Kasi Boyfriend Kita.. (13)

2.3K 60 37
                                    

Gulat kayo no?! Hahaha! Enjoy!

Daniel's POV

Hindi niya ako napatawad. Hindi niya ko pinakinggan. Hindi niya ko binigyan ng pagkakataon na itama lahat ng mali kong nagawa.

May mali ba akong ginawa? Ang alam ko lang naman, pinoprotektahan ko siya, ang pamilya niya at lalo na ang kompanyang pinamumunuan niya. Masama ba yun?

Oo alam kong masakit sa part niya. Pero sana naman malaman niya yung side ko para maintindihan niya 'tong nararamdaman ko..

Matapos ang usapan namin sa opisina niya, dumeretso na ako sa bahay namin ni Kathryn, na para bang ngayon ay bahay ko nalang. Oo sobrang nakakalungkot.

Kumatok ako hanggang sa pinagbuksan ako ng pintuan ni Manang.

"Oh ano, anak? Isusuko mo na ba?"

Napahawak ako sa ulo ko. Siya? Isusuko ko? Isang buwan na ang lumipas pero niisang oras hindi siya nawala sa isip ko. Siya ata ang sumuko na sa akin eh.

"Manang, siya po ata ang sumuko na sa akin eh." Sabi ko naman. Napangiwi si Manang na para bang hindi sumang-ayon sa sinabi ko.

"Daniel, anak.. Kung dati, hindi ka nahirapang kunin ang puso niya. Ngayon paghirapan mong kunin ULIT ang puso niya."

Hindi nalang ako sumagot..

"Kasi anak, mahirap kunin ang bagay na dating nasa iyo, hindi mo iningatan, ibinigay mo sa iba o sabihin na nating nakuha ng iba, at yung taong yun eh matagal nang may interes sa bagay na iyon.. Sigurado akong mahirap na itong kunin muli. Nakukuha mo ba ang gusto kong ipahiwatig?"

Tumango naman ako.

"Ang una mong gawin, gumawa ka ng paraan para masabi mo sa kanya ang totoong dahilan ng lahat. Yung kay Danna, sabihin mo lahat at sigurado akong magiging maayos ang lahat."

"Eh Manang paano kung ayaw niyang makinig?"

"Anak, mahal ka niya.. Maiitindihan ka niya.."

Sana nga Manang.. Sana nga po.

Pagkatapos ng usapan namin ni Manang, pumunta na ako sa kwarto para magbihis. Inayos ko lahat ng mga dapat ayusin at humiga na ako sa kama.

Ano kayang dapat kong gawin para pakinggan ako ni Kath? Siguro dapat ko siyang ikulong sa isang-- Hindi eh! Baka mas lalo siyang magalit.

Hmmm, paano kaya kung kausapin ko si Quen, humingi ako ng tulong para makausap ni Kath? Tama! Yun nga.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Enrique.

To: Quen
Pwede ba tayong mag-usap? Dito sa bahay. -Daniel.

After 30 minutes, dumating naman na siya. Kinuha kami ni Manang ng juice. At nag-umpisa ng mag-usap.

"Bro, may pabor lang sana ako.. Pwede ba?"

"It depends.. Kung kaya kong gawin, sige."

Nahihiya ako na ewan! Hindi ako sure sa sasabihin ko. Nahihiya ako sa mga kagaguhang ginawa ko.

"Pwede mo ba akong tulungan na makausap si Kathryn ng masinsinan?"

Tinignan niya ako ng kakaiba.

"Sorry, but I can't. Matapos mong saktan si Kath, nandito ka para lumapit sa akin para magpatulong? Isang buwan siyang umiyak sa harap ko. Isang buwan kong pinunasan ang luha niya. Alam ko yung sakit na dinanas niya dahil sa katarantaduhan mo. Isang buwan ko siyang inalagaan. Isang buwan ko siyang tinulungan para kalimutan ka tapos ngayon tutulungan kita para lumapit ka sa kanya? Huh! Sino ka? Gago ka ba? Hindi ka karapatdapat mahalin ng isang Kathryn Bernardo na mula bata palang kilala ko na! Tang ina ka, ang kapal ng mukha mo para saktan yung babaeng walang ibang ginawa kundi tiisin at mahalin ka! Gago!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kasi Artista Ka.. BOOK 1 + BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon