Nefelibata defined as one who lives in the clouds of their own imagination. Basically, this is a compilation or revelation perhaps of one's thoughts with regards to their own point of views through poems.
So, let our voices be heard and let one's t...
Kay sarap pagmasdan ng mga kamay ng orasan, 'Tila nag-uudyok sa'kin upang bumalik sa nakaraan. Kung kailan pagmamahalan nati'y inumpisahan, Panahon kung bakit kapwa tayo-m—hindi mali, ako lang pala ang nasasaktan.
Nakaraang naka-ukit sa'king puso't dahilan ng pagkirot nito, Senaryong parang pelikula't ang mga tauha'y ikaw at ako. Nakaraan na'ting dalawa, para saki'y bangungot, Mga ala-alang walang ibang binigay kun'di sakit at poot.
Ngunit ikaw lang ang nagpupumilit ibalik ang nakaraan, Nakaraang kayo pa ang nagmamahalan. Kayong dalawa ng babaeng hanggang ngayo'y mahal mo pa, Nakaraan na'tin? Hindi, nakaraan niyong dalawa.
Pag-agos ng luha mula sa'king mga mata, Titigil lamang kapag nasagot mo ang tanong na;
"Ako'y minahal mo ba talaga?"
Sapagkat ito na lamang ang sasampal sa'king mukha, Ang marinig ang sagot mong;