Buong umga akong nag-research at nagbasa ng mga articles tungkol sa black hole. And honestly, I think my head will explode. Hinihilot ko ang sintido ko nang may kumatok sa pinto ng cubicle ko.
It's Divine Grace.
"Yes?"
"Iimbitahan sana kita," sabi niya, "I mean kayo."
"Birthday mo?"
Tumango siya, "Yep."
"Ayoko, busy ako," binalik ko ang tingin ko sa computer ko.
"Nagtanong pa, tatanggi rin pala," natatawang tugon niya.
"Shuuuu," pagtataboy ko sa kanya.
In all fairness, madali siyang kausap. Umalis siya ng pinaalis ko at hindi namilit?
Nakatunganga lang ako sa harap ng computer nang kumatok si James.
"Lunch na tayo," yaya niya.
"Mauna na kayo," tanggi ko.
"Problema mo?"
"Ha? Wala."
"Sabi mo eh," pero hindi siya kumbinsido, "Bili ka na lang namen?"
"Okay, thanks," I said dryly.
Umalis na siya kaya nakatunganga na naman ako. Iniisip ko kung paano ba nabubuo o ginagawa yung black hole?
Nadatnan ako ng antok sa kakaisip kaya umidlip muna ako. Nagising ako ng tinapik ni James ang mukha ko.
"Lunch mo," sabi sabay lapag nung dala niyang ecobag sa table ko.
"Thanks," pinahid ko yung mukha ko, baka may laway.
"Punta tayo kina Ian mamaya ha," yaya niya.
"Ayoko, busy ako," tanggi ko.
"Ano ka ba, palagi ka namang busy, ito minsan lang. at libreng pagkain din yun."
I rolled my eyes, "May drinks ba dun? I think I need a drink more than food tonight."
"Hindi mawawala yan pag may birthday."
"Okay, pupunta ako. Alis na, kakain pa ako."
Nang makaalis na siya, kumain na ako. Pagkatapos kong kumain, lumabas ako. I brought my vape. Stressed ako eh, bakit ba?
Nakasandal ako sa kotse ko at humihithit nang biglang may nagsalita.
"You're smoking," si Divine grace.
"Vaping," I corrected him.
"Right," tumawa siya.
"Ano oras pala celebration mo?" tanong ko sa kanya.
"No exact time, basta dinner. Punta ka?"
"Oo, libreng dinner at drinks din yon."
Tumawa ulit siya. Nakita kong may kinuha siya sa bulsa niya. Sigarilyo.
"Now you're smoking," I remarked.
"Excuse me," sabi niya sabay sindi nung hawak niya.
Inirapan ko nga, "Isabay mo kami mamaya, ayaw naming gate crasher sa birthday mo."
"Sure, sure," natatawang tugon niya.
****
HUMINTO KAMI sa harap ng malaking bahay. Gate pa lang masasabi ko nang pang-mayaman ang bahay na'to.
"Baha niyo?" tanong ni James nang makababa kami sa kotse namin.
Tumango siya.
Pumasok na kami at hindi ko mapigilang mamangha. Mansion 'to, hindi lang to bahay. Pinakilala rin niya kami sa parents niya.
Nakasimangot ako sa tabi ng sumulpot si James at Hadji.
"Nakasimangot ka diyan?" tanong ni Hadji.
"Gutom na ako, dinner lang naman ang pinunta ko dito," sagot ko.
"Akala ko ba gusto mo ring uminom?" singit ni James.
"Nahihiya akong pumunta doon, maraming tao," I pouted.
"Ako na lang kukuha ng maiinom naten," volunteer ni Hadji.
Habang naghihintay kami ni James, dumating si Ian.
"Ayos lang kayo?" tanong niya sa amin.
"Hindi, gutom na ako." Reklamo ko.
"Oo nga pala, libreng dinner lang pala ang pinunta mo," natatawang sabi niya.
Inirapan ko siya. Nag-uusap at nagtatawanan sila nang mapansin kong nagbago ang ekspresyon ni Ian. Lumingon ako sa likuran kung saan siya nakatingin. Ganun sin sina James at Hadji, napalingon.
May nakita akong lalaki—guwapong lalaki.
"Kuya," Divine grace greeted coldly. Kuya???
"Hello, brother. Happy birthday."
"Thanks," I can sense something between them.
Pinakilala kami ni Divine grace sa Kuya niya. Nagtanguan lang sila. Pero nanandig ang balahibo nang tiningnan niya ako.
"Paul," naglahad siya ng kamay.
"P-Penny," nauutal kong tinanggap ang kamay niya.
He smirked at divine grace before walking away.
"Hindi mo naman sinabing may creepy kang kuya na hindi mo kamukha," komento ko.
"Iba yung tingin sayo," tudyo ni James sa akin. Inirapan ko siya.
"Half brothers lang, anak siya ni mom sa pagkadalaga," paliwanag niya.
"Mukhang hindi kayo close," komento ni Hadji.
I rolled my eyes, "Obviously."
Nakailang Martini rin ako bago kami nakakain. Grabe, ginutom talaga ako eh, ang dami ko tuloy nakain. Nagpapahangin ako sa sa labas ng gate nila at humihithit ulit ng vape ng bigla akong nakarinig ng baritonong boses.
"So, you smoke," it's that creepy brother of divine grace.
"Vape," na- conscious ako bigla.
"Right," he chuckled. Oh, so sexy.
Pa-simple ko siyang tiningnan. Guwapo siya. Guwapo talaga. Mas guwapo kay divine grace. Tahimik lang siya habang naninigarilyo rin. Ayoko namang titigan lang siya, baka mapansin pa niya ako. Kaya tinawagan ko na lang si Hadji. Nagpaalam akong mauna na akong umuwi.
Akala ko umalis na siya, pero muntik na akong mapalundag nang magsalita siya sa likuran ko.
"Uwi kana? Ang bilis naman."
Anak ng! ANong problema nito? Nanggugulat, eh!
"Oo, dinner lang naman pinunta ko dito, eh," prangkang sagot ko na ikinatawa niya.
"Okay, take care then," hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.
Binuksan niya ang pinto ng kotse ko.
"Oh, thanks," I smiled. Yeah, nagpapa-cute ako, konti. Haha.
"Good night, Penelope."
Did he just...?
"What?"
Ngumiti siya, tangina ang guwapo. "I said, good night."
Akala ko tinawag niya ako sa pangalan ko.
Note: original draft, unedited. Don't forget to click that little star button and leave a comment. Thankie!
You can follow me on my SM accounts:
Twttr: @DuchessCaiely or @CathlynKyReal
IG: @_duchesscaiely.einababy
Xoxo,
DuchessCee
YOU ARE READING
Hacker Vs. Hacker
General Fiction"All men are bad, And in their badness reign." Ano 'to? Nagkasalubong ang kilay ko nang magawa kong i-crack mensaheng nakuha ko sa servers ng dalawang bangko ng nabiktima ng hacker. Paano niya napapasok ang bangko? They are using RSA security for pe...
Chapter 3
Start from the beginning
