Nefelibata #18

11 8 1
                                    

"LAST OPTION"written by: Phantom_Knight09edited by: kenzxxi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"LAST OPTION"
written by: Phantom_Knight09
edited by: kenzxxi

"Ang tulang ito ay para sa taong pakiramdam ay pinagpilian lamang at itinuring na parang A, B, C sa isang exam."

Mini mini my nemo,
Sino sa amin ang pipiliin mo?
Sus, alam ko na 'yan,
Hindi na kailangan.

Wala nang dapat pang pag-usapan,
Kung ganyan lang naman kadali ang katanungan.
Hindi mo na kailangan pang pag-isipan,
Dahil una palang, wala na ako sa iyong pagpipilian.

Una palang, hindi mo na ako kailangan.

Naalala ko pa nung sinabi mong walang iwanan dahil gusto mo palaging buo tayo. Dinig na dinig ko rin kung paano mo sinabing mahal mo ako. Pero lahat nalang ay biglang nagbago nang dumating ang isang pagsubok at ikaw ay sumuko.

Ang ihip ng hangin ay biglang nanlamig. Ang puso ko'y unti-unting tumigil sa pagpintig sapagkat ang mundo ko ay iyong niyanig. Nang nalaman kong aalis ka at hindi ako maaaring sumama. Nagtataka ako kung bakit hindi. Bakit hindi puwede, bakit hindi maaari? Ang daming bakit pero alam mo kung ano ang masakit? Yung sa iba ka kumapit habang ako'y parang tangang inaabot ka nang pilit.

Pero bago ka umalis, pumili ka. Siya ba o ako? Siya ba na mahal mo o ako na lumalaban para lang sayo? Siya ba na hindi ka naman sigurado o ako na ang pag-ibig sa'yo'y totoo. Ano na? Pumili ka! Pumili ka nang sa ganoon ay titigil na akong umasa pa na makikita mo rin ang tunay kong halaga. Kung sabagay, dati palang naman wala na akong importansiya, ngayon pa kayang may iba kana?

Kaya bago ka umalis, pumili ka. Pumili ka saming dalawa. Siya na tingin mo ay mahal ka niya o ako na sa tingin palang ng aking mga mata ay malalaman mo nang mahal kita. Sabihin mo, please lang, gulong-gulo na ako! Siya ba o ako, dahil sa totoo lang, hirap na hirap na ako sa sitwasyong ito. Yung tipong ipinagpipilitan kopa ang sarili ko kahit ang linaw linaw naman na malabo. Malabo nang mabuo pa ang isang basag na baso. Dahil kahit anong pilit mong ipagdidikit ito, hindi na babalik pa sa dati nitong ayos. At kapag pinilit talagang buuing muli, baka dumami at lumalim pa ang mga sugat at galos.

Pero bago ka umalis, magtapat ka. Hahayaan kitang magsalita. Mata sa mata, mahal mo ba talaga ako? Umamin ka at sabihin sa akin ang totoo. Ano ba talaga ako para sa'yo? Laruan na pwede mong pagpilian? Pagkain na maaari mong sayangin. Ano ba? Tama na. Nakakapagod nang maging TANGA. Marami na akong nasayang na luha. Sawang-sawa na akong umasang babalik ka pa. Sumama kana. Sumama kana sa kanya dahil mamanhid lang ang aking paa kung hahabulin pa kita. Hindi na kita kukulitin pang mabubuo tayo. Dahil okay na ako. Okay na ako at magiging okay rin ako, MAMA! Kontento na ako kay LOLA. Masaya na ako sa piling niya.

Kaya bago ka umalis, papalayain na kita. Ako naman ang pipili sa ating dalawa. Mas mabuti nang ako ang bumitaw kaysa naman ikulong ko ang sarili ko araw-araw. Mapapaos lang ang boses ko sa kakasigaw na IKAW! Ikaw na ang lapit lapit pero hindi ko na matanaw.

Hindi kona ipipilit pa sa'yo ag sarili ko dahil para lang akong humihila ng pinto na dapat tinutulak pala. Kaya Ma, malayang malaya kana.

Ang daling magpatawad pero ang hirap makalimot. Ganunpaman, sa exam na ito sinunod ko ang tamang sagot. Pinili kong patawarin at palayain ka. Bakit kung saan pa tayo dehado, dun pa tayo masaya? Bakit kung saan pa tayo laging talo, dun pa tayo tumataya? Ayoko na, suko na ako. Kung mali man ang napili mo, huwag kana sanang bumalik pa. Ayoko nang maging last priority. Gusto ko lang naman ay maging happy. Ayoko nang maging last option. Tama na ang pagdedesisyon. Maging masaya kana sana sa bago mong pamilya.

All Rights Reserved.
2019 © Phantom_Knight09

NefelibataWhere stories live. Discover now