Nefelibata #16

20 10 1
                                    

"AKALA"written by: Nami Ikedaedited by: kenzxxi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"AKALA"
written by: Nami Ikeda
edited by: kenzxxi

Para ito sa taong inakala ko na siya na ang makakasama ko hanggang wakas,
Siya na inakala kong nagmamahal sakin ng tunay.
Ngunit nagbago at humantong ito sa wakas na hindi ko ginusto.

Naalala mo pa ba 'yung unang beses tayong nagkausap,
Noong sinabi mo sa'kin na 'tila ba'y nahanap mo na ang matagal mong pinapangarap.
Yung mga gabi na palagi kitang kausap,
Mga panahon na sinasabi ko sayo kung gaano kaganda ang mga bituin sa langit habang ako ay nakatingin sa alapaap.

Natatandaan mo pa ba ang una na'ting pagkikita?
Ito rin ang unang beses na sinabi mo sa'kin ang salitang mahal kita.

Kasunod nito ang mga panahon na nanligaw ka,
Araw-araw mong pinapatunayan sa'kin na seryoso ka.

Lumipas ang ilang araw at buwan,
Sa wakas ay sinagot na rin kita.
Labis-labis ang iyong kasiyahan,
Dahik ang babaeng minamahal mo ay pag-aari mo na.

Nagdaan ang mga araw na sobrang tamis na'tin sa isa't-isa,
Mga bagay na minsan ay hindi na'tin napagkakasunduang dalawa.

Nauwi ito sa maliit na tampuhan, Parehas tayong nagpakumbaba. Humingi ng kapatawaran,
Ngunit makalipas ang ilang araw ito ay muling nasundan.

Nagalit ako, umalis ka, hintintay kita, Ngunit hindi ka na muling nagpakita.
Hinanap kita at umasa na maayos pa na'tin itong dalawa,
Ngunit ako'y nagkamali lang pala.

Hanggang sa hindi ko na naramdaman ang pagmamahal mo,
Sa bawat araw na lumipas ay unti-unti  na nagbabago.
Naging mainitin ang iyong ulo,
Umabot pa sa punto na sinasaktan mo na ako.

Humingi na ako ng saklolo sa mga kaibigan ko,
Ngunit mas pinili ko pa rin na manatili sa tabi mo.
Dahil naniwala ako sa sinabi mong pagbabago,
Pagbabago na hindi mo naman tinupad.

Ang pangako mo na hindi na ako sasaktan ay nabalewala,
Ang pananakit mo sa akin bawat araw ay lumalala.

Nagmanhid-mandihan ako, Binalewala ko lahat ng pananakit mo. Dahil nakatatak sa utak ko na mahal mo ako,
Ngunit kulang parin pala ang lahat, Kahit gaano ko subukang itago lahat ng hapdi at sakit.

Ngayon ay tanggap ko na,
Naniniwala na akong hindi na kita maisasalba pa.
Hindi ko na mabubuksan ang isipan mong nagsarado na,
Tanggap ko na ang katotohanang papalayain ka.

Gayon pa man ay nais kitang pasalamatan,
Dahil sa'yo ay natuto akong maghintay.
Natuto ako na hindi lahat nang inaakala mo ay totoo.
Tinuruan mo ako na hindi mo dapat hayaang manalo ang puso mo,
Dahil masasaktan ka lang sa huli.

Ramdam ko ang sakit na dulot ng iyong pag iyak ng sabihin kong ayoko na,
Masakit man pero kelangan ko ng bumitaw.
Dahil alam kong ito ang mas makabubuti sa ating dalawa.
Kung sakaling ikaw ay magbago, ipagdadasal ko na mahanap mo rin ang taong mas magpapasaya sayo.

Hahanapin ko rin ang taong mas hihigit pa sayo.

Ito na ang huling sandali na ikaw ang dahilan ng pag tibok ng puso ko,
Dahil ngayon na naumpisan ko na ang unang hakbang papalayo sayo.

Susubukan ko muna ulit mahalin ang sarili ko.

All Rights Reserved.
2019 © Nami Ikeda

NefelibataWhere stories live. Discover now