Nefelibata #3

34 15 1
                                    

"BASHERS"written by: @Nami Ikedaedited by: kenzxxi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"BASHERS"
written by: @Nami Ikeda
edited by: kenzxxi

May mga taong kahit ano pa ang iyong magandang gawin,
Mga pagkamamali mo ay pilit pa ring pinapansin.

Wala silang pakialam kung ano man ang iyong sabihin,
Kahit sino ka pa ay hindi ka nila sasantuhin.

Bata, matanda, may ngipin o wala
Estranghero o kakilala,
Basta't ikaw ay kanilang mapansin Hindi ka nila patatahimikin.

Nais nilang ika'y pabagsakin,
Lahat ng tagumpay na iyong narating ay balak sirain.

Inggit ang nagsilbing mitsa, Pangungutya ang kanilang naging bala.

Kanilang pamimintas sa kapwa,
Naging libangan na nila.

Kung ikaw man ay naging biktima, Dapat mong matutunan ang sining ng dedma.

Kahit gaano pa katindi ang alab ng pagbatikos nila,
Hindi nila kakayanin ang daluyong ng dedma.

Dahil ang nais nila ay ikaw ay mapasama,
Nais nilang ika'y magpadala sa mga paratang at pangungutya.

Ang iyong pagkainis sa kanila'y ipagkait,
Pagpapaapekto sa kanila'y ipagdamot ng pilit.

Huwag kang bibigay sa mga masasakit nilang salita,
Upang ika'y hindi mapinsala.

Dedmahin mo ang mga mapanglait nilang bunganga,
Dahil sila ang mas magmumukhang kawawa,
Dahil sila'y naiinggit lamang sa iyong mga nagawa.

Buhay mo ay makabulahan,
Wag mo silang hayaan na ito ay matabunan.

Huwag masyadong magpaapekto,
Hindi naman sila perpekto.

Ang mundo mo ay makulay,
Hindi tulad sa mundo nilang matamlay.

Ang bawat tao ay may kaniya-kaniyang talento,
Kayat sa kanila ay huwag kang papatalo.

Kahit saan sila ay iyong matatagpuan,
Sarili ay tatagan dahil hindi mo sila maiiwasan.

Tibayan ang paniniwala,
Huwag mong hayaan na ikaw ay mapinsala.

Talentong sa iyo ay pinagkatiwala
Gamitin mo itong sandata upang sila ay unti unting mawala.

Pananakit nila sayo ay huwag mo na lamang pansinin
Magandang mong kinabukasan ay mas bigyan ng pansin.

Ipakita mong ikaw ay matatag, Huwag kang patitinag.

Ikaw ay isa sa mga magagandang likha
Huwag kang papadala sa mga mapanlait nilang bunganga.

Halika na at tigilan na ang pagmumukmok.
Talento mo ay gamitin mong pampukpok
Upang mga bashers mo ay masapok Nang katotohanang ikaw ay hindi marupok.

Tumindig ka ng tuwid upang mga bashers mo ay mayanig,
Dahil ang kabutihan kailanman sa kasamaan ay hindi padadaig.

All Rights Reserved.
2019 © Nami Ikeda

NefelibataWhere stories live. Discover now