Nefelibata #4

27 16 0
                                    

"TULA PARA SA'YO, MAHAL"written by: demonic_13edited by: kenzxxi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"TULA PARA SA'YO, MAHAL"
written by: demonic_13
edited by: kenzxxi

Isa dalawa tatlo,
Mga mata mo'y nasilayan ko.
Apat lima anim pito,
Nabihag agad ang puso ko.
Walo siyam sampo,
Sinabi mong tayong dalawa lang hangang dulo.

Ito'y pinaniwalaan at inakalang totoo,
Pero mali pala ang akala ko,
Mali na ako'y naniwala sayo.

Akala ko totoo ang mga sinasabi mo, Pero maling-mali pala ako.

Noong bago pa lang tayo,
Naging masaya naman tayo.
Naging masaya naman ako sa piling mo.

Pero tila ba di ka nakuntento,
Humanap ka ng iba at iniwan mo 'ko.
Isa ka rin pala sa mga lalaking manloloko.

Sasabihin na walang iwanan at tayo lang hanggang dulo.
Sasabihing ibahin mo 'ko sa kanila dahil hindi ako manloloko.

Alam mo mahal? Iba ka nga sa kanila katulad ng sinabi mo,
Dahil hindi kalang manloloko
Isa ka ring gago at walang kwentang tao.
Hindi nakukuntento sa isa, gusto tatlo-tatlo.

Sinong niloloko mo, gago?
Ang isang tulad mo, mabait na tao?
Ako ba'y pinapatawa mo?

Hindi ka mabuting tao,
Mahal, isang kang hayop na gago!
Sana man lang sinabi mo na "ayoko na sayo",
Para 'di na lang ako umasa ng ganito.

Ganito pala kasakit masaktan ng isang gago,
Parang guguho na ang mundo mo.
Parang ayaw mo na lang mabuhay sa mundo.

Pero mahal nagpapasalamat ako sayo,
Sa mga panloloko at panggagago mo,
Kasi natuto ako na 'wag basta-bastang maniniwala sa mga tao,
Na dapat mas mahalin mo ang sarili mo.

Tatapusin ko na ang tulang ito,
Bago pa'ko muling magmura rito. Salamat mahal ko,
Isa lang ang masasabi ko sayo.

Maging masaya ka sana sa kabila ng panloloko mo,
Sana ikaw nawa ay mag bago,
Para makahanap ka ng taong magmamahal sayo.

All Rights Reserved.
2019 © Demon_13

NefelibataWhere stories live. Discover now