Chapter 22 ( Lost )

322 5 0
                                    

Cyleen's Pov:

"Where am I?"

Wow Cyleen, ingles yon ah. Na kidnap lang, naging inglesera na? Ano, feeling yayamanin ka ngayon? Pero ganon naman talaga ang nararamdaman ng mga victims ng kidnap for ransom diba? Lahat ng kinikidnap, mayayaman at sosyal.

So— hindi ko pa rin gets hanggang ngayon  kung bakit ako kinidnap ng mga pesteng armed men na yon kanina. Alam Kong mukha lang akong mayaman at sosyal dahil maganda ako, pero jusko naman! Kung alam lang nila na mas mahirap pa ako sa pulubi malamang hindi sila mag aaksaya ng panahon na kunin ako.

Ano namang ibibigay Kong ransom money sa kanila? Pwede bang utangin yon? O di kaya hulug- hulugan ko na lang parang kagaya sa bombay at 5:6! Oh my gosh! Ano bang pinagiisip ko! Nasa panganib na nga ang buhay ko, nagawa ko pa talagang magisip ng mga kalokohan.

Pero seriously, bakit ba ako ang Napili nilang biktimahin!? Sa dami ng mayayaman sa buong Pilipinas ako pa talaga! On process pa nga ako sa Pag fix ng broken heart ko dahil sa walang kwentang Mr. Jordan na yon, tapos nandito pa ako sa ganitong klase ng sitwasyon? Wow! Nasaan ang hustisya don!

Hindi pwede toh! Kailangan Kong mag isip ng paraan para makatakas sa mga hinayupak na mga goons na toh. Hindi ko pinangarap na mamatay sa Kamay ng mga kidnappers at sindikato noh! Pero nasaan na ba ako? Bakit ang dilim sa lugar na toh?

The last time I remember, isinakay nila ako sa itim na van pagkatapos nila akong patulugin gamit ang chloroform. Hindi ko na alam Kong ano ang sumunod na nangyari. Nagising na lang ako na nandito sa madilim na kwartong toh. Or should I say, isang lumang bodega! Saka bakit mag isa lang ako dito? Nasaan yong mga armed men na kumuha sakin?

Kailangan Kong makaalis dito. I'm sure nag aalala na sakin sina mama at papa. Agad akong tumayo sa kinauupuan at naglakad papuntang pintuan. Naka- locked! Syete talaga! Kapag ako naiyamot sa mga lalaking yon, pasasabugin ko ang buong lugar na toh! Wag Silang magpapakita sakin dahil makakatikim talaga sila ng galit ko!

Sinubukan kong maghanap ng pwedeng daanan palabas. Pero walang pwedeng lusutan. Sa mga ganitong pagkakataon, na train ako kung paano makaka- alis sa ganitong klase ng sitwasyon. Syempre, may risk and disaster management subject kaya kami nong criminology student pa ako!

Naalala ko pa na sa actual play namin non for our final exams, Isa ako sa mga hostages ng mga holdaper naman. Pero kesyo kidnapper or holdaper man yan, pare- pareho lang sila ng gusto. Kung hindi pera, power, authority at— pleasure! Oh my gosh! Sana lang hindi mga sex starved ang mga kidnappers na yon!

Nawalan na nga ako ng dignity ng magpaloko ako sa Mr. Jordan na yon at pumayag sa gusto nya, tapos mauuwi pa ako sa Isang rape slay case!? Wag naman ganon! Ang harsh naman sakin ni author kapag ganon! Broken hearted na nga ako, pagkatapos magiging rape victim pa! No. Hindi ako papayag. Magkakamatayan muna kami dito bago mangyari yon!

Di ba, author? Ako ang main character dito kaya umayos ka! Ako kaya ang nagpapaganda sa story mo. Wag ka namang maging harsh sakin. This is supposed to be a fairytale story not a tragic one, okay? Ayos ba!? Minsan talaga lakas din ng trip nitong si author eh. Hindi ko sya gets most of the time! Parehong pareho sila ng Mr. Jordan na yon! Pagbuhulin ko kayong dalawa eh!

Tss. Ano ba yan Cyleen! Umayos ka nga! Pati ba naman ang author awayin mo!? I think konting konti na lang mababaliw na ako! Oh my! Ano ng gagawin ko ngayon!? Think properly, Cyleen. Just calm down and make a better plan. Wala akong maaasahan sa mga oras na ito Kundi sarili ko lang. Mind over body! Makaalis lang ako sa lugar na Toh, okay na.

Kahit magpalaboy- laboy na ako dyan sa lansangan basta ba wala ako sa older ng mga kidnappers na yon, ayos lang. Atleast kahit magmukha man akong pulubi, alam ko naman na safe ako at may chance na makauwi ng buhay sa family ko. Hindi yong nandito lang ako at hindi alam kung anong plano nila sakin!

His Naughty P.A ( Jordan Series 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon