Nefelibata #7

26 14 0
                                    

"KAYO ANG PINAGMULAN"written by: Thartzo9edited by: kenzxxi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"KAYO ANG PINAGMULAN"
written by: Thartzo9
edited by: kenzxxi

Hindi niyo kami kaano-ano o kadugo,
Ngunit higit pa sa anak kung kami'y ituring ninyo.
Inalagaan niyo kami ng husto,
Para bang kami ay isang babasaging baso.

Madalas kaming magkamali,
Mga pangaral ninyo'y isinasantabi.
Hindi namin pinapakinggan ang inyong mga sinasabi,
Umaakto kaming mga pipe't mga bingi.

Madalas naming ubusin ang inyong pasensya,
Madalas kaming nagiging pabaya.
Madalas kami'y nagiging abuso na,
Hindi namin alintana ang inyong nadarama.

Marami kaming pagkakamali,
Marami kaming nagawang 'di kawili-wili.
Ngunit ang pang-unawa ninyo ay nananatili,
Hindi ninyo kami sinukuan hanggang sa huli.

Ginawa ninyo ang lahat upang kami'y mapabuti,
Kami ay hinikayat upang magpursigi.
Hindi niyo hinayaan ang masamang ugaling manatili,
Kami ay inyong binago ng paunti-unti.

Tinuruan niyo kaming magsulat at magbasa,
Tinuruan niyo kaming magbilang at magkwenta.
Tinuro ninyo sa amin kung paano magpahalaga,
Kahalagahan ng edukasyon sa ami'y ipina-alala.

Ngayo'y unti-unti na kaming umaangat,
At ito'y utang namin sa inyong lahat.
Kung hindi dahil sa inyong pagpapakahirap,
Kami ay hindi mapapalapit sa aming mga pangarap.

Mga minamahal naming guro,
Kayo'y patuloy na magturo.
Huwag kayong mapapagod na tulungan ang mga katulad ko,
Kabataan ang pag-asa ng bayan nating ito.
Ngunit aming mga kaalaman ay mula sa inyo.

Kayo ang tunay na pag-asa ng bayan,
Pag-asa ng mga kabataang hindi alam ang patutunguhan.
Kayo ang pumupuno ng aming utak ng kaalaman,
Kayo ang nagturo sa amin kung paano magsikap, mangarap at lumaban.

Kayo ang susi tungo sa hinahangad nating kaunlaran,
Kami'y instrumento lamang na handang tumulong sa bayan at sa mga nangangailangan.
Sa abot ng aming kakayahan at kaalaman na kayo ang pinagmulan.

All Rights Reserved.
2019 © Thartzo9

NefelibataWhere stories live. Discover now