Tinawanan lang ako ni hyung nang makita niya 'yung reaksyon ko. "Tawagan ko ah," sambit niya at nanlaki ang mga mata ko. "Yah hyung–" pipigilan ko sana siya pero mukhang wala na 'kong magagawa dahil nasagot mo na ata.

  
"Ah, hello! Si Baekhyun 'to. Ikaw ba 'yung girlfriend ni Sehunie?"

   

  

  

  

   

  

 
Tinitigan ko yung calling card na inabot sa akin ni Vein. Calling card 'to ng isang photographer ng isang clothing company. Nagsalita si Vein, "Mahilig kang kumuha ng litrato 'di ba? Nangangailangan 'yan ng photographer. Baka gusto mong magtry?"

   
Tinitigan ko siya dahil sa sinabi niya. Hindi pa man ako sumasagot ay nagsalita siya ulit, "Baka kasi maulit na naman yung nangyari kagabi. You know celebrities, they always throw a party. At hindi na ako magtataka kung palagi nang nandun si Nite," sabi niya. Bigla namang bumilis yung tibok ng puso ko nang marinig ko yung salitang 'palagi'. "I talked to Era last night, she's a friend of Nite at siya 'yung nagpa-party. She kindly asked me kung pwede daw bang yung team ulit natin ang mag-organize at maging responsible sa sound system sa susunod na magpapa-party ulit siya. I couldn't say no, so you know what's my answer."

   
Hindi ko naman masisisi si Vein kung hindi siya tututol. Kung ako si Vein baka sunggaban ko rin yung offer nung Era eh. Big time opportunity kasi yun. Hindi kami tutunganga ng isang linggo kakahintay ng magco-contact sa'min. Kung a-agree kami, may posibilidad na maghihintay na lang kami ng text o tawag tapos dire-diretso na kami. Tsaka mukhang party goer at expert yung Era. Hindi ako magtataka kung once a week, may party yun.

   
Kaso iisipin ko pa lang na palagi kang nandun, baka manlambot ako at hindi na 'ko sumipot. Tumitiklop ako pagdating sa'yo, alam mo naman yun eh. Pero ngayon ata, tiklop na tiklop ako. Na sa tuwing naririnig ko pa lang 'yung pangalan mo, napapangiwi na ako at nagui-guilty na agad ako.

   
Tumango lang ako at nilaro-laro 'yung hawak kong calling card.

   
"As much as I want to push you to Nite, nirerespeto ko naman yung gusto mo. Alam kong ayaw mo pa at takot ka pa. Wala naman akong magagawa dun. So there," pahayag ni Vein at tinuro yung calling card. Napangisi pa nga ako dahil pati siya ramdam na ramdam na takot ako. "Why don't you try that? Para mas maka-iwas ka pa sa taong gustong-gusto mo nang yakapin pero natatakot kang gawin. 'Wag kang mag-alala. You're still in the team. Hiatus ka nga lang. Magtry ka muna ng iba, baka sakaling dyan, mapanatag ka."

  
Huminga ako ng malalim at nahihiyang nginitian si Vein. Buti na lang talaga may kaibigan akong katulad nitong monggoloid na 'to. Maaasahan sa lahat eh.

  
"Salamat pare. Pagiisipan ko," sagot ko habang nilalagay sa bulsa ko 'yung calling card. Tumayo na kami at binitbit ko na 'yung gamit na kinuha ko sa kanya. "Uwi na kami."

    
"Iwan mo na si Sett," biro niya at tinaasan ko siya ng kilay. "Gumawa ka ng sarili mong anak!" Sabi ko. Tumawa naman siya ng malakas.

   
Habang naglalakad kami papunta kay Sett ay nagsalita ulit siya. "Pero dude, pag-isipan mo pa rin yung sinabi ko kanina. Hindi kasi mawawala yang takot mo hangga't hindi ka nagpapakita sa kanya eh. Subukan mo lang i-try. Malay mo maganda yung kalabasan 'di ba?" Sabi niya at tumango lang ako. Pag-iisipan ko naman talaga. May punto rin kasi siya. Paano kaya kung hindi ka nga talaga galit 'di ba?

   
Tinawag ko na si Sett at niyaya nang umuwi. Ayaw pa nga niya dahil naka-simangot pa siya. Tapos sinesenyasan pa ni Vein na 'wag munang umuwi. Binatukan ko nga. Mamaya mag-inarte pa si Sett sa sasakyan sa kaka-ganyan niya eh.

Oh Sehun's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon