Chapter 6 ( Youre Hired!)

404 12 0
                                    

Cyleen's Pov:

"Aray! Bakit mo ako binatukan? Ang harsh mo talaga. Ganyan ka ba magpasalamat? Ang tindi!" Inis na Sabi ni ate Marfie sakin.

Paano ba naman, pagdating na pagdating ko sa bahay galing sa part time job na binigay nya eh sobrang bad trip ako! Sa dami ng raket na pwede nyang ibigay sakin, yong birthday party pa talaga na yon!

Sino ba naman ang matutuwa? Kung alam ko lang na birthday party pala ng magaling Kong ex na yon ang pupuntahan ko, eh di sana hindi na ako tumuloy! Mabuti na lang at nagawa Kong iwasan ang sitwasyon. Paano na lang kung nagkita kami ulit? Hindi ko Alam kung ano ang magagawa ko sa kanya!

"Eh nakakainis ka kase. Bakit di mo sinabi sakin na birthday party pala nong ex ko ang pupuntahan ko? Nagmukha tuloy akong tanga." Inis Kong Sabi.

Kung naiinis sya, aba mas lalong may karapatan akong mainis, di ba?

"Ex? Sinong ex?" Tanong nya.

Ay pucha! Lalong nadagdagan ang inis ko! Alam nya namang Isa lang ang ex ko di ba? Ano, tanga- tangahan lang teh? Ganitong kagigising ko lang at puyat pa ako dahil sa walang kwentang party na yon, eh wag nya akong iinisin.

"Sino pa ba? Eh di si Cylec Jordan! Isa lang naman ang naging ex ko di ba?" Sabi ko.

"Ano!? Yong gagong lalaki na yon? Paanong napunta sya sa birthday party na yon? Hindi ko Alam, okay. Kung alam ko lang eh di hindi na Sana kita pinapunta doon." Sabi nya.

May magagawa pa ba ako? Nangyari na eh. Tapos na yon. Hindi ko naman sya nakaharap kaya okay na siguro yon. Hindi naman pala alam ni ate Marfie. Inosente rin sya sa nangyari. Kahit ganyan yan, eh alam ko namang hindi nya ako ipapahamak. Mabuti na lang talaga at hindi ako sumunod sa gusto ng Enrique na yon!

"Never mind na yon, ate. Kalimutan na natin." Sabi ko na lang.

"Pagkatapos mo akong batukan, never mind na lang? Ayos ka rin ah! Ano bang nangyari?" Tanong nya.

At wala akong choice Kundi ikwento sa kanya ang buong detalye ng part time job kong yon. Tahimik lang syang nakikinig. Talagang sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari. Wala akong itinagong part. Sa kanya pa ba ako maglilihim? Eh alam na Alam nya ang kilos ko.

Pagkatapos kong magkwento, nakatulala lang sya na parang tanga! Hay naku! Bakit pa ba ako nagaksaya ng panahon na ikwento sa kanya kung yan lang din naman pala ang makukuha kong reaksyon.

"Bakit nakatulala ka dyan? Ikaw ba ang muntikan ng makita ang ex?" Sabi ko.

"Oh- my- gosh! As in yong ex mo eh yong famous na businessman na si Mr. Jordan? Seryoso ka? Hindi ka ba nagbibiro lang? Totoo ba talaga yon?" Sabi pa nya.

"Totoo nga! Bakit ba ayaw mong maniwala? Sya nga yon. Hindi ako pwedeng magkamali!" Sabi ko.

"Ikaw pala itong tanga eh! Bakit mo pinakawalan? Hindi mo ba Alam kung gaano kayaman ang Isang yon? He's a multi-billionaire, Cyleen! Sikat na sikat sya sa trabaho namin dahil palage syang bukambibig ng mga katrabaho ko! Palage daw nilang napapanuod sa tv at nababasa sa magazine ang tungkol sa kanya!" Sabi ni ate Marfie.

Wala akong pakialam kung sya pa ang pinakamayaman sa mundo! Ang mahalaga sakin eh sinaktan nya ako ng bongga! At hindi ko makakalimutan ang bagay na yon! Ever!

"Excuse me lang teh, ha. Naririnig mo ba ang sarili mo? Ang gagong yon ang nanakit sakin dati. Sya ang makapal ang mukha na i-dumped ako. Sobra akong nasaktan ng time na yon, okay. Paanong ako ang naging tanga?" Sabi ko sa kanya.

"Tanga ka naman talaga! Hindi ka nagiisip! Kung ganon kayaman ang boyfriend ko, hindi ko na pakakawalan. Aba, buhay Reyna ako for sure! Pero sinayang mo lang yong opportunity mo, gaga!" Sabi pa nya.

His Naughty P.A ( Jordan Series 1 )Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum