Chapter 43 ( First Encounter )

212 3 1
                                    

Flashback...

Cyleen's Pov:

"Cyleen! Cyleen! Gumising ka na nga dyan. First day of school late ka! Tatamaan ka sakin. Bangon na."

Muntik na akong mabingi sa boses ni ate Marfie. Ewan ko ba. Parang hindi ako excited pumasok sa Saint Marion Academy ( SMA ). Sino ba naman ang ma e- excite? Yong mga classmates ko ng elementary, magkakasama sila sa Saint Marion National High School ( SMNHS ).

Public school yon dito samin sa Mindoro. Ako lang yata ang naligaw sa SMA. Hindi ko nga rin Alam kung bakit sa SMA ako napa- enroll eh. Hindi naman kami mayaman. Mas lalong hindi ako famous. Medyo may utak lang ako pero feeling ko hindi pa rin ako belong sa SMA.

Mas gusto ko sa SMNHS kase nandon ang mga kaibigan at kakilala ko. SMA is one of the most prestigious and famous Scholl here in Oriental Mindoro. This school is exclusive for rich, famous, brainy and talented students. Although I'm a little bit brainy, walang wala ako kumpara sa mga students ng SMA for sure.

Nong enrollment pa lang, na discourage na ako agad ng makita ko yong mga freshman students ng SMA. My gosh! Ang gaganda at sosyal tingnan. Halatang mayayaman at may class. Parang gusto kong manliit sa sarili ko.

Nasanay kase akong sa public school pumapasuk. Doon sa school ko since kindergarten at elementary — ang Happy Dale Elementary School ( HDES) , go akong makisalamuha dahil ang status halos ng buhay namin ay pare- pareho. Walang mayaman. Halos nasa middle class lahat o di kaya eh lower class.

Kaya nga nag excel ako among them dahil kahit papaano eh above average naman ang talino ko. Pero sa SMA? Feeling ko magiging outcast ako. Kaya lang naman ako napunta sa SMA eh dahil sa scholarship. Sa lugar kase namin, once na graduate ka ng valedictorian, salutatorian up to third honorable mention, may chance maging scholar ang mga can't afford na tulad ko.

Sinabi ko na kina mama at papa na sa SMNHS ako papasok pero Sabi nila mas marami raw opportunity sa SMA kaya napilitan akong mag enroll doon kahit ayaw ko Sana. Alam ko naman na pangarap ng parents ko na mabigyan kami ng maayos na edukasyon dahil yon ang wala sa kanila Pero Ewan ko ba.

Hindi ko Alam kung paano mag a-adjust sa bagong school na papasukan ko. Kaya heto ako ngayon. First day of school, Tamad na tamad bumangon. Almost all freshman students for sure kapag ganitong first day eh to the highest level ang excitement dahil sa mga bagong makikilala at kaibigan.

Pero iba ang nararamdaman ko. Ewan ko ba. Hindi ko maiwasan ang kabahan at malungkot. I'm nervous dahil hindi ko Alam ang  mangyayari sakin for four years sa SMA. And I'm sad dahil yong mga bestfriend ko ng elementary, hindi ko na makakasama sa school araw- araw.

"Babangon na nga, diba? Sabay na tayong pumasok ate ah." Sabi ko Kay Ate Marfie.

"Bakit? Magkaklase ba tayo? Ahead ako sayo, remember? Kailangan Kong pumasok ng maaga. Hindi ka pa nga naka ready. Ayokong malate noh." Sabi niya.

Two years ahead sakin si ate Marfie. Nasa junior year na sya ngayon samantalang freshman pa lang ako. Hay naku. For sure wala akong magiging kaibigan sa SMA. Sino naman ang papansin sa puritang tulad ko? Nakakapanghina talaga!

"Ate, sa tingin mo ba mapapabuti talaga ako sa SMA?" tanong ko sa kanya.

"Syempre naman. Magandang school ang SMA. Ganyan din ang pakiramdam ko nong freshman ako. Pero ngayon, sanay na naman ako. Hayaan mo na lang sila. Masasanay ka rin." Sabi ni ate.

"Sabagay. May point ka teh." Sabi ko.

"Grab the opportunity na lang, Cyleen. Wag Kang nega. Laban lang, ha. Wag Kang pa- intimidate sa mga rich kid na yon. Gamitin mo ang utak mo. Wag Kang pa b- bully. Malilintikan ka sakin." Sermon nya.

His Naughty P.A ( Jordan Series 1 )Where stories live. Discover now