Chapter 4 ( Surprise Party )

392 6 0
                                    

Cyleen's Pov:

"Cyleen? Oh, shit! What are you doing here!?"

"Shit ka rin! Anong ginagawa mo dito, Enrique?" Balik tanong ko sa kanya.

Agad nya akong binitawan ng masigurong kaya ko ng tumayo mag isa.

"Obviously, dito ako nakatira." Sabi nya.

Enrique Clayton. Sino ba ang makakalimot sa bastard na toh? Sya lang naman ang bestfriend ng ex ko! Isa sya sa mga pasimuno kung bakit mas lalo akong na in love sa bestfriend nya! Grabe kase ang Isang toh kung makapag build up sa walang kwentang yon! Ako namang si tanga, naniwala. Kaya hangga't maaari, ayaw kong nakikita rin ang Isang Toh, eh. Naaalala ko lang ang katangahan ko sa Pag ibig noon.

"As in dito sa mansion na toh? Paanong nangyari yon?" Tanong ko.

"Hindi dito sa mansion, exactly. For sure nadaanan mo nong papunta ka pa lang dito sa mansion. Seriously, what are you doing here? Did Cylec know that you're here?" Sabi nya.

"Paanong napasuk sa usapan ang tarantadong yon? Nandito ako para sa part time job ko. Isa ako sa mga crew ng catering services na mag o-organized nitong party." Sabi ko.

"Wow! What a coincidence! I'm sure masosorpresa ng sobra si Cylec kapag nakita ka nya dito! I can't wait to see his reaction!" Sabi pa nya habang tumatawa.

Bigla akong na alarma. Wait! Tama ba ang narinig ko? Si Cylec, as in yong walang kwenta kong ex, pupunta dito sa party? As in nandito sya sa party mamaya? Oh, shit talaga! Bakit? I mean, bakit nandito sya mamaya? Hindi pwede Toh! Ayoko syang makita, okay. Hindi ngayon, hindi kahit kelan!

"Talaga bang pupunta sya dito mamaya? Bakit? Invited ba sya?" Tanong ko.

Bigla ba naman akong tawanan ng bongga. Wow, ha! Ang saya nya! Pero na miss ko ang kakulitan ng Isang Toh. Sa tingin ko pa lang, para talagang sobrang successful nya na. Mas nag matured sya ng konti Pero yong kagwapuhan nya at charm ganon pa rin sa dati.

"Are you crazy!? You don't have any idea, do you? Eh, birthday nya ngayon, diba? At para sabihin ko sayo, itong surprised birthday party na Toh eh para sa kanya. Wag mong sabihin na hindi mo alam?" Sabi nya.

Pucha! Talagang hindi ko Alam! Dahil kung alam ko, asa pa na nandito ako ngayon. At ngayong alam ko na, aalis na ako bago pa nya ako makita dito! Nakakahiya! Baka sabihin pa nya na sinadya ko ang pumunta dito! Kung mamalasin ka nga naman oh! Bakit sa Dinami rami ng raket, dito pa!? Syete talaga!

"Hoy, ikaw. Satin lang Toh ha. Wag mong sasabihin kahit kanino na nakita mo ako dito. Lalong Lalo na sa lalaking yon! Lagot ka sakin kapag may nakaalam. Uuwi na ako. Mahirap na at baka makita pa nya ako dito." Sabi ko.

"What!? Come on, Cyleen. You're here para sa part time job mo, hindi para sa kanya. Don't worry, hindi ko sasabihin. Ituloy mo lang ang trabaho mo dito. Teka, bakit ka nga pala nag p-part time job? Wala ka bang regular na trabaho?" Sabi pa nya.

"Obvious ba? Kung meron akong maayos na trabaho, makikita mo ba ako dito? Siguraduhin mo lang na hindi mo sasabihin kahit kanino, ha? Sige na, aalis na ako. Nice to see you again." Sabi ko sa kanya at naglakad na palayo.

"Cyleen, wait! Can I get your number? You know, to catch up with you. Namiss ko ang kakulitan mo eh. Simula ng magbreak kayo umiwas ka na rin Pati sakin. Akala ko pa naman friends tayo." Sabi nya.

"12345. Sige na, aalis na ako. Bye." Sabi ko.

Wala akong balak na makipag communicate pa sa kanila, noh. Ayoko na ngang mameet Silang dalawa ulit eh. Aksidente lang lahat ng ito. Kalilimutan ko na lang na napunta ako dito. Ngayon ko lang na realized na sya pala ang Mr. Jordan na pinag uusapan ng mga crew kanina. Kung alam ko lang, eh di sana hindi na ako tumuloy! Bakit ba hindi ko kaagad naisip yon?

His Naughty P.A ( Jordan Series 1 )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang