Kasi Artista Ka.. (31)

4.1K 59 11
                                    

DEDICATED TO MAH FRIEND. Hahaha! Lagi akong nichachat niyan. Sa kanya ako nakakuha ng inspirasyon para mag-update ngayon! Grabe! Hi pala sa mga magbabarkada na kinikilig "DAW" sa Kasi Artista Ka. Super kinilig ako nung nalaman kong meron palang magbabarkada na nakakita neto! Yung barkada din kasi namin, ganyan! So may katulad pala namin! HAHAHA!

Hi to HEARTSTRINGPINKY! Napansin lang kita! Haha. Lahat ng chapters, nivote and nagcomment ka. I LOVE YOU NA! Sana nababasa mo to ngayon. :)

Kathryn's POV.

Nakalipas ang apat na taon. Nakalipas nang hindi siya nagparamdam sakin. Nakalipas nang wala kaming koneksyon sa isa't isa. Lumipas lahat. Birthdays, Christmas, New Year, Festivals at marami pang ibang okasyon na dapat ipagdiwang. Pero pinagdiwang ko yun nang ako lang mag-isa. Kami ni Julia. Walang pamilya. Puro aral. Puro focus sa magiging future.

Pero okay lang naman. Hindi ko naman pinagsisisihan lahat. Lahat ng mga nangyari. Lahat ng problema. Lahat ng paghihirap na pinadanas sakin. Nagpapasalamat pa ako kasi, pinaranas sakin yun. Kasi yung hindi, hindi ako ngayon ang Presidente ng Bernardo Group. Hindi ko to mararanasan kung wala yung mga taong nagpahirap sakin.

Tama nga talaga yung mga sinasabi ni Mommy noon. Hindi nagkamali si Lola ng desisyon para paghigpitan ako. Kasi kung hindi, hindi ako ngayon si President Kathryn Chandria Bernardo. Hindi ako yung taong nakatayo ngayon dito sa harap ng mga susyal na tao para ipaliwanag ang projects na gagawin namin.

Pero sabi nga nila, hindi matatahimik ang konsensya mo, kung hindi mo babalikan ang nakaraang buhay mo. Gustong gusto ko nang bumalik sa Pilipinas ngayon. Si Julia kasi, nasa Pilipinas na. Siya ang nagmamanage ng kompanya namin sa Pilipinas hangga't wala ako. Ewan ko ba. Pero para bang hindi mawala sa puso ko ang Pinas.

Hindi lang mismo ang Pinas. Shempre, pati narin yung mga mahal ko dun. Yung mga taong nagbuild sakin para maging ganito ako ngayon. Yung mga umalalay sakin sa hirap na dinanas ko. Yung mga taong hindi ako natitiis kahit busy ako at walang time makipag-skype manlang sa kanila.

At shempre, hinding hindi ko makakalimutan yung lalaking, nagpatibok ng puso ko sa una at huling pagkakataon. Wala nakong balita tungkol sa kanya eh. Kamusta na kaya siya no? Namimiss na niya kaya ako? Naaalala niya pa kaya ako? O wala lang sa kanya na hindi ako nagpaparamdam kasi hindi siya interesado sa kung anong nangyari sa buhay ko nung nawala siya?

Hays! Ang buhay talaga parang life! He left me, but the feelings didn't. Oh, why? Can you please feelings, leave me alone? Haha. Kidding.

*clap clap clap clap clap*

"Good job Ms. Kathryn."

"You never fail to amaze me."

"I'm so proud of you Kath."

"Improved a lot."

I smiled. I'm happy, because they supported me since then. Wala nga lang yung number 1 supporter ko. Pero, okay lang yun. Baka masaya na siya sa iba.

"Thanks!"

*kring kring!*

Where's my phone?

Calling..

Lucas.

Sinagot ko naman yung tawag niya. Sino si Lucas? Guy bestfriend ko dito sa Paris. Pano kami nagmeet? Ganito yun eh. Haha! Nangingiti tuloy ako.

...

*4 years ago*

Pagkatapos kong kumuha ng gamit sa lockers, pumunta nako sa next room na klase ko. Bahala na. Kung may abutan akong klase dun o wala. Medyo late nadin kasi ako kasi hindi ako nakatulog kagabi. Bakit? Edi kakaisip dun sa gabing hinalikan ako ni Daniel. Anong ibig sabihin nung halik na yun? Wala lang yun? Huh?

Kasi Artista Ka.. BOOK 1 + BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon