Nefelibata defined as one who lives in the clouds of their own imagination. Basically, this is a compilation or revelation perhaps of one's thoughts with regards to their own point of views through poems.
So, let our voices be heard and let one's t...
Nasaan na ang dating tayo? Nasaan na ang pagmamahal na ibinigay mo? Bakit bigla na lamang nagkaganito? Bakit tayo humantong sa pagtatapos na ito?
Ngayon na kaharap kita, maaari bang malaman na? Sa huling pagkakataon, puwede ba na makiusap pa? Maaari bang bumalik ka na? Umaasa akong ako'y mapagbibigyan mo pa. Ngunit ang 'yong sagot ay "Hindi na."
Sa dapit-hapon na iyon ay muli mo akong tinalikuran. Pero 'di kita magawang sukuan. Kaya naman muli ay maaari ba kitang makasama? Isa pang sayaw, baka sakaling bumalik ang mga pakiramdam na nawala.
Sa dapit-hapon na iyon, sa wakas ay pinagbigyan mo. Kumapit ka sa akin nang mahigpit, pinagbigyan ang aking pagsusumamo. Maraming salamat dito sa alaalang pabaon mo. Ipanalangin mo na sana kapag nakita kitang kayakap niya, mga pakiramdam na nandirito pa sa dapit-hapo'y limot ko na.