22. CONCERN

1.2K 65 0
                                    

“Damn, you are alone here. You let the front door unlock. What were you thinking, huh? Let me do that, okay?” naiinis na saad ni Devon. Napalingon si Mayet dito at napalunok siya ng makitang iritado na ito. Namumula ang tainga at tiim na tiim ang bagang.

“Nakalimutan ko lang,” aniya saka inayos ang pagkakaupo. Galing siya sa labas dahil may dumating na billing ng kuryente. Hirap siyang lumabas dahil sa kalagayan ng paa niya at nawala na sa isip niyang isara iyon pagkapasok.

Bagaman sinisilip-silip siya nina Rosie ay hindi naman nagtatagal ang dalawa. Ayaw din naman niyang maging pabigat sa mga ito kaya kahit mahigpit ang bilin ni Devon na ito ang maglilinis sa sugat niya ay sumige siya. Nahihirapan nga lang siya pero kinakakaya niya.

“Next time, be sure to lock your door,” sermon pa nito saka maingat na kinalong ang kanang paa niya. Napasinghap siya nang madama ang mainit nitong palad sa binti. Agad na tumawid ang boltahe sa katawan niya.

“Mahiga ka para makita kong maigi.”

Tumalima si Mayet at inalalayan naman siya nito. Natunaw ang puso niya. Bagaman nakikitaan niya ito ng sama ng loob ay hayun pa rin ito, tinutulungan siya sa kalagayan niya. Pilit man nitong itago ay sumisingaw ang concern nito.

Apat na araw na ang sugat niya at naging matyaga ito. Gayunman, dama pa rin niya ang distansya nila. Sa tuwing nagbubukas siya nang usapin ay kibuin dili lang siya nito. Minsan ay hindi na ito sumasagot. Kapag kinulit niya ay mukhang naiinis na.

Hindi naman niya ito masisisi. Napabuntong hininga na lang siya. Ilang sandali pa ay natapos na ito at marahang inilapag ang paa niya sa kama.

“Kukuha lang ako ng makakain. Stay here, okay?”

“Okay,”

“Good,” anito saka lumabas na. Napangiti tuloy siya. Ito na ngayon ang kinababakasan ng awtoridad sa kanilang dalawa.

Gayunman ay natutuwa pa rin siyang makita ang pagbabago nitong iyon. Hindi na ito basta-basta napapatiklop.

Bumalik na ito at agad na kumalam ang sikmura niya ng maamoy ang masarap na aroma ng pagkain.

Inalalayan siya nitong makabangon at natuwa siya nang makitang mukhang sasabay ito. Noong una kasi ay magisa lang siyang kumakain bagaman sinasamahan naman siya nito.

“Kain ka nang kain. Ang payat mo,” anito saka napailing. Dinagdagan pa nito ng kanin ang pinggan niya.

“Hindi ko na ito mauubos,” angal niya rito at agad na itinikom ang bibig ng maningkit ang mga mata nito. Hindi na siya makaangal. Baka sumama pa ang timpla nito iwanan pa siya nitong magisa.

Gayunman ay naubos pa rin niya iyon. Mukhang natuwa ito sa resulta. Agad siya nitong pinainom ng gamot at nang matapos ay ibinaba na nito ang mga pinagkainan nila.

Nagpasya siyang magsepilyo at maghilamos habang nasa kusina ito. Napapangiwi na lamang siya sa sakit at halos pagpawisan habang kumukuha ng damit.

“What are you doing?”

Napaigtad pa siya ng marinig ang boses ni Devon sa likuran. Awtomatikong napaharap siya at bumangga siya sa dibdib nito. Agad siyang naalalayan nito para huwag siyang mawalan ng balanse.

Awtomatikong pumalibot ang braso nito sa baywang niya. Bumilis ang tibok ng puso niya sa pagkakalapat ng katawan nila. Damang-dama niya ang init nito… ang naguumapaw na presensya nito.

“D-Devon…” anas niya. Naginit ang puso niya nang masamyo ang mabango at pamilyar na malinis nitong amoy. His manly scent was lovely. It was intoxicating her and it was really hard for her to ignore.

“Why is it so hard for you to ask some help, huh?” anas din nito at dahan-dahan siyang pinakawalan. Marahan siya nitong isinandig sa built in closet niya na sarado. Nahigit niya ang hininga nang ilapat nito ang magkabilang kamay sa pagitan niya at yumukod ito. Nagrambulan na ang hininga niya ng pinakatitigan siya nito. “Tell me. What do you need?”

“M-Maghihilamos lang ako,” pigil hiningang sagot niya at halos matangay na siya sa abuhing mga mata nito.

Doon ito lumayo at pumasok sa banyo. Halos manlambot na ang mga tuhod niya nang iwan siya nito. God… she never thought Devon could melt her that way!

Mukhang may inayos ito doon at base sa lagaslas ng tubig ay dinig niyang pinagipon siya nito ng tubig. Ilang sandali pa ay binalikan siya nito at walang sabing binuhat siya nito. Awtomatikong napayakap siya sa leeg ni Devon. Tumibok ang puso niya ng mapatingin ito sa kanya.

“Kaya ko namang maglakad,” nalilitong saad niya.

“Shut up,” anito saka siya dinala sa loob ng banyo. Ibinaba siya nito.

“Maupo ka muna at ipatong mo ang paa mo rito,” tukoy nito sa isa pang bangkito. Tumalima siya saka nito ibinalot ng towel ang sugat niya.

“Hindi mo dapat ito binabasa, okay?” bilin nito.

Natawa na si Mayet at napakamot ng ulo. “Ipinapatong ko naman talaga itong paa ko kaya mayroong bangkito dito. But thanks for your efforts and concern.” Sinserong saad niya saka ito nginitian.

Saglit itong natigilan. Nabanaag niya ang pamilyar na paghanga sa mga mata nito at kislap ng pasinasyon doon na tila dinaya siya ng paningin. Nagiwas na ito ng tingin at tumango na lang. “Just call me when you’re done,”

Tumango na siya rito at lumabas na ito. Naghilamos na siya at nagsepilyo. Nang matapos ay tinawag na niya si Devon.

Agad naman itong pumasok at muli siyang binuhat. Siniguro muna nitong ayos ang sugat niya bago siya nito inihiga sa kama. Tahimik lamang itong napatitig sa kanya hanggang sa desperadong napahagod sa buhok.

“Where are your spare keys?” anito saka napabuga ng hangin. “Para hindi ka na bumababa din para pagbuksan ako. Just always keep you door lock, okay? God… don’t ever forget that.”

Napakurapkurap siya. Hindi niya inaasahan napaka-big deal ng pinto niya dito at hindi niya mapigilan lihim na mapangiti. Parang nakikita niya ang sarili noon dito. He was concern but trying to deny it.

Nang umasim ang mukha nito ay itinuro na niya ang bag na nakapatong sa dresser niya. Kinuha nito iyon at iniabot sa kanya. Kinuha niya ang extrang susi saka ibinigay dito.

“Rest now,” anito saka lumabas na.
Napabuntong hininga na lang siya nang mapagisa. Sa kabilang dako ay masaya siya dahil kahit papaano ay nararamdaman niyang hindi na nito maitago ang pagaalala.

Nagdasal siya ng taimtim at ipinalangin na lamang na sana ay magkaroon siya ng pagkakataong makahingi ng tawad dito. Ipinikit na lamang niya ang mga mata at inisip muli si Devon.

MY HANDSOME LITTLE DEVON (PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now