Kasi Artista Ka.. (5)

7.6K 126 9
                                    

Kakauwi ko lang galing galaan kaya pagpasensyahan na tong iuupdate ko. Haha! Tutuparin ko lang yung promise ko kahit pagod nako. Yiiee! Sorry kung pantapon! HAHA. Enjoooooyy!

---

Kathryn's POV.

First Day of Class ngayon. 1st Year College na kami. Kaya sana maging madaling magAdjust sa pagiging College. Shempre, bagong buhay nanaman to. Hindi na pwede yung papetikspetiks, hindi katulad nung Highschool. Kaya sana maging successful kami. Mukha namang Enjoy ang College Life eh. 

Two weeks ang nakalipas after nung Mallshow na yun. Yung parang panaginip lang lahat. Parang imaginations ko lang. Ikaw ba maniniwala ka agad na hindi panaginip na, sabihan ka ng "ILOVEYOU" ng isang Daniel Padilla? Aminin mo te! Hindi diba?

"Bes, ayos kana?"

"Yes bes! Ano gora na tayo? Nanjan naba si Kuya Romeo?"

"Oo, nasa baba na bes."

Nasabi ko na ba sa inyo na kumuha kami ng Condo. Share nalang kami kasi para narin naman kami magkapatid. Kasi kung sa Bahay namin ako titira, baka maloka ako dun! Jusko, katulong lang kasama ko dun. Wala parin kasi sila Daddy't Mommy. Nasa Bussiness Trip pa. Eh wala naman akong kapatid kaya talagang loner ako sa bahay.

Parehong pareho kami ng sitwasyon ni Juls, kaya talagang dapat kami ang magsama. Haha!

Nasa Elevator na kami ni Juls. Tapos may kasabay kami na tatlong teenagers.

"Diba siya si Kathryn Bernardo?"

"Siya ba yun? Yung sa Mallshow?

"Ah oo. Malandi yan eh. Pati si Fafa DJ nilalandi."

WHAAAT?! O___O

"Ah, mga Miss. Sinong malandi ulit?"

Tanong ni Juls sa mga babae. Mukha namang natakot sila. Haha! Galing magtaray tarayan ni Bes ah. :D

"Bes! Hayaan mo na!" Awat ko. Baka lumaban yung mga babae eh. Tatlo sila, dalawa lang kami. Haha! Takot din ako sa mga ganyan no! Kala niyo matapang ako?

"Sa susunod kung magbubulungan kayo. Hinaan niyo ng konti para hindi marinig ng iba ha? At FYI, hindi nilandi ng Bestfriend ko si Daniel.. okay?"

Kasi Artista Ka.. BOOK 1 + BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon