Kasi Artista Ka.. (8)

6.9K 104 13
                                    

Enjoooooy!

____

DANIEL's POV.

Nandito ako sa Backstage ng isang Mall dito sa Nueva Ecija. Medyo busy nako, pero wala namang problem sa School kasi alam naman nilang lagi ako may shooting and iba pang kabusyhan sa Showbiz.

2Weeks na kami nagiging mas mabuti ni Kath, mas napapalapit yung loob namin sa isa't isa. Okay lang naman na kaibigan lang ang tingin niya sa akin. kasi.. Handa naman akong maghintay..

One month mula nung may nakita akong maganda dalawa sa Mallshow ko. Yung umagaw ng atensyon ko.. At minamahal ko.. Hindi ko alam kung bakit sobrang bilis.. Pero siguro talagang kami ang tinadhana no?

Nakakabading yung mga sinasabi ko.. Pero sobrang totoo. Para bang nanghihina ako, kapag hindi ko siya nakikita.. KATULAD NGAYON.. Pssh!

"Daniel, magstart na yung Show in 5mins."

"Ah, sige po. Ready na po.."

Nagayos muna ako ng buhok, and nagpractice ng kakantahin ko. Sabi nila madaming tao sa labas eh. Nakakahiya naman kung gusgusin ako diba?

"Ah, oo nga pala Daniel.. May questions for you ang mga Fans mamaya ah? Okay lang ba kung sasagutin mo?"

"Sure! Oo naman po walang problema."

Maya maya nagstart nadin yung Mallshow..

"Please let's all welcome! Danieeeeel Padillaaaa!"

O_____O

WOW! Ang daming tao. Anong kaguluhan to? Sanay naman na akong madaming tao kaso, SOBRA to! Pati ako nahihirapan huminga.. Pssh!

Kakanta nga pala ako..

Kasi Artista Ka.. BOOK 1 + BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon