Kasi Boyfriend Kita.. (7)

2.8K 38 11
                                    

Siningit ko lang to. Sorry kung maikli. Wala na akong time eh. 30mins ko lang to ginawa. 1am to 1:30 am kaya ganyan lang. Sorry kung napakabagal kong mag-update ngayon, nag-eEDIT din po kasi ako, yung sa book 1. Please pakiintindi ako. Wag niyo kong iwanan. HAHA!

--

Kathryn's POV.

"May cash ka bang dala? Withdraw muna tayo?"

Tumango nalang ako. Medyo marami din akong bibilhing gamit. We're not sure kasi kung matatagalan eh. Pinakamabilis na daw yung one month. Kaya kelangan din ng madaming damit. Tapos Palawan pa yun so madaming mapupuntahang beach. Malamang mag-beach kami with co-workers.

Nagtataka nga sila kung bakit ako pumapayag na ako ang pumunta sa Palawan para mag-bantay eh pwede namang humiga nalang ako magdamag. Magkakapera naman kasi talaga ako kahit wala akong gawin, sabi ni Lola. But I just wanted to help them. Ayokong maging pabigat sa kanila. Kelangan parepareho kaming nahihirapan.

Pumasok kami sa bangko. Hindi kasi pwedeng sa labas lang, baka alam niyo na, buhay ng may kompanya, daming kalaban. Ayoko pang mamatay! At hindi rin naman papayag si Kuya Kenken na sa labas kami mag-withdraw.

Pagkapasok namin sa bangko, bigla nalang akong nanlamig sa nakita ko. Para akong binuhusan ang nagyeyelong tubig, at parang pinako ang mga paa ko sa sahig. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang babaeng sumisira ng relasyon namin at ang lalaking sumira ng tiwala ko.

Shit! Tawa sila ng tawa, parang ang saya saya ng mukha. Naisip ko tuloy na kaya naman pala ni Daniel na wala ako. Nakakalungkot lang talaga. Akala ko totoo lahat ng pinromise niya. Wala naman palang totoo sa mga sinabi niya noon..

"Pila na tayo?"

"Quen, sa Mall nalang tayo mag-withdraw."

"Sure. Madami din kasing tao ngayon dito. Let's go."

Tinignan ko ulit sila. Hindi parin sila tumitigil sa pagtawa. At nilagay pa ni Daniel ang kamay niya sa bewang ni Danna. Sht! Baka makita sila ni Kuya Kenken. Ayokong makitang sinasaktan niya si Daniel kaya nag-aya nalang akong sa mall nalang mag-withdraw or gagamitin ko nalang ako credit card ko. Buti naman pumayag na siya.

Lakas loob akong tumalikod. Tinalikuran ko sila at bigla akong ngumiti, baka kasi makahalata na si Kuya Ken. 'Kath, wag kang iiyak.. Wag kang iiyak.. Inhale, exhale. Wooh! Magiging maayos din to okay?' Paulit ulit kong bulong sa sarili ko habang pinipigilan ang iyak.

"Kamusta na nga pala si DJ? Bakit parang hindi ko na nakikita?"

Ahm. Isip ng magandang dahilan. Nako! Anong bang maganda? Hmmm..

"Ano, lagi kasing may taping, kaya ano, kaya.. Laging hindi ko kasama. Hehe."

Tumango nalang siya. Nako po! Dito pa ko nagsinungaling, kababata ko nga pala to. Lahat ata alam niya sakin tapos sa kanya pako nagsisinungaling. Nakakaguilty! Pero kelangan mag-sinungaling. Kelangan galingan kong mag-sinungaling. Baka kasi mag-away pa sila Kuya at Daniel nang dahil sa akin. Ayoko nang maulit yung mga nangyari noon.

"Okay, we're here na."

Nagwithdraw muna kami sa bank dito, syempre inuna kami kasi kami may-ari eh. Kaya sandali lang eh nakaalis na agad kami sa bank. Inuna naming bumili ng mga sapatos. Sabi ni Quen, ako daw ang pumili ng sapatos na pwede sa kanya. Bah! Ako pa pinapili ha! Hahaha.

"Kath, magnet kaba?"

"Hindi. Tao kaya ako. Tsk!"

Nagpoker face nalang siya. Ang KJ ko naman! Panira ng trip eh no? Haha! Ang boring na kasi ng atmosphere kaya gumaganyan na siya.

Kasi Artista Ka.. BOOK 1 + BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon