"Good idea," segunda ni Sir, "I want you in charge in catching this guy."
Napangiwi ako. Bakit naman ako?
"Just be careful, I don't want you ending up like our friend," natatawang dagdag ni Sir.
Si Sebastian ba tinutukoy niya? Ayaw daw niya akong matulad kay Seb?
"Sir naman eh," reklamo ko.
"Call us for a meeting if there's an additional information," tumayo si Sir at lumabas ng conference room.
"Hadj, can you to these banks and ask for there IT to meet with me? May mga itatanong ako," sabi ko kay Hadji.
"Sure."
"Paano kami?" tanong ni James.
"Samahan niyo si Hadj kung gusto niyo," I answered dryly.
Nang makaalis sila, umuwi ako sa apartment ko at dumiretso sa kuwarto kung saan nandoon ang computer ko. I tried entering the Dark Web. After almost one hour, I was able to enter.
My main purpose on entering this so called dark web is to catch a glimpse of how this web works.
At isa lang ang masasabi ko. This place is so...chaotic and messy. Siyempre, puro anonymous ang mga nandito, eh.
At may na-confirm din ako. May naibenta nga na credit card number dito mula sa isa sa bangkong nabiktima nung lintek na hacker na 'yon.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Hadji.
"Hadj," bati ko sa kanya nang makasagot siya.
"Ikaw daw pumunta dito," bungad niya sa akin.
Agad kong pinatay ang tawag at ang computer ko bago ako umalis papunta doon sa unang bangko ng nabiktima.
Pagdating ko doon, wala na sina Hadji. At hinihintay na ako ng IT sa bangko. Ipialiwanag niya sa akin ang nangyayari. Hindi daw niya ma-trace ang IP address ng hacker. Tinanong ko rin kung paano nakakuha ng access ang hacker sa bangko nila. Hindi rin niya alam pero base sa mga sinabi niya, mukhang may idea ako kung paano.
Ganun din ang nangyari nang pumunta ako sa ikalawang bangko.
Iniisip kung anon a kayang ginagawa nitong hacker na 'to ngayon. Sigurado ako, may bibiktimahin pa siyang bangko.
I asked for permission from both of the banks to access in their internal network environment to be able to trace the hacker's digital footprints, if there is any.
Bumalik ako sa bahay ko pagkatapos.
Nagdala ako ng pagkain ko sa kuwarto at ini-on ulit yung computer ko. Using the information I gathered earlier, I tried to trace the IP address of the hacker. Sinubukan ko ring alamin kung paano siya nakapasok sa system ng mga bangko.
After few hours, nalaman kong may isang computer ang pinagmulan nung malware na ginamit ng hacker para makakuha ng access sa bangko.
"Shoot," I muttered to myself when I realized how the hacker got in the bank's system.
Hindi rin ako sigurado, pero parang USB drop yata yung ginawa niya. Basically, nag iwan lang siya ng flask drive, hoping na may isang tangang empleyado na magi-insert nun sa isa sa mga computer sa bangko.
Napaka-simple nung ginawa niya, ha, pero nakapagnakaw na siya ng libo-libong halaga.
Nang ma-identify ko kung saang computer nagmula ang malware, doon na ako nag-focus.
I hacked in that computer, hoping to trace the hacker. Ilang oras rin ako nakaharap lang sa computer ko. I easily got in their security protocol since I have their permission to access their network.
And then I saw it, the code. If course it's a code. He's not a hacker for nothing. I just have to crack this.
After almost one hour, yeah, took me long enough for a simple code to crack it.
"All men are bad, And in their badness reign."
Ano 'to? Nagkasalubong ang kilay ko nang magawa kong i-crack mensaheng nakuha ko sa servers ng dalawang bangko ng nabiktima ng hacker. Paano niya napapasok ang bangko? They are using RSA security for pete's sake. Ayokong sabihing magaling 'tong gagong 'to. Mas magaling ako dito.
Sinubukan kong mag-search kung ano 'tong mensaheng nakuha ko.
Napangiwi ako sa nabasa ko. The message came from Last line on Shakespeare's Sonnet 121. You gotta be kidding me. This guy's a bit old-fashioned for someone who hacks and robs banks.
And oh, He's good in covering his tracks, I must say. But not that good, baby.
I smirked, "Time to test my own-made viruses."
Note: original draft.
YOU ARE READING
Hacker Vs. Hacker
General Fiction"All men are bad, And in their badness reign." Ano 'to? Nagkasalubong ang kilay ko nang magawa kong i-crack mensaheng nakuha ko sa servers ng dalawang bangko ng nabiktima ng hacker. Paano niya napapasok ang bangko? They are using RSA security for pe...
Chapter 1
Start from the beginning
