Nefelibata defined as one who lives in the clouds of their own imagination. Basically, this is a compilation or revelation perhaps of one's thoughts with regards to their own point of views through poems.
So, let our voices be heard and let one's t...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"KAKAYANIN KAHIT MAHIRAP" written by: Thartzo9 edited by: kenzxxi
Sa loob ng mahabang panahon, Na tayo'y naging magkarelasyon, Hindi ko maitatanggi ang realisasyon, Na ikaw pa rin ang gusto kong makasama sa paglipas ng panahon.
Gusto kong ikaw ang laging kong makikita, Sa tuwing gigising ako sa umaga. Ikaw ang gusto kong huling makasama, Kapag gabi ay payapa na.
Gusto kong kasama kitang bumuo ng mga ala-ala, Gusto kong kasama kita hanggang sa aking pagtanda. Gusto kong ikaw ang kasama kong bumuo ng pamilya, Wala akong ibang gusto kundi ikaw lang, wala ng iba.
Ngunit ito ba'y mananatili lang na isang pangarap? Ngayong hindi kita mahagilap?
Nagsisimula na akong maghanap, Nasaan na ang iyong dating mainit na pagtanggap?
Bakit tila ika'y nanlamig? Bakit tila ika'y may iba nang iniibig? Bakit nawala na ang matatamis na salita sa iyong bibig?
May iba ka na ba? Dapat na ba akong mag-alala? Dapat na ba akong mangamba? Gusto mo na bang lumaya?
Kung nais mo nang lumaya, Ako'y walang magagawa kun'di ang magparaya. Mahal kita at handa akong magdusa, Kung ito ang sa iyo'y magpapasaya.
Hindi ito madaling matanggap, Hindi madali ang ika'y pakawalan mula sa pagkakayakap.
Hindi madaling pakawalan ang taong kasama kong bumuo ng pangarap, Pero kakayanin ko kahit mahirap.
Sana'y sa aking pagpaparaya, Makamit mo ang tunay na ligaya. Wala akong ibang hiling kun'di ikaw ay sumaya, Kaya paalam na sa'yo at sa pagmamahalan na'ting dalawa.