Chapter 8 ( Damn, Interview! 2 )

359 8 0
                                    

Cyleen's Pov:

"Good afternoon, maam. I'm Ms. Cyleen Jaranilla. Mrs. Howkins just called me a while ago for interview and orientation."

Sabi ko sa admin na naka-assign sa front desk ng CJREC the moment I reached the building. Thanks be to God at hindi ako na late. Akala ko ma l-late ako dahil si Ate Marfie eh kung ano-ano ang pinagawa sakin. Pati mukha ko, hindi pinalampas. Talagang inayusan nya ako ng bongga.

Sabi ko sa kanya, simplehan lang ang make up. Aba naman! Hindi nakinig. Hindi na ako magtataka kung putok na putok din ang make up ko tulad nitong admin na nasa harapan ko ngayon. Hindi ako sanay ng naka ayos ng ganito. Ang awkward sa pakiramdam.

Na traffic pa ako sa may EDSA kanina. Mabuti na lang at pinahiram ako ni Ate Marfie ng scooter nya. Kung hindi, naku malamang hanggang sa mga oras na ito eh stuck pa rin ako sa EDSA. Sakto lang ang dating ko. Quarter to two.

"Interview and orientation? Mrs. Howkins didn't mentioned about it. The CEO isn't here today too. He's the one who conducted the interview and orientation. For what position?" She asked.

"For Personal Assistant?" I said.

Kahit ako hindi rin sure kung P.A ba talaga ang position na nahired ako. Kahit ako nga hindi makapaniwala na natanggap ako. Malamang, Pati na ang admin na toh. Eh paano ba naman. Kung tingnan ako nito nong nag a-apply pa lang eh parang sinasabi nya ng hindi ako matatanggap.

Then out of the blue, bigla na lang akong tinawagan ni Mrs. Howkins para sabihin sakin na hired ako. Which is so unexpected! Kaya malamang, ngayon eh nagtataka ang Isang toh kung paano ako na hired! Kahit ako nagtataka rin noh! Hindi lang sya.

"Wait a minute. I'm going to call Mrs. Howkins." She said. I just nodded.

Nagdecide akong umupo na muna sa Isa sa mga upuang nasa harap ng admin desk, di kalayuan sa main entrance. Nakita ko yong admin na may tinawagan habang patingin-tingin sakin. And after a minute, she called me.

"Mrs. Howkins said that you proceed to the CEO private office in 50th floor. Just wait for the CEO coz he's not yet there." The admin said.

"Okay, maam. Thank you." Sabi ko bago pumunta ng elevator.

Fiftieth floor? Grabe, ang taas pala talaga ng building na toh! Mabuti na lang at may elevator. Dahil kung hindi, for sure pagod ang mga employees dito kapag pupunta ng CEO office gamit ang hagdanan. Papasuk na sana ako sa elevator ng sitahin ako ng isa sa mga employee ng CJREC.

"You're going to use the elevator?" He asked.

"Yeah." Sabi ko.

"What floor?" He asked again.

" 50th floor." I said.

"Oh. The elevator stopped in 30th floor coz the 31 floor is under construction. You can use the stairs starting to 31th floor." He said.

Tumango na lang ako. Is this some kind of a joke, huh! Meaning to say, kailangan Kong maglakad sa hagdanan simula floor 31 to floor 50? Eh halos 19 floor ang dadaanan ko bago nakarating sa office ng CEO. Naka-heels pa naman ako! Pero no choice ako, diba? I'm just wondering, Pati ba yong CEO kailangan din maglakad ng 20 floor?

Hindi na ako nagsalita pa. Basta ko na lang pinindot ang 30th floor at pagdating doon ay nagsimula na akong maglakad. Wala naman akong nakikitang inaayos sa 31 floor ah? Ako ba niloloko lang ng lalaking yon kanina? Nasa 40th floor na ako ng makaramdam ng pagod.

Tagaktak na ang pawis ko hindi pa ako nakakarating sa 50th floor! Ang sakit na rin ng mga binti ko dahil sa pesteng heels na toh! Nag decide akong hubarin muna at magyapak dahil for sure, hindi ko maaabot ang 50th floor kapag naka heels pa rin akong maglakad. Dapat talaga kase nag doll shoes na lang ako eh!

His Naughty P.A ( Jordan Series 1 )Where stories live. Discover now