Nefelibata defined as one who lives in the clouds of their own imagination. Basically, this is a compilation or revelation perhaps of one's thoughts with regards to their own point of views through poems.
So, let our voices be heard and let one's t...
Sa mundo natin ngayon maraming mga hurado, Mga taga-husga na mahilig manita ng ibang tao. Pinipintasan ang kapwa, Ngunit ang mismong pagkakamali nila ay hindi nila makita.
Kung susubukan mong maging hurado, Siguraduhin mong ika'y perpekto. Subukan mo munang husgahan ang sarili mo, Bago ka manghusga ng ibang tao.
Ngunit hahayaan na lang kita, Hindi ako magpapa-apekto sa'yong mga salita. Wala ka lang talaga sigurong magawa, Kun'di ang manglait ng kapwa.
Ngunit ano nga bang pakialam ko? Bakit ba ako magpapaapekto? Ano man ang sabihin mo, Hindi mo makakayang tibagin ang pader ko.
Ayos lang sa akin kahit ilang ulit mo akong pintasan, Ayos lang sakin kahit ako'y iyong husgahan. Magngangangawa ka man ay wala akong balak na ika'y patulan, Mananahimik lang ako at sa gawa ko na lang idadaan.
Ano ba ang aking pakialam? Hurado ka lang naman. Hawak ko ang aking tadhana at aking kapalaran, Sa mga salita mo'y 'di mo ako madadaan.
Sa mundo natin ngayon, marami ng feeling hurado, Mga assumerang feeling perpekto. Mga taga-husgang bida-bida,
Mga echoserang tinaguriang "mema" Mema-sabi lang, pipintas ng iba.
Ano nga bang pakialam ko? Bakit ba ako magpapaapekto? Tandaan mo! Hurado ka lang, sa laro ng buhay ko, Ako pa rin ang organizer nito.