Nefelibata defined as one who lives in the clouds of their own imagination. Basically, this is a compilation or revelation perhaps of one's thoughts with regards to their own point of views through poems.
So, let our voices be heard and let one's t...
Pikit matang naririnig, Boses na siyang laman ay pag-ibig. Pinapangaralan at tinuturuan, Mga batang gustong matuto sa paaralan.
Pangalawang ina, kung ituring, Boses na handang ipaglaban ang mga anak kahit napapailing. Dala ng mga hindi pagkakasunduan, Nanatili pa ring pangalawang ina sa sukdulan.
Ina, kaibigan, kakilala, o kung ano pa man, Mananatiling malaki ang pagpapasalamat sa lahat ng nakagisnan. Ina, na siyang hangad lang ay mapabuti ang mga anak, Labis ang pagmamahal, pusong nagmamahal, hamak ay tagumpay lang ang hawak.
Saya't lungkot hindi iiwanan, Pwedeng kausap, pwedeng malapitan. Kaibigan, pangalawang ina, Sa bandang huli ay siyang malalapitan, Bunga ng pagmamahal sa mga panahong magkasama, ito ang ina sa paaralan.