Kasi Boyfriend Kita.. (12)

1.9K 46 12
                                    

Kathryn's POV.

"Kathryn.. Mahal kita.."

Siya ba talaga yan? O joke lang? Wag niyo nga akong binibiro ng ganyan. Masamang masamang biro yan. </////3

"I love you too, Enrique.."

Sarap isagot niyan pero mukhang hindi ko kaya. Oo, Ilang linggo narin akong nililigawan ni Quen, sabi niya, handa daw siyang maging rebound, 'wag lang daw akong malulungkot. Kaya natouch naman ako.. Hindi naman mahirap mahalin ang isang Enrique.. Lalo pa't kababata ko siya.. Mas matagal ko na siya kakilala kesa sa iba..

Meron kasing taong minamahal natin na, isang kita palang, MAHAL KO NA SIYA, pero magugulat ka nalang, iniwan ka na niya, at dun mo marerealize na hindi pa pala talaga siya.. Parang si.. Hayyy..

"Bakit ka nandito? Buhay ka pa pala. Hahaha!" Tawa ko na sobrang pait.

"Patay na ko Kath.. Patay nako mula nung iwanan mo ko.."

Wag kang kikiligin Kathryn. Okay? Wag na wag. Ha? Good. Wag kang titingin sa mga mata niya. Galit ka sa kanya. Wala kang nararamdamang iba kundi galit at hinanakit kasi may iba siya. Minahal mo siya ng sobra pero ano? Iniwan ka niya.

"Bakit naisipan mo pang magpakita? Masaya na ako Daniel. Salamat sa lesson ha?" Lessons nga ba Kathryn? Mahal ko pa din ata siya. Ayaw kong makita na ganyan kalungkot ang mga mata niya, yung para bang nagsisisi na siya sa ginawa niya. Pero, ayokong isipin yun dahil baka bumalik ang feelings ko para sa kanya. At ayokong mangyari yun.

"Kathryn, nandito ako para iexplain ang lahat. Gusto kong magtulong tayo para malutasan itong problemang---" Magpaliwanag? Kailangan ko pa ba ng paliwanag? Kung alam ko namang masasaktan lang rin ako sa huli?

"Hindi ko na kailangan nang explanations mo, dahil Daniel, masaya na ako. Masayang masaya na ako. Akalain mo, after 1 month, naging masaya na ako agad? Haha! And thanks to Quen."

"Hanggang dito nalang ba ang "walang hanggan" natin Kath? Hanggang ganito nalang ba mararating ng "forever" natin? Sino bang hindi lumaban? Ako ba? Oo, inaamin ko, gago ako, bullshit ako! Fck! Oo ako na ang may kasalanan, pero bakit ang bilis mong palitan ako? Bakit ang bilis mong isuko yung pagmamahal mo? Bakit hindi mo makayang pag-explain'in ako? Kasi sobrang saya mo na? Kasi sa iba na yung "forever" na ipinangako mo? Masakit Kath, nasasaktan ako.." At bigla nalang may tumulong luha mula sa mga mata niya.

THIS BREAKS ME INTO PIECES. Bigla nalang tumulo ang mga luha ko. Hindi lang ba talaga ako lumaban kaya kami naging ganito? O naging bato ako? Dapat ko ba siyang bigyan ng chance?

"Pero kung 'yan ang gusto mo, pipilitin ko nalang na maging masaya para sa inyo.. Sana sumaya ka. Sana mahalin ka niya ng higit pa sa pagmamahal ko.."

All I want is being with you, loving you and holding you but please understand, that I can't forgive you yet. I can't undo what you've done. I can't unsing a song that's been sung. I can't correct what destiny wants for us. I can't forgive you because I'm afraid that you are going to make the same mistakes you've done, so don't get me wrong baby. After all the things we've been thru, it happens, and we make mistakes. The hurt was too much and I can't bare to forget it, and in case you do it again, baka magpakamatay na ako.. Sorry and I love you Daniel..

"Daniel, sorry, but I can't forgive you yet." Iyan lang ang nasabi ko sa dami nang nasa isip ko. Ang pagmamahal para palang nasa isang scene na may nanghohold-up. Lahat ng nasa isip mo na pwede gawin, hindi mo magagawa kasi ang nasa isip mo lang, ayaw mong masaktan. At dahil ayaw mong masaktan, ibibigay mo ang lahat, kahit wala nang matira para sa sarili mo, dahil ayaw mong masaktan.

"Kung iyan ang gusto mo Kathryn.. Huwag mo nalang kalimutan na.. Mahal na mahal parin kita."

Sabi niya sabay ngiti. Masakit na ngiti.. Lumabas siya ng opisina ko. Bago siya pumasok sa elevator, tumalikod siya paharap sa akin, at muling ngumiti sa akin na para bang sinasabi na, "Malaya kana.."

At tuluyan na siyang umalis..

"Mahal na mahal parin pala kita Daniel.."

---

SHORT UPDATE. Maikli man siya pero, sobrang naiyak ako. HAHAHA! Comments please! :)

Kasi Artista Ka.. BOOK 1 + BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon