala siyang dapat na panghawakan. Wala siyang karapatang magalit, masaktan o umarteng naging sila. Pero parte ito ng nakaraan niya. Hindi niya maiiwasang makaramdam ng sakit kapag nakikitang ganito ang kinahinatnan ng isang taong naging mahalaga din sa kanya.

“Kapag narinig ng ate mo ‘yang rason mo para pakasalan si Laize, mapapagalitan ka noon,”

“I’m not a kid anymore.” Anito saka itinaas ang isang sulok ng labi.

Tumahimik na lamang siya ngunit hindi pa rin mapakali. Gusto niya itong pagsabihan at pangaralan na hindi dapat ganoon ang maging rason nito sa pagpapakasal. Sakramento ang bagay na iyon at hindi business proposal pero hindi niya magawa.

Doon dumating si Rosie at hinarap ang kapatid. Agad naman nagpaliwanag si Devon dito at pigil hiningang naghintay sa isasagot ng kaibigan.

“Sigurado ka ba d’yan? Baka naman mamaya, ikaw ang mapahamak d’yan.” Tanong nito.

“It’s for the business, ate. How can I not grab the opportunity? It’s safe. Magpapalamang ba naman ako?”

Doon na nakumbinsi ang kaibigan niya at tumango. Gusto na niyang sabunutan ang kaibigan! Mariin niyang nahawakan ang baso.

Lalo siyang nainis ng pasimple siyang ngisihan ni Devon. Base sa kislap ng mga mata nito ay tila nagsasabi iyon ng ‘See? Nothing to worry about…’

Biglang bumangon ang matinding inis sa dibdib niya. Awatin man niya ang sarili ay hindi niya napigilan. Wala nga siyang pakialam pero buwisit! Nagngingitngit talaga siya.

Napabuntong hininga na lamang siya sa naramdaman.

MY HANDSOME LITTLE DEVON (PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now