Chapter 1: Make Over

10.2K 122 3
                                    

Kathryn's POV.

Ako si Kathryn. Simpleng babaeng hindi kagandahan. Oh diba? Ang ganda nampambungad ko? Alam ko naman hindi ako kagandahan. Kaya ayan. Invisible ako sa paningin nila, yung tipong walang gustong makipagkaibigan sakin. Yung bully dito.. bully dyan ang nakakasalamuha ko.

Si Julia nga lang ang kaibigan ko sa Xanders Academy eh. As in siya lang kinakausap ko, kasi siya lang naman ang nakakapansin sa akin.. Siya lang kasi yung childhood friend kong babae. Pwera nalang kay.. Wag na nating alalalanin yun. Iniwan naman ako nun eh. Osha! Tama na drama! Baka maiyak ako.

Nasa Mall kami ni Bestfriend ko ngayon. Shempre sino paba? Edi si Julia. Siya nga lang diba? SIYA LANG.Sabi niya magshoshopping daw kami. And tuturuan niya daw ako ng beauty tips. As if naman gumanda ako diba? Eh daig ko pa ang manikin na binaboy ng isang bata. Daig ko pa ang coloring book na kinulayan ng batang hindi marunong magkulay. Yung mukha ko parang puno ng libag sa sobrang itim.

 

KAYA WALANG PUMAPANSIN SA AKIN EH.

 

"Bes, sa Parlor muna tayo ha? Sa Parlor ng Tita ko para alam nating mas lalo kang gaganda. Soo, tara na?" Sabi ni Julia habang hinahatak ako. "Bes, ano bang kapalit netong mga efforts mo? Bakit mo ba to ginagawa? Hindi naman na kailangan eh.." 

"Wala pa nga tayong nagagawa kapalit agad? Para namang hindi tayo magbestfriend niyan?"

  

Awww. Natouch ako. Ang sweet talaga netong Bestfriend ko.. Hindi ko nga alam kung bakit pinagtitiisan niya ko, isang lang naman siyang Campus Princess. Oh diba? Kapag nga katabi ko siya, mukha akong alalay eh.. SAKIIIT! Tapos kapag magkasama kami, inaasar kami, BEAUTY AND THE FROG. Ang saya diba? -____-

After namin maglakad ng asdfghjkl meters. Nandito na kami sa Salon ng Tita ni Juls. Natatakot ako baka kung anong gawin sa akin eh. Hindi naman kasi ako sanay sa mga ganitong pachuchu. Ang alam ko lang, magbasa ng libro. Bestfriends kami ng libro eh.

"TITA JEAN! Waaaah, I miss you! Kamusta kana po?"

Sabay beso ni Juls, and nagHello naman ako.

 

"Nakoo, Julia! Hindi kana bumabalik dito, porket artistahin kana ha? Nakakatampo."

Biro ni Tita Jean kay Juls. Totoo namang maganda na siya, sobra.. Laman nga siya ng mga contest sa school. At sa kung saan saan pang beauty contest. Pwede na nga siyang magmodel eh. Sabi niya, magmomodel lang daw siya kapag kasama niya na daw ako. Mukhang malabo yun.

  

"Nako Tita! Osha! Ta, si Kath nga pala bestfriend ko, ayusan mo po yan ha? As in dapat maging mukha siya Dyosa katulad ko ha? Choss. Basta ayusan mo pa siya. Please Tita?"

Kasi Artista Ka.. BOOK 1 + BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon