Chapter 44 ( Friends )

186 2 0
                                    

Cyleen's Pov:

"Ate Cyleen, matagal ka pa ba dyan sa banyo? Ihing- ihi na ako. Kanina ka pang naliligo hindi ka pa rin tapos? Ano ba yan." Sigaw ni Jake sa labas.

Sya yong makulit Kong younger brother na sumunod sakin. Grade five student sya sa HDES. Para syang boy version ni ate Marfie! Pareho silang palaging panira ng moment ko. Naliligo pa nga di ba? Hindi makapag- hintay?

"Ano ka ba naman Jake. Lalaki ka naman. Doon kna umihi sa labas." Sigaw ko.

"Hay naku talaga tong si ate Cyleen nakakainis. Bakit kase ang tagal mong maligo? Halos one hour ka na dyan ah." Reklamo nya.

One hour!? Oh my gosh! Sa sobrang pagbabad ko sa malaking planggana dito ni mama na akala mo eh bath tub, hindi ko namalayan na one hour na pala ako dito! Syete! Kailangan ko ng magmadali! Ma- l- late ako! Nakakainis kase ang Cylec na yon eh.

Sabihan ba naman akong hindi ako naliligo? Na trigger ako bigla kaya ayan. Inabot ako ng isang oras paliligo pa lang. Hay naku talaga, Cyleen. Ang lakas ng impluwensya sayo ng chimpanzee na yon ah. Kung hindi lang sya gwapo, naku baka nasabon ko na sya. As in yong walang banlawan!

Agad akong nagbanlaw at dali- daling lumabas ng banyo. Patakbo na akong pumunta sa kwarto para makapag- bihis. Alas syete na ng umaga! Thirty minutes na lang late na ako! Madalian akong nagbihis at dala- dala ang bag eh lalabas na sana ako ng bahay ng makita ko si papa na nakahiga lang sa sofa.

"Pa, okay lang ho ba kayo? Mukhang matamlay kayo ah." Sabi ko sa kanya.

"Okay lang ako nak. Medyo nanghihina lang. Aalis na na ba papuntang school?" Sabi nya.

"Opo." Sabi ko.

"Kung ganon on the way ka naman pala sa dapat eh Pag deliver- an ko ngayong araw. Pwede bang ikaw na ang dumaan nitong mga paninda kina Engr. Jordan?" Sabi ni papa.

Naku. Paano na toh. Mas lalo akong ma- l- late nito! Pero syempre, mabait akong anak at masunurin. Saka si papa ang nag request. Makaka- tanggi ba ako? Syempre hindi. Para rin naman samin ang ginagawa nya eh.

"Sige po, pa. Ako na ho ang bahala dyan. Saan ho ba banda ang bahay nong engineer Jordan?" Tanong ko.

Ni hindi ko Alam kung pangalan ba yong Jordan o apelyido. Tutal engineer naman sya, baka kilala naman sya sa Brgy. Saint Marion, di ba? Magtatanong na lang ako.

"Malapit sa centro ng Saint Marion iyon anak. Pero papasuk pa. Private villa kase yon eh." Sabi ni papa.

Wow! Yayamanin. Private villa? Parang kagaya doon sa villa ng Love Island na pinapanuod ko sa YouTube?
Naks naman. Eh di sila ng rich. Paano naman kaya nakilala ni papa ang pamilyang yon? Pero Salamat na din at may suki pala si papa na ganon kayaman. Atleast hindi sya mawawalan ng buyer, di ba?

"Okay po, pa. Hihiramin ko na lang po muna ang mountain bike ni Jake para madali po." Sabi ko.

"Sya sige. At ako'y magpapahinga na muna. Thank you nak, ha." Sabi nya.

"Naku, wala ho yon pa. Alis na ho ako." Sabi ko.

Agad akong lumabas ng bahay. Gamit ang bike ni Jake, umalis na ako. Pagkatapos ng ten minutes na pagpedal, nakarating din ako sa centro ng Saint Marion. So— nasaan na kaya dito ang bahay ni Engr. Jordan na yon?

Nag decide akong magtanong sa barangay tanod na naka assign sa Brgy. Outpost.

"Excuse me ho, manong. Saan ho dito ang bahay ni Engr. Jordan?" Tanong ko.

"Naku, malayo pa ineng. Kita mo ang daan na yan papasuk? Diretsuhin mo lang. Doon sa pinakadulo, lumiko ka sa kanan. Yong private villa na nandun, yon ang bahay nila Engr. Pero wala naman dyan sina Mr. and Mrs. Jordan. Nasa manila. Mga kasambahay at guards lang ang nandon at yong Isa nilang unico iho na nag aaral sa SMA." Sabi ni manong tanod.

His Naughty P.A ( Jordan Series 1 )Where stories live. Discover now