Kasi Boyfriend Kita.. (8)

2.8K 51 21
                                    

Kath's POV.

Nandito padin kami ni Kuya sa Mall. Kung saan saang botique kami napupunta. Hindi naman kami pinagkakaguluhan kasi madaming nakabantay na guard. Naks! Feel na feel tuloy namin. Para kami artista. Speaking of artista.. Okay.. Nevermind. Ngayong araw, dapat hindi pumasok sa isip ko si Daniel. Favor yan sakin ni Kuya Kenken, ewan ko kung bakit. Pero syempre kasi may care siya sa akin. Ayaw niya akong masaktan. Wag nalang tayong mag-assume. Baka ma-Ella Cruz ako. Charot. De, seryoso, ang sakit mag-assume. Yung tipong akala mo lang lahat. Tulad nung pangako ni Daniel. Tsssss. Nevermind. No Daniel, no problem.

"Ano pang hindi mo nabibili?"

"Wala na yata."

"Uwi na tayo?"

Tumango nalang ako. Shems! Wala nga pala akong dalang sasakyan. Patay! Pano na to? Malalaman ni Kuya Kenken na hindi ako umuuwi sa tirahan namin ni Daniel. Magtataka to, baka makahalata na hindi kami okay ni Daniel. Pano na?

"Ah ano kuya. Magtataxi nalang ako."

Nag-iba ang timpla ng mukha niya. Ano pa bang magandang palusot? Hala hala hala!

-_________-

"Ano?! Hindi pwede. Kita mong delikado na, gabi na oh. Mag-aalas nwebe na din. Hindi pwede! Hindi talaga pwede. Baka may mangyari sayong masama, nako hindi ko mapapatawad sarili ko kapag pinayagan kita kaya hindi pwede. Hindi talaga pwede Kathryn Bernardo."

Ratatatatataaaaaaat! Grabe yang bumanganga niya, derederetso eh. Walang palag. Makakahindi pa ba ako neto? Shems! Deretso nalang ako sa condo tapos ichecheck ko nalang rin kung may damit pa akong naiwan. At kung nandun man si Daniel, magapaalam ako. Wait, bakit magpapaalam pa ako kung wala rin naman na siyang pakelam sa akin? What the heck.

"Oo na. Sasabay na."

"Good. Lets go."

Andami pang dada eh, sasama din naman pala ako. Derederetso pa pagdada, hindi rin naman pala ako papayagan. Mas matindi pa siya sa tatay ko kung mag-ingat sa akin eh. Pero okay na rin, thankful nga ako kasi nandyan siya kapag kailangan ko siya kahit wala ako kapag kailangan niya ako. Nakakaguilty din minsan eh. Tsk.

"Kamusta naman pala yung mga schedule natin para sa mga gagawin natin sa Palawan?"

Tanong ko.

"Okay na. First day natin, gala muna. Hindi muna tayo sa Puerto Princesa pupunta. Sa Coron,Palawan muna tayo for vacation. 1 day lang naman yun, island hopping lang. Then, byahe na tayo papuntang puerto."

"Wow! May free time pala tayo. Gamitin natin yun ha!"

"Sure! Maganda daw dun sa Coron eh."

Atleast may time kami para magrefresh ng utak ng everything. Haha. Nakakamiss din umalis ng bahay. Ngayon kasi puro office and bahay lang kami eh. Hindi katulad nung nasa Paris ako, lagi akong umalis ng bahay kasi hindi ako mapakali sa bahay. Namimiss ko lang yung mga kaibigan ko dito sa Pinas.

"Oooops. Dito na tayo."

"Bye Kuya. Salamat ha?"

"Hatid kita sa taas?"

"No thanks kuya."

"Osige. Akyat kana."

Naglakad na ako. Lakad lakad lakad. Napaisip lang ako, pano kung mawala na talaga kami ng tuluyan ni Daniel? Itatapon nalang ba namin lahat ng pinagsamahan namin? Bakit ba kasi kailangang dumating pa yang Danna na yan. Anlakas naman ng LANDI POWERS niya. Nakuha niya na agad ang loob ni Daniel. Sabagay, andali lang naman nafall sakin ni Daniel, baka ganun din ang nangyari sa kanila ni Danna. Pero diba? Mahal padin? Sabi niya mahal niya ako eh. Sabay kaming nangarap para sa isat isa tapos mabubura lang lahat yun, at gagawin ko lang lahat ng pangarap na yun ng mag-isa. Nakakalungkot lang isipin na, andami naming pnagdaanan.. Yung kay Lola, yung sa Paris, yung selosan effects, yung tungkol sa kababata kong si Kuya Kenken, nalagpasan naman namin yung pero bakit para hindi parin sapat yung pinagsamahan namin sa problema namin ngayon.

Kasi Artista Ka.. BOOK 1 + BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon